one

12 0 0
                                    

Panibagong semester nanaman.

Gaya ng nakasanayan, umakyat ako sa bakod ng likod ng campus para makapasok. Sa gate? Di ko gawain yun, alam kong madaming nakaabang sakin doon.

Syempre mga chixs.

Napatingin ako sa relo ko matapos kong makaakyat at maayos na lumanding.

7:34

Eight o'clock ang simula ng first period. Madami pa akong oras. Naupo ako sa may damuhan at napasindi ng sigarilyo. Bawal manigarilyo sa loob ng campus kaso mahina at bobo naman ang mga guard, di man lang naisip na tingnan kung mayroong nagawa ng ganon sa likod ng main building. Sabagay, sa tagal kong nagaaral dito ako palang ata ang nagtatangkang tumambay dito.

Habang bumubuga ng usok mula sa ilong, tumunog yung phone ko. Ulo lang ang nilihis ko at tiningnan ang caller id sa screen.

Trix is calling...
Accept      Decline

Sinagot ko iyon.


[Loooove, asan kana? Dont tell me di mo nanaman ako sisiputin this morning?]


See? Sabing may nakaabang e.


"You dont have to wait for me. May ginagawa pa ako" halos walang gana kong sagot.


[But you promised me last night na sabay tayong pupunta ng classroom]


Napailing ako. I can imagine her pouting.


"Busy ako, mamayang hapon nalang"


[So unfair pero okaaay. I love you]


"Love you too" ikli kong sagot at pinatay na ang call.


Di naman ako busy, wala din akong gagawin. It's just that, ang hassle. Sawang sawa na rin naman ako sakanya. At first, I thought she was interesting pero habang patagal ng patagal, nawawala na pagiging interesado ko.  Sooner or later, hihiwalayan ko na siya. Madami namang naghahabol sakin, madali lang syang palitan.


I still have time pero tinapon ko na ang sigarilyo at inapakan. Tsaka ako tumayo at naglakad papunta sa classroom ko habang bitbit ang bag.


Sa paglalakad ko, sinalubong ako ng tropa.


"Oh pre, san galing" tsaka ako pinalo sa pwet ni Thorne. Tamang chansing lang e.


"Sa chix, san pa ba?" singit naman ni Hunt. Napailing nalang ako.


"Sawa na ako mga ulol"


Agad na napatigil sina Hunt, Thorne at Dux.


His Point of ViewWhere stories live. Discover now