TINANGHALI ng gising si Roni kinabukasan. Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay bahagya lang niyang sinuklay ang buhok at kinipnip na ang kanyang mga gamit. Nagmamadali siyang lumabas ng silid.
"Hi, Mom!" bati niya sa inang kalalabas lang din ng kuwarto.
Oh, hi, Roni. Papasok ka na?"
"Tinanghali nga ako ng gising." Dumako ang paningin niya kay Borj na ibinababa sa hagdan ang isang traveling bag.
Napansin ng mommy niya ang pagkunot ng kanyang noo sa nakita.
"I'm sorry, Roni. We've been both busy recently. I'm about to come to your room now upang sabihin sa iyo na pupunta ako sa Bacolod ngayon. May problema sa lupa ng daddy mo roon ayon sa abogado. I want to talk to your uncle personally. Don't worry, two days lang ako roon. Nagbilin na ako kay Mila. Isa pa'y narito naman si Borj."
Sinikap niyang pigilan ang pagsimangot dahil sa nalaman. Mula nang mamayapa ang kanyang ama ay palagi nang abala ang mommy niya. Nauubos na ang oras nito sa mga trabaho nito sa kompanya at sa mga out-of-town trips nito.
"Ihahatid kita sa airport." mabilis na pagpapasya niya."Oh, no. May pasok ka, hija." Masuyong hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa mukha niya. "Look at yourself, sa pagmamadali mo nga'y hindi mo naayos ang sarili mo. Tanghalin pa naman ang pasok ni Borj, siya na lang ang magmamaneho upang ihatid ako sa airport. And you, hindi por que wala ako ay dadalasan mo ang paglabas mo kasama ang mga kaibigan mo. Cut-off the concerts and eating-out things for two nights, please. Kapag ginawa mo iyon ay mapapanatag ang loob ko."
Tumango siya nang marahan. Wala naman siyang inaasahang lakad. Maliban nga pala sa paanyaya sa kanya ni Basti, naalala niya.
"Ingat, Mom. Call me up when you get there."
"Sure, I will." Hinagkan siya nito sa kanyang pisngi.
RONI sighed heavily after her last subject. Finally, naisip niya. Kanina pa siya inip sa pagle-lecture ng matandang propesora nila. Inayos na niya ang mga gamit. Ang bilin ng kanyang ina ay agahan niya ang pag-uwi upang hindi siya ma-traffic. Biyernes ngayon. Hmp. She pouted when she thought of Borj. Tiyak na mag-aaway lang sila. Galit ito dahil sa ginawa niya kagabi. Alam niyang gaganti ito.
Bakit tila kinasasabikan pa niya ngayon kung ano ang maaaring gawin nito? Many times she asked herself if she was attracted with him. With his looks, of course, she would admit she wasn't immuned to him. Suddenly she winced at the thought. Mapuputol ang kamalditahan niya. And he wouldn't baby her. Alam niyang wala sa tipo nito ang mag-amo ng babae at mapasunod ng mga ito. And then she wondered how many girls he had pinned down.
"Sa Sunken Garden tayo."
Pinukaw siya ng boses ni Nelia, ang na-assign na leader ng kanilang grupo para sa parliamentary debate nila sa lunes.
Nilingon niya si Jelai na nag-aayos na rin ng mga gamit. "Why?"
"Pag-uusapan ang tungkol sa debate."
Oh, she remembered. Napag-usapan kanina sa cafeteria na kailangan nila ng preparasyon at diskusyon para sa maayos na pag-develop ng mga constructive speeches. Itinaas niya ang kanyang braso upang sulyapan ang wristwatch. Pasado alas-sais pa lang naman.
Halos dalawang oras din silang nakasalampak sa damuhan ng Sunken Garden. Walang anu-ano ay tumunog ang kanyang cell phone. Her mother was calling. She excused herself. Akmang sasagutin niya ang tawag nang biglang namatay ang gadget. The battery was empty. She groaned. Her mother would probably think she had gone out with her friends, lihis sa mahigpit na ipinagbilin nito. Napailing siya. Wala man lang siyang pagkakataong ipagtanggol ang sarili kapag naisumbong siya ni Borj.

BINABASA MO ANG
When I See You Smile
RomantikaNagsimula ang iringan at asaran sa pagitan nina Borj at Roni noong mga bata pa sila. Nakitira si Borj na ampon ng best friend ng kanyang mommy sa kanila. Several years passed. Muling nakita niya ito na isa nang ganap na binata. And the physical cha...