LEI'S POV
Pagkatapos ng one week naming honeymoon ni Liam ay balik pinas ulit kami, kararating lang namin mula sa airport at nagulat kami dahil may prenepare pa na welcome party sina Fern at Kendra para samin. Nandun din ang parents ko, si Tito Stanley na asawa ni Mama, si Dothy at ang mga empleyado ng asawa ko.
Sinalubong nila kami sa labas ng bahay habang may hawak na tarpaulin sina Fern at Kendra, may hawak ding mga balloons sina Dothy, ang parents ko, si Tito Stanley at ang iba pang empleyado.
"Welcome home Mr. And Mrs Grand!" sabay-sabay nilang bati sa amin.
"Thank you sa surprise guys, hindi ko talaga iniexpect ito" nakangiti pa ako habang nagpapasalamat sa kanila.
"Thanks guys, it means a lot to the both of us" Liam.
"Oh ano? magtatayuan na lang ba tayo dito? ano pang hinihintay ninyo, sayawan at kainan na!" Fern.
Tawang-tawa kami kay Fern habang sumasayaw sila ni Kendra sa dance floor, mukhang close na agad ang dalawa.. malay niyo, ma develop sila. Nakisali na rin sa sayawan si Dothy at ang iba pang mga empleyado, pati kami ni Liam ay napilitan ding sumayaw.
Pagkatapos ng party ay nagsiuwian na silang lahat, todo alaga naman si Liam samin ng baby ko.
Nakahiga na kami ngayon ni Liam sa kama at nasa gitna namin si Dothy na mahimbing nang natutulog.
Tapos na ang party at nagpapahinga na kami.
"Love, thank you dahil hindi mo kami sinukuan ni Dothy.." yakap namin ang isa't isa habang nasa gitna namin si Dothy.
"You know I will do everything for the both of you dahil mahal na mahal ko kayo, pati ng magiging baby natin" Liam.
"I love you too love, let's face this new chapter of our life together" Ako.
Hinalikan niya ako sa noo at sabay kaming nakatulog.
After eight months....
LIAM'S POV
Ngayon na ang araw ng panganganak ni Lei at talagang kinakabahan na ako, kani-kanina lang ay hawak-hawak ko pa ang kamay niya habang hinahatid siya namin sa operating room. Ngayon nasa labas kami naghihintay nina Fern, Kendra at ng parents niya pati narin yung stepfather ni Lei.
Bigla naman akong kinausap ni Papa, yung biological father ni Lei.
Pumunta kami sa sulok at doon niya ako kinausap.
"Liam, hindi man tayo madalas na mag-usap pero isang bagay lang naman ang hinihiling ko mula sayo bilang ama ng asawa mo, lumaki si Lei na wala ako sa tabi niya at pinagsisisihan ko ang bagay na yun.. sana ay ibigay mo sa kaniya at sa mga anak ninyo ang isang kompleto at masayang pamilya na hindi ko naibigay sa kaniya noon" Papa.
"Wag po kayong mag-alala Pa, gagawin ko po ang lahat para maging kompleto at maging masaya ang pamilya namin" pangako ko sa kaniya.
Ilang oras pa ang hintay namin, medyo matagal kasi ang labor ni Lei dahil medyo maselan ang pagbubuntis niya.
Mabuti naman at safe ang mag-ina ko, Lei and I named him Denver Zack Dela Cruz Grand and as soon as I laid my eyes on my son and to my beautiful wife, I just felt this ecstatic happiness and I can't help my tears from falling.
"Love, ang gwapo ng baby natin" umiiyak si Lei sa kaligayahan.
"Thank you for giving birth to our little one love, I'm really happy right now" hinalikan ko si Lei sa noo.
BINABASA MO ANG
A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)
RomansaSabi nila ang love ay parang mainit lang na kanin na kapag isinubo mo agad ay mapapaso ka. True love waits ika nga nila pero paano kapag dumating sa buhay mo ang isang tao na alam mong mamahalin mo ng panghabangbuhay, susugal ka parin ba kahit alam...