A Hot Night With My Landord
by: iamhazelnut773
WARNING:
A/N: Hey guys! ang story ko ay para lang sa mga eighteen and above, bawal po ang bata dito.
So, please make sure of that dahil ayaw kong maempluwensyahan ng masamang hangin ang mga brain cells ninyo. Read at your own risk and be open minded na lang po, kamsahamnida mga bes.
Kailangan ko din po ng vote ninyo every chapter para ganahan naman po ako sa pagsusulat, thank you po ulit.
-iamhazelnut773
============================
LEI'S POV
Ako si Rishanna Lei Dela Cruz, 21 years old at isa akong fourth year college student sa Stevenson University. Isang taon nalang ay gagraduate na ako sa college at Civil Engineering student ako.
Oh diba pasosyal at pang matalino lang yung course ko?
Di mo kaya,
Char! hindi naman ako mayaman no!.Sadyang matalino lang ako kaya nakakuha ako ng scholarship sa isang mamahaling university. Isa akong NBSB as in "No boylet since birth". Hahahaha
Well, marami namang nanliligaw sakin pero hindi ko pa talaga nahahanap si "The One".
Nasa school ako ngayon, nag-iisa akong kumakain sa cafeteria dahil absent na naman ang baklitang bestfriend kong si Fern.
Hayy, ano na kayang nangyari sa baklang yun?, nakakamiss tuloy yung madaldal niyang bunganga. Marami naman akong friends, pero si Fern lang naman ang ka close ko at nasasabihan ko ng mga secrets ko.
Wala akong gana pero kailangan kong kumain kasi fifteen minutes lang yung break namin bago magsimula yung next class and I only have five minutes.
Isusubo ko na sana yung last piece ng pizza na inorder ko sa cafeteria ng biglang lumapit sakin ang isang....OH MY GOSH!!!
Ang gwapo niya!
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng biglang lumapit sakin ang pinakagwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko.
Hindi ako OA ha, I'm just stating the fact.
"Miss, Ok ka lang?"
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng bigla siyang magsalita.
"Ahh..O-ok lang ako" sagot ko.
"Pwedeng magtanong? Saan ba dito ang building ng business management? kanina pa kasi ako naghahanap" tanong ng gwapong lalaki.
"Dumiretso ka lang tapos pag nakita mo ang malaking puno na yun (sabay turo sa malaking puno) lumiko ka lang sa left side at makikita mo na ang hinahanap mo" sagot ko naman habang nagpapa cute.
"Thanks Miss, ako nga pala si Liam Zack Grand" sabay lahad ng kamay niya para makipag shakehands.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at nakipagshake hands na ako sa kanya. Ano? choosy pa ba ako?.
"Nice to meet you, I'm Rishanna Lei Dela Cruz, teka new student ka ba dito?"
"Yes, pero fourth year student na ako, lumipat lang ako ng school".
Tatanungin ko pa sana siya kung bakit siya lumipat ng school ng bigla kong maalala na late na pala ako sa next class ko. Nagpaalam ako sa kaniya at tumakbo ng mabilis, fourth floor pa naman yung next class ko at masungit pa yung teacher namin. Patay na naman ako neto, sasakay sana ako ng elevator kaso puno na kaya naghagdan nalang ako.
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa labas ng classroom namin, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang nagbabagang mata ni Sir Cordova habang naka pamewang.
Kilala siya sa school namin bilang strikto at nakakatakot na teacher.
Bigla akong kinabahan akala ko lalabas na ang puso ko dahil sa kaba, pinagpapawisan na din ako ng malamig."Ms. Dela Cruz, why are you late?" galit na sigaw ni Sir.
"I-i'm so sorry Sir" nauutal naman ako.
"You know I'm very strict when it comes to late and absences, you should learn a lesson, go to your seat!"
Parang dumagungdong ang buong classroom dahil sa boses ni Sir Cordova. Nakayuko naman ako habang mabilis na naglakad sa upuan ko. Tahimik lang din ang mga classmates ko dahil takot din silang mapagalitan at matulad sakin.
What a great day Lei.. hayy ganun talaga pero kailangan kong bumawi next time. Kawawang Fern siguradong sermon din ang aabutin niya bukas kay Sir Codova dahil absent siya ngayong araw.
Nagulat naman ako ng biglang nag announce si Sir Cordova na kumuha daw ng one half lengthwise na papel dahil meron daw kaming surprise long quiz ngayong araw. Dahil dun nadagdagan ang kaba ko, paano kapag hindi ako nakapasa? siguradong matatanggalan ako ng scholarship, consistent dean's lister pa naman ako.
Patay!
Nag-aral naman ako kagabi pero kinakabahan parin ako.Pero nawala naman ang kaba ko dahil lahat ng lumabas sa long quiz ay napag-aralan ko naman.
Masaya akong lumabas ng room, last subject na namin ngayon at pauwi na ako ng dorm ng bigla kong naalala yung poging lalaki kanina. Hay, kailan kaya ako magkakaroon ng ganun ka gwapong boyfriend?.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad papuntang boarding house. Walking distance lang naman yung boarding house namin, sina Ate Jazz at Ate Jasmine ang mga room mates ko, kambal silang dalawa at parang ate na ang turing ko sa kanila dahil one year din ang gap namin sa isa't-isa and fourth year Hotel and Restaurant Management student silang dalawa.
Nang makarating ako sa boarding house namin ay nagbihis muna ako mamaya na ako kakain ng hapunan dahil maaga pa naman.
Biglang namang nagring yung phone ko.Tumatawag pala si bakla.
"Hoy girl! bakit absent ka na naman?! malapit lang naman yung boarding house mo sa school, lumandi ka na naman no?!" angal ko sa kanya.Nasa katapat ng boarding house namin yung boarding house nila kaya nagtataka ako kung bakit umabsent yung bakla.
"Ano ka ba girl, andaming bagong boylet dito, siyempre alam mo na"
"Hoy! wag mong sabihing nakikipaglandian ka na naman sa kanila?, naku naku naku! at umabsent ka pa sa klase ni Sir Cordova, I'm sure you're a dead meat bukas".
"Oo nga sis, nakakatakot pa naman yun, balita ko may pa surprise long quiz pa daw si Sir, pero ayoko namang may makaagaw sa mga boylet ko no! umaaligid pa naman sa building namin yung mga haliparot na school mates natin"
"Ikaw Fernando San Jose, tigil-tigilan mo nga yang pagpapantasya mo!"
"Sorry na sis, papasok naman ako bukas eh"
"Talaga, kasi pag umabsent ka na naman patay ka na talaga kay Sir Cordova, eh ako nga nasampolan niya kanina dahil na late ako"
"Wow! tingnan mo nga itong nanenermon, nauna pa palang napagalitan ni Sir" sabay tawa sa kabilang linya.
"Eh kasi naman, may gwapo kasi akong nakilala kanina"
"Gwapo ba ka mo? pwedeng ipakilala mo ako Sis?" excited na sabi ng bakla.
"Ikaw talaga girl..tigilan mo na nga yan, pag-aaral mo kaya ang atupagin mo kesa landi"
"Eto naman di na mabiro, sige na Sis chupi na...kita nalang tayo bukas sa school loveyah!" Siya.
"Baboo" Ako.
Binaba ko na ang telepono at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

BINABASA MO ANG
A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang love ay parang mainit lang na kanin na kapag isinubo mo agad ay mapapaso ka. True love waits ika nga nila pero paano kapag dumating sa buhay mo ang isang tao na alam mong mamahalin mo ng panghabangbuhay, susugal ka parin ba kahit alam...