Chapter 2

556 38 5
                                    

"RONI!" hiyaw ng matinis na boses mula sa di kalayuan.

Kinawayan niya si Jelai. Kaibigan niya ito mula pa grade school. Hanggang ngayon ay kaklase niya ito, sa isang subject na nga lamang.

"Wala ka nang klase? tanong niya rito.

"Labas na lang tayo. Kain, alam mo na." Itinaas nito ang shades sa buhok. "Samahan mo na rin akong bumili ng gift for my dad. Dala ko ang wheels ni Daddy." Sinundan nito ng tingin ang Vios na nakaparada sa harap ng building.

"Himala! Wala kang date ngayon?"

"Wala na kami ni Bryan kahapon lang. Hindi talaga kami magkasundo ni Bryan. What about Basti, kumusta kayo? Pagkuwa'y biglang may naalala ito. "Your text message last night, ano nga uli iyon? I was caught dead tired wanting to be on my bed and forgot all about it. Sorry."

"Sa kotse na ako magkukuwento."

Ipinasok ni Jelai ang bag nito sa backseat at pumuwesto sa likod ng manibela. "Where to?"

"Sa Katipunan o sa Libis, yong fave resto mo roon kung type mo. What do you think?"

"Ano nga 'yong balita?" pangungulit nito.

"Remember Borj?"

"Borj ..." Jelai tried to recall. "Borj who?"

"Benjamin Borj. Anak ni Tita Kristine. That guy who wrecked my tree house. You've met him before, Jelai."

"Oh!" Her friend smiled wantonly. "That Borj. Of course, I remember him. Why not? He is the guy you went gaga over one summer some years ago, Roni."

"Jelai!" She exasperatedly tapped her friend on the arm. "What are you ----"

Tumawa ito nang malakas. "Di ba totoo naman?"

She shook her head in disbelief. "I'm warning you, supladong antipatiko pa rin ang lalaking iyon."

"I wonder why." Umikot ang eyeballs nito habang kumakambiyo paliko. "So, why, where are his parents?"

Ikinuwento niya ang kalagayan ni Tito Mondi. "I'm sure kabado si Tita Kristine sa ampon niyang iyon. Ewan ko lang kung gaano kadalas ang lalaking iyon sa bar at sa kuwarto ng may kuwarto."

Jelai rolled her eyes teasingly. "Really? So how do you feel about it? Do you still have that cru---"

"Shut up, girl! I won't deny that, but the fact is..."

"Is..." Isang pilyang ngiti ang muling sumilay sa mga labi nito nang sulyapan siya. "Wala kang maidugtong?"

She knew Jelai was just cornering her. Ipinilig niya ang ulo. That was nonsense. Pinili niyang manahimik na at huwag itong patulan.

Sa isang restaurant sa Katipunan sila humantong. Bago siya inihatid ni Jelai ay tumuloy muna sila sa Sta. Lucia East para sa bibilhing regalo nito para sa daddy nito.

"Hindi ka na bababa?"

"Next time na lang. Regards to Tita Marite."

"Okay, I will. You take care driving, girl."

"Yup, yup, yup." Pinaandar na nito ang kotse.
Nang makalayo ang kaibigan ay saka siya pumihit papasok sa gate. She locked it and went towards the front door. Gasino na lang niyang napansin ang pulang kotse sa garahe, katabi ng kotse ng kanyang ina.

She was tired. Kanina pa sa mall ay gusto nang pumikit ng kanyang mga mata. She wanted to blame it on their group research. Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa ikalawang palapag. Sumilip siya sa master's bedroom at nakita niya ang mommy niyang mahimbing nang natutulog. Marahang isinara niya ang pinto.

When I See You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon