HINDI namalayan ni Roni na inabot siya ng alas-sais sa loob ng kapilya na nakupo lamang. O nakatulog nga yata siya. Niyakap niya ang sarili at nagmamadali siyang lumabas. Tamang-tama ang pagdaan ng taxi ngunit inabot pa rin siya ng dilim sanhi ng traffic pauwi.
Nagmamadali siyang pumasok sa kabahayan at hinanap niya si Borj. "Si Borj, Ate Mila?"
"Umakyat lang sa kuwarto niya kanina at lumabas din. Hinahanap ka nga niya sa akin pagdating niya."
Umakyat siya sa kuwarto ng binata. Magulo ang silid nito. Nagkalat ang mga gamit nito sa ibabaw ng kama at basag ang lampshade na tumumba sa sahig. O sadyang itinumba. Nahugot niya ang hininga dahil sa dinatnan niya. Nahahapong umupo siya sa kama.
Noon tumunog ang telepono sa hallway na muling nagpatayo sa kanya. Mabilis na lumabas siya ng silid at dali-daling dinampot niya ang awditibo. "Borj?" sambit niya nang makilala ang boses nito.
"Alas-dos pa lang ay naghihintay na ako sa harap ng building n'yo, Ronalisa. You intended this to happen, right? Now, what do you want to do next?"
"I-I... B-Borj, listen. I'll explain everything. N-nasaan ka ba?"
"Hindi ko alam kung kaya pa kitang makita pagkatapos ng ginawa mo sa akin, Roni."
His voice was cold, laced with pain. She wanted to shrink in fear. Nakikinita na niya ang pagngangalit ng mga bagang nito sa galit sa kanya.
"B-Borj, please..."
"Damn!" Kasabay niyon ay nakarinig siya ng pagkalabog.
"B-Borj, ano ang nangyari? You're driving, right? What happene ----" ngunit putol na ang linya. Oh, God! She sighed in despair.
Kailangan niyang paghandaan kung paano niya haharapin ang galit ni Borj. At ngayon ay sumasasal ang kanyang dibdib sa kaba dahil nararamdaman niyang may hindi magandang nangyari dito.
Isinandal niya ang nahahapong katawan sa dingding. Hindi niya namalayang nabitiwan niya ang receiver.
Nagtungo siya sa sala sa ibaba. She turned on the television set. Ngunit wala roon ang kamalayan niya. Ang isip niya ay okupado kung nasaan si Borj.
She could have been his wife now. But no. It wouldn't matter because mentally, emotionally, even spiritually, she couldn't commit to Borj her whole being. She was emotionally wrecked, her heart distressed. She regretted not opening the matter with Jelai. Umalis din ito kaninang hapon para sa isang charity mission. Hindi naman niya matawagan ito sa cell phone nito dahil nahihiya siya.
Halos mapaangat ang kanyang pang-upo sa settee nang tumunog ang telepono sa side table. Mabilis na tinungo niya iyon. Kanina pa siya naghihintay ng muling pagtawag ni Borj. Tinatawagan niya ang cell phone nito ngunit hindi nito sinasagot iyon.
Puno ng antisipasyon na iniangat niya ang receiver mula sa cradle. Ngunit hindi boses ni Borj ang narinig niya sa kabilang linya. It was her mother on the line. "Mommy, kamusta?"
"Nandiyan na ba si Borj, Roni?"
Nahimigan niyang parang pilit lang na pinapakalma nito ang boses nito. And she heard trouble from the sound of her mother's breathing.
"Kumusta si Tito Mondi, Mommy?"
"Roni, hindi ko alam kung kakayanin mong sabihin ito kay Borj. Let me talk to him."
"Wala siya, Mom..." kinakabahang sumulyap siya sa wall clock --- mag-aala una na. Kung uusisain nito kung nasaan si Borj ay hindi niya alam ang isasagot.
"M-Mondi's dead, Roni... Kaninang alas-nuwebe rito."
"Oh, God!" Tila mauupos na kandila ang pakiramdam niya.
BINABASA MO ANG
When I See You Smile
RomanceNagsimula ang iringan at asaran sa pagitan nina Borj at Roni noong mga bata pa sila. Nakitira si Borj na ampon ng best friend ng kanyang mommy sa kanila. Several years passed. Muling nakita niya ito na isa nang ganap na binata. And the physical cha...