LEI'S POV
It's been five months na hindi kami nagkikita ni Liam, lumipat na ako ng boarding house para hindi ko na siya makita pa. Nalungkot naman ang mga kambal sa paglipat ko ng boarding house pero kailangan kong gawin yun para makapag focus ako sa mga importanteng bagay at yun ay ang pag-aaral ko.
Bawat pagdaan ng araw ay ramdam ko parin ang sakit ng ginawa niya sakin, oo mahal ko parin siya pero kailangan ko siyang iwasan para hindi na ako masaktan pa at makalimutan ko na siya ng tuluyan pero kahit anong gawin ko ay hindi parin siya mawala sa puso't isipan ko.
Nabalitaan ko rin sa kaklase kong si Tricia na nakita daw niyang may kahalikang babae si Liam at isinama pa daw nito ang babae sa isang motel. Hindi ko inakalang ganung klaseng tao siya, he made me believe in all those lies but one thing is for sure, hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan niya. I will never fall for his trick, hindi na ako maniniwala sa mga lalaking sex lang ang habol sa mga babae.
Lumipas ang mga taon at nakapagtapos na ako ng pag-aaral na hindi manlang nakikita ni anino ni Liam, balita ko ay bumalik na siya ng manila para doon ipagpatuloy ang studies niya and wala na akong alam other than that. Wala na akong pakialam sa kanya kahit ilang babae pa ang ikama niya.
Ngayon ay nasa manila na ako nag wowork, six years na ako sa isang malaki at kilalang housing company sa bansa. Isa ako sa mga engineer ng company na The Grand Mansion. Unti-unti na ring guminhawa ang buhay namin ni Mama, nakahanap muli siya ng pag-ibig sa katauhan ni Tito Stanley na isa ding Engineer. Masaya ako para sa kanila ni Mama, matagal ko na ring tanggap na hindi na sila magkakabalikan pa ni Papa. Napatawad ko na din naman si Papa, alam ko na may reason kung bakit nangyayari ang mga bagay na ganun. Kung bumalik man siya sa future at magpaka ama sakin ay tatangapin ko parin siya dahil ama ko parin siya at mahal na mahal ko siya.
I live by my own now, nakabili kasi ako ng lot dito sa manila at pinatayuan ko ng dream house ko na ako mismo ang nagdisenyo. Nakabili na rin ako ng sasakyan at natupad ko narin ang pangarap ni Mama na makapagpatayo ng isang maliit na negosyo. Talagang may reason ang lahat ng masasamang bagay na nangyayari sa buhay natin, tulad nang sakin, kung nagpaka martyr ako at nagpadala sa emosyon ko marahil nabuntis na ako at miserable siguro ang buhay ko, hindi sana ako naging engineer at hindi ko sana mabibili ang mga bagay na gusto ko sa sarili ko at para kay Mama, kaya tama ang naging desisyon ko sa buhay.
Ngayong araw ay inaasahang darating ang founder and CEO ng The Grand Mansion dito sa bansa, balita ko ay sa States na daw siya nanirahan three years ago kasama ang family niya. Ni minsan ay hindi ko pa siya na me-meet kaya excited na akong makita siya. Bilib kasi ako sa mga taong naging successful sa napili nilang career.
At last tapos na kaming mag inspection sa site ng bagong building na itatayo namin. So far, ito ang pinaka malaki at pinaka expensive na project na gagawin namin sa loob ng anim na taon bilang engineer ng company. Isang five star hotel ang next project namin and I'm so excited about it. By the way, nakapasa din si Fern sa board exam at isa na din siyang ganap na engineer pero sa ibang company siya nagtatrabaho. As usal baklang-bakla parin ang lola niyo, lagi kaming nagkikita tuwing weekends sa bahay ko o di kaya sa bahay niya.
Nag mamaneho na ako ng sasakyan pabalik sa company dahil may meeting kami with the founder and CEO ng The Grand Mansion. Ilang sandali pa ay nakarating na din ako, pipindutin ko na sana ang button ng elevator nang may biglang pumindot nito para sakin.
'Oh- th-thanks' maiking thank you ko.
Ni hindi siya sumagot sa thank you ko kaya nauna na akong pumasok ng elevator. Naka shades siya at hindi ko gaanon nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sakin, nakikita ko lang ang reflection niya mula sa elevator pero hindi gaanong malinaw. He has a great body by just looking at him kahit na naka suit siya at napakapormal niyang tingnan. Napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya kaya bigla akong umiwas ng tingin.
Sa tenth floor din bumaba ang lalaki, nauna siyang lumabas ng elevator at sunod naman akong lumabas. Pumasok na ako conference room at nasa loob na ang iba pang engineer and executive staff. Umupo na ako sa seat ko at busy ang lahat sa pag discuss ng kanya-kanyang proposal para sa next project namin ng biglang magsitayuan sila kaya napatayo din ako, siguro ay nandito na ang founder and CEO ng company.
![](https://img.wattpad.com/cover/204581351-288-k654514.jpg)
BINABASA MO ANG
A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)
RomanceSabi nila ang love ay parang mainit lang na kanin na kapag isinubo mo agad ay mapapaso ka. True love waits ika nga nila pero paano kapag dumating sa buhay mo ang isang tao na alam mong mamahalin mo ng panghabangbuhay, susugal ka parin ba kahit alam...