"HINDI ka raw inabutan ni Borj sa campus kahapon."
Mula sa pagsubo ay maang na tumaas ang tingin ni Roni sa kanyang ina. Bago pa siya makapagtanong ay muling nagsasalita ito.
"Iilan na lang ang subjects niya kaya nag-volunteer siyang susunduin ka niya sa pag-uwi. At wala akong nakikitang dahilan para tumanggi ako. Para tuloy hindi ka nahihirapang sumakay lalo na pag Miyerkules ng gabi na labas mo. Iwas traffic pa. What do you think about it?"
Sunod-sunod na umiling siya bago umabot ng baso at lumagok. "I don't mind, Mommy. In fact, burden 'yon on his part kaya nagtataka ako kung paano maiisipan ng lalaking iyon na mag-volunteer. Isa pa'y inihahatid naman ako minsan ni Basti kung nagpi-fit ang schedule namin."
Tumikhim ito. "Yeah, si Basti. Bagama't alam mong hindi ko gusto ang aura ng batang iyon ay hindi kita binawalang makipag-boyfriend sa kanya. But Borj has nothing to do with him. Hindi niya pakikialaman ang relasyon mo, susunduin ka niya kung hindi available si Basti and that's it."
She silently groaned. Hindi na niya mababago ang desisyon ng kanyang ina.
Walang anu-ano'y sumungaw si Ate Mila. "Ate, past eight na. May board meeting ka pa."
"Oo nga pala." Inabot ng mommy niya ang baso at uminom bago ito tumayo. "Honey, I have to go. Baka ma traffic na ako. Si Borj, Mila, naglilinis pa rin ba ng kotse niya? Huwag mong paaalisin nang hindi nag-aalmusal, ha?"
"Kanina nang labasin ko, ang inaatupag ay ang kotse mo. Ako na ang bahala sa batang 'yon. Mamaya pa naman yata ang pasok niya."
Inubos lang ni Roni ang natitira pa niyang pagkain. She rushed to the bathroom, adjacent to the kitchen, and went out of the house. Inabutan niya ang pagpupunas ni Borj sa kotse nito.
"Nakaalis na si Tita Marite. Bakit hindi ka sumabay?"
She opted not to mind him at all. Nagtuloy siya palapit sa gate. Hanggang sa marinig niya ang pagsasalita nito.
"So, saan kayo nakarating n'ong mokong na sumunod sa iyo?" Pagkasabi niyon ay ngumisi ito na alam nitong ikaiirita niya.
Kung may mahihimigang emosyon sa tono nito ay halos hindi pansin. Pumihit siya paharap dito. "Gusto mo nang papelan ang pagiging driver ko, di ba? Pati ba naman pagiging imbestigador, papatusin mo pa?"
Binitiwan nito ang basahan. Sumandal ito sa bumper at tinitigan siya nang mataman. Then he smiled.
"Hindi ko alam ang totoong motibo mo, Borj, kung bakit ka nasa campus kahapon. Kunwari ka pa sa mommy na nagmamagandang-loob ka. Oh, don't give me that crap." She smiled sarcastically.
"Does it bother you?"
"Bahala ka. Just leave me alone." She shrugged and open the steel gate.
"Hintayin mo ako sa Sunken Garden mamaya."
She sighed. You're despicable, Jimenez!
Kinahapunan ay maaga siyang umuwi. Hindi importante kung nag-cutting class siya. Gusto niyang mamuti ang mga mata ni Borj sa paghihintay sa kanyang pag-uwi.
"HINDI pa naman ako nag-aagree sa invitation na iyon di ba?"
"Right. But you must, Roni, honey. Hihintayin ka ng barkada ko."
Roni twisted her lips while talking to Basti on the phone. Alas-otso na ng gabi at nagpapahinga na siya. "You'll just drink 'til dawn. Ano naman gagawin ko roon?"
"Nandoon ang mga girlfriends nina Rodney. You'll not get bored."
"Hope so," pabulong na sabi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
When I See You Smile
RomansNagsimula ang iringan at asaran sa pagitan nina Borj at Roni noong mga bata pa sila. Nakitira si Borj na ampon ng best friend ng kanyang mommy sa kanila. Several years passed. Muling nakita niya ito na isa nang ganap na binata. And the physical cha...