Chapter Sixteen: Together again

12K 139 1
                                    

LEI'S POV

Umalingaw ang napakalakas na putok ng baril sa loob ng silid, akala ko ay katapusan ko na dahil kitang-kita ko kung paano itinutok ng babae ang baril sakin. Pero nagimbal ako dahil bigla akong niyakap ni Liam at sinalo niya ang bala na dapat ay para sakin.

Kitang-kita ko rin ang dugo na tumalsik sa mga palad ko.. hindi ako makapaniwalang nangyayari ito, sandaling nanumbalik ang galit ko kay Liam kanina dahil napagtanto ko na hindi ko parin tanggap ang pagahasa niya sakin dati, pero lahat ng galit na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng isang matinding kalungkutan. Napahagugol ako ng iyak, nang tuluyan nang bumagsak si Liam dahil nawalan na ito ng malay.

"Love!!! gumising ka please.. wag mo kaming iiwan ng anak natin, sorry kung nasampal kita.. Love, please gumising ka!" pilit ko siyang ginigising pero wala na talaga siyang malay.

Umiiyak na rin si Dothy at tuluyan nang nakalapit sa kinaroroonan namin ni Liam. Mabilis namang dumating ang ambulance at ang mga pulis para hulihin ang mga hayop na magpinsan kasama ang lalaking kasama nila.

Hawak-hawak parin namin ni Dothy ang kamay ng Daddy niya habang nasa ambulance kami at isinusugod namin siya sa ospital.

"Love, kumapit ka lang.. wag mo kaming iwan ni Dothy please, mahal na mahal ka namin" Ako.

Punong-puno na ako ng dugo pero wala na akong pakialam, nagdadasal din ako na sana ay maligtas ang buhay ng taong mahal na mahal ko.

"Tito Liam please, don't leave me... mahal na mahal po kita" umiiyak din si Dothy habang hawak ang kamay ng daddy niya.

Nang dumating na kami sa operating room ng ospital ay hindi na muna kami pinapasok sa loob dahil ooperahan na nila si Liam para matanggal ang bala sa katawan niya.

"Doc, please gawin niyo ang lahat, iligtas niyo po si Liam" pagmamakaawa ko sa doctor.

"Wag po kayong mag-alala, we will do our best para po mailigtas ang pasyente" Doctor.

Nagpasalamat muna ako sa doctor bago nila isara ang pintuan ng operating room. Niyakap ko nalang ang anak ko at humagugol ng iyak, bigla namang dumating si Fern at niyakap kami ni Dothy.

"BFF, wag na kayong umiyak.. magiging okay din ang lahat" Fern.

"Salamat Fern, hindi ko kakayanin pag nawala sakin si Liam.. mahal na mahal ko siya" umiiyak parin kami ni Dothy.

Bigla namang nagsalita si Dothy na ikinagulat namin ni Fern.

"Mommy.. bakit niyo po tinago na si Tito Liam ang totoong daddy ko? sabi niyo po sakin bad po ang magsinungaling" Dothy.

"I'm so sorry baby, sa ngayon ay hindi mo pa maiintindihan ang lahat dahil bata ka pa... ang importante ay magpakatatag muna tayo para sa Daddy mo, please baby" sabay yakap kay Dothy habang umiiyak.

I'm sorry kung nagsinungaling ako sayo anak, sana ay mapatawad mo ako.

Matagal-tagal din kaming naghintay bago lumabas ang doctor.

"Doc, kamusta na po siya?" kahit kinakabahan ako ay pinilit ko paring magpakatatag.

"Tatapatin ko na po kayo Ma'am" Doctor.

"Bakit anong nangyari Doc?" kinakabahan talaga ako sa sasabihin ng doctor.

"Successful ang operation, matagumpay naming natanggal ang bala mula sa katawan ng pasyente, mabuti nalang at agad siyang nadala dito sa hospital kundi baka naubusan na siya ng dugo, sa ngayon ay stable na ang pasyente pero hindi parin siya nagigising dahil sa operasyon, pero hintayin nalang natin siyang magising sa mga susunod na araw.. pwede niyo na po siyang bisitahin" Doctor.

A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon