Foreword

1.6K 16 16
                                    

"There is nothing new in the world except the history you do not know" -Former President Harry S. Truman, 33rd President of the United States (1945–1953)

Alam ba natin ang ating kasaysayan? O sadya lang wala tayong pakialam. Hindi ba natin naitatanong kung bakit nangyari ang Holocaust. Bakit humantong ang Wansee Conference sa solusyong maramihang pagpatay sa mga Hudyo noong ikalawang digmaang pandaigdig? Bakit binomba ang Dresden noon sa kabila ng wala itong importansyang pang stratehiya sa panig ng mga Alyado?

Bakit nga sinalakay ng Imperyong Hapon ang Pearl Harbor, sa kabila ng alam nila na hindi nila kayang talunin ang Amerika sa pangmatagalan? Bakit rin inimbento ang bomba atomika? Bakit Hiroshima ang naging target ng unang bomba atomika? Ito ba'y dahil lang sa mga pasilidad na pang militar na ayon sa paliwanag ng librong kasaysayan.

Bakit natalo ang Republika ng Tsina ng mga Komunista? Paano nga kayang napigilan ng mga Pinoy ang libo-libong Tsino sa Battle of Yultong, na may kaunting casualty at malaki sa kabilang panig, hanggang sa dumating ang kanilang kaligtasan.

Bakit nga nagdeklara ng Martial Law si Ferdinand Marcos? Sino ang pumatay kay Ninoy? Yan ang ilan sa mga tanong ng kasaysayan, na maaaring hindi natin alam, o alam natin? Pero nasisiguro mo ba na ito ang katotohanan. Hayaan niyo nga na bigyan kayo ng Story No. 2 ng panibagong perspektibo ng kasaysayan. Kasaysayang hindi mo alam.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon