Chapter Twelve: Mysterious caller

11.1K 136 10
                                    

LEI'S POV

Nasa school na kami ni Dothy at pababa na ako ng sasakyan ni Liam ng biglang natanaw ko mula sa malayo ang taong kinasusuklaman ko kasama si Dothy, biglang nagtama ang aming paningin na nagdulot sakin ng napakatinding kaba. Dali-dali niyang binuhat si Dothy para ipasok sa isang itim na kotse at agad na pinaharurot ang sasakyan.

Nanlumo ako sa dahil sa nangyayari pero kailangan naming sundan si Harry para mabawi namin si Dothy mula sa kaniya. Sinabi ko kay Liam ang nangyari kaya sinundan namin ang sasakyan ni Harry pero tuluyan na siyang nakatakas tangay ang anak namin ni Liam.

"L-love.. natatakot ako sa maaaring gawin ni Harry sa anak natin, hindi ko kakayanin na mawala ang anak ko" humahagulhol na ako ng iyak habang yakap ako ni Liam.

"Walang masamang mangyayari sa anak natin love, magkakamatayan muna kami ng gagong yun bago niya saktan ang anak natin, mababawi din natin si Dothy love... trust me" Liam.

Tumawag agad si Liam ng mga pulis para tugisin si Harry na napag-alamang tumakas lang mula sa kulungan. Kinasuhan agad namin si Harry ng kidnapping at illegal detention, ilang araw na din kasing hindi mahagilap ng mga pulis si Harry at ang anak ko.

Gabi-gabi din akong umiiyak, mabuti nalang at nandiyan lagi sa tabi ko si Liam para bigyan ako ng lakas. Pansamantalang inihinto muna ni Liam ang pagpapatayo ng mall dahil sa pagkawala ng anak namin, kailangan naming mahanap si Dothy sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat.



HARRY'S POV

Pagkatapos ko silang takasan ay dinala ko si Dothy sa isang resthouse na pag-aari ng pinsan ko. Nasa probinsya yung resthouse at medyo malayo ito mula sa maynila para hindi ako madaling matunton ng mga pulis.

"Dada, bakit po tayo nandito? diba po you said na ihahatid niyo ako sa bahay?" takang tanong ni Dothy.

"Well anak, sabi kasi ng Mommy mo eh magiging busy daw muna siya sa work at ako na daw muna ang bahala sayo.. bakit anak, ayaw mo na bang kasama ako?" Ako.

"Gusto ko po kayong makasama Dada, namiss ko nga kayo eh..pupunta din ba si Mommy dito?" Dothy.

"Of course baby, and we will be a one big happy family pag dumating na siya dito" I said while smirking.

I will make sure na mababawi ko na si Lei this time, lint*k lang ang walang ganti sa gagong ex ni Lei.

"Yey! really Dada? I'm so excited na po, sasama din po ba si Tito Liam? he told me kasi na bestfriend po kayo" Dothy.

Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi ni Dothy, bestfriend my foot.

"Alam mo anak, may sasabihin ako sayo.. pero wag mong sasabihin kay Mommy ha?" Ako.

Nakaisip ako ng isang madaling paraan para makaramdam ng galit si Dothy kay Liam.

"Yes Dada, ano po ba yun?" curious na tanong nito.

"These past few days kasi medyo naging busy si Dada diba? tapos biglang dumating sa life niyo si Tito Liam mo, akala ko talaga mabait siya dahil bestfriend ko nga siya pero nalaman kong inaagaw niya pala ang Mommy mo sakin, sa atin anak... aagawin niya satin yung Mommy mo, gusto mo bang mangyari yun anak" Ako.

Umiyak pa talaga ako para maniwala si Dothy at sinakyan ko pa ang pagiging bestfriend "kuno" namin kahit nangangati na ang mga palad ko na masuntok ang gagong ex ni Lei. Hindi naman ako nabigo at naniwala naman si Dothy sa mga sinabi ko.

"Please don't cry na po, kaya po pala dun na kami nakatira ngayon sa bahay niya, akala ko din po mabait siya pero I found out na he sent you to jail po... I hate him Dada, he's a bad person po.. I don't believe him po kasi mahal na mahal mo po kami ni Mommy and I know na innocent po kayo" sabi ni Dothy habang pinapatahan ako.

A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon