Chapter 11

502 32 5
                                    

NAGPAIWAN si Roni sa kotse nang sunduin nila si Tita Kristine sa airport. Hindi niya gustong mamangha agad ang babae kapag nakita nito ang kalagayan niya.

Paulit-ulit na humugot siya ng hininga. She was thinking of Borj too much. Sa isang bahagi ng kanyang puso ay nais niyang naroon ito sa piling niya. May mga pagkakataong hindi niya kayang itago ang pangungulila niya sa presensiya nito.

Nang unang tatlong buwan ay muntik na siyang magka-miscarriage. Ayon sa kanyang OB GYNE ay maselan ang kanyang pagbubuntis. The baby must be feeling her emotional downs. Napatuwid siya sa pagkakaupo nang matanaw niya ang pagdating ng magkaibigang Marite at Kristine. Kahit paano ay nakabawi na ng kalusugan si Tita Kristine pagkaraan ng pagkamatay ng asawa nito.

Pakiwari niya ay lumaki ang kanyang ulo nang makita ang kasunod pa ng dalawa. Sa kakaisip niya kay Borj ay nakikita niya ang imahe nito ngayon. Napakaguwapo nito sa suot na olive-green polo. She blinked her eyes, upang mapansin lamang niya ang babaeng nakaabrisete rito.

"Oh, Lord. Ano ang nangyayari sa akin?" She shook her head violently. It was not Borj, please. Kung uuwi ito ay hindi kailangang may kasama itong kung sinong babae. Ilang sandali pa ay nakalapit na sa kotse ang kanyang mommy at si Tita Kristine.

"Roni, hija! Kumusta?" masayang bati ng tiyahin. Mabuti na lamang at dumiretso ito sa backseat.

"Welcome back, Tita. You look well. Mabuti't naisipan mong umuwi na rito sa atin." Hinapit niya ang jacket na suot sa ibabaw ng bestida. Pagkuwa'y naramdaman niya ang marahang pagkirot ng kanyang tiyan.

"Mainam na di-hamak dito kaysa sa Amerika. Tumaba ka, Roni."

Inalis niya ang tila kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Sinikap niyang maging kaswal. "Oo nga ho."

Pumasok ang mommy niya sa pinto ng driver's seat na halata ang tensiyon sa mukha.

"Si Borj na ang pag-drive-in mo, Marite."

Lalo na siyang kinabahan. "Kasama mo si Borj, Tita?" pagkumpirma niya.

"Yeah. Nabigyan siya ng dalawang linggong bakasyon dahil natapos niya ang isang project at nakapag-close din siya ng maraming transactions in the last three months. Hindi nga rin alam ng mommy mo na makakasama si Borj."

Her heart nearly exploded. She could hardly breathe. Lalo na nang bumukas ang pinto sa likuran at alalayan ni Borj na makasakay ang babaeng kasama nito. She wanted to curse him but she wouldn't. Lalo niyang hinapit ang jacket na suot at itinuon ang paningin niya sa labas ng sasakyan.

"Borj, ikaw na ang magmaneho," ani Tita Kristine sa anak.

"Pagod pa sa biyahe ang batang iyan. Hayaan mong makapagpahinga muna," salo ng kanyang mommy na lihim na ipinagpasalamat niya.

Pigil niya ang paghinga nang dumukwang si Borj at ipinatong ang kamay nito sa kanyang balikat. "Roni..." Hindi niya alam kung ano ang kalangkap ng pagbati nito. "How are you?"

"Thanks. I am... fine."

He eased back, sumandal ito sa upuan. Katabi nito ang babaeng pagod na humilig sa balikat nito. "Siyanga pala, this is Tricia," kaswal na pagpapakilala nito sa babae. "Tricia, meet Roni," patamad na dugtong nito.

Iniabot ng babae ang kamay sa kanya. But with her disoriented mind and shrinking heart, she did not notice that. Umismid si Tricia at muling humilig sa balikat ng katabing binata.

"Marite, kumain muna tayo bago magtuloy sa bahay. Ginugutom na yata ako."

Sumulyap sa kanya ang mommy niya. Alam niyang nararamdaman nito ang tensiyon niya. "So, saan ninyo gustong kumain?" pagkuwa'y tanong nito sa mga nasa likuran.

When I See You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon