Part 4. China 1929

250 2 0
                                    

Umalis nga sa Germany upang magtungo sa China noong 1929 si Dr. Fritz. Ito nga ay para kumuha ng binhi at ng bulaklak ng Lipsy Flower. Tama po, sa China matatagpuan ang Lipsy Flower. Wala pa ngang nakakatuklas ng magiging pakinabang, maliban kay Dr. Fritz at Dr. Richard. Natatakot din kasi si Dr. Fritz sa maaaring mapakawalang pwersa ng tanging makakakontra sa epekto ng Lipsy Flower. Kung saan nga iyon ay pinaalam niya kapwa kay Albert Einstein, at kay Adolf Hitler. Iyon nga ay sa paniniwalang mas lesser evil sa kaniyang mentor sa science at aktibista ring si Dr. Richard. Nagkamali nga si Dr. Fritz doon, ngunit hindi niya pa iyon narerealize.

Dumating nga siya sa Hongkong noong Enero 20, 1929. Ang China nga noon ay nasa gitna ng isang digmaang sibil, sa pagitan ng Kuomintang ang partidong pinamumunuan ni Chiang Kai-Shek, at ng mga komunista sa pamumuno ni Mao Zedong. Magkagayon pa man ay nagpatuloy si Dr. Fritz sa kaniyang layunin upang makakuha ng isang binhi at isang bulaklak ng Lipsy.

Nilakbay niya nga ang Timog ng China sa mabagal na biyahe sa pamamagitan ng kabayo. At narating niya ang bayan ng Lhasa sa Tibet sa loob ng isang buwan. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Kakailanganin pa niyang puntahan ang Zhe Bengwoze. Ngunit matindi na ang kaniyang hapo dahil sa mahabang paglalakbay. Nakituloy nga siya sa isang pamilya kasama ang kaniyang interpreter na si Ran Kuai nuan.

Kinabukasan ay naglakbay muli sila Ran Kuai nuan at Dr. Fritz patungo sa Zhe Bengwoze at nakarating nga siya makalipas ang isang araw. At nakita niya nga ang kaniyang hinahanap, ang Lipsy Flower. Bumalik sila sa Lhasa upang magpasalamat sa kaniyang pamilyang pinakituluyan. Nagtungo sila sa Hongkong muli, matagal pa ngang mananatili si Dr. Fritz. Kakatas nga muli si Dr. Fritz sa Lipsy Flower upang gumawa ng Lipsy Serum. Tatangkain niya ngang tutuklasin ang mas hindi makakasirang pangontra sa Lipsy Serum, kesa sa nuclear annihilation. Mananatili pa nga siyang pitong taon sa Hongkong.

Si Hitler nga ay naiinip na magkaroon nang pagkadiskubre ng nuclear fission, wala pa ngang nakakagawa. Wala ding sumeseryoso sa kaniyang sinasabi patungkol sa banta ng epekto ng Lipsy Serum. Bagamat ang mga ulat ng kaniyang mga espiya ay nakakatakot na. Umabot na nga sa isang milyon ang nabigyan ng Lipsy Serum. Kayang kaya na nga nitong pabagsakin si Hitler, at ang mga Nazi. Sa kapalaran nga lang niya ay walang nakakaalam ng kabuoang epekto ng Lipsy Serum sa tao, maliban sa kaniya, at ni Dr. Fritz, at ni Albert Einstein. Ang naisip nga na lang ni Hitler ay dalhin muli si Dr. Fritz sa Germany at igawa siya ng Lipsy Serum para sa mga Nazi.

Humingi nga siya ng tulong noon sa noo’y kaalyado nila, at tinutulungan. Ang lider ng China na si Chiang Kai-Shek. Nagpadala siya ng sulat upang ibalik si Dr. Fritz sa Germany. Nangako nga ng dagdag tulong ang diktador sa pakikidigma ng Kuomintang sa mga komunista. Pinangakuan niya rin ito ng bahagi sa Lipsy Serum, ipinakilala nga ni Hitler ang epekto nito at magagawa. Natuwa nga si Chiang Kai Shek, agad ngang ipinahanap si Dr. Fritz.

Kasama pa rin nga ni Dr. Fritz si Ran Kuai nuan, naging katulong niya nga ito sa paggawa ng bagong Lipsy Serum. Isang araw nga ay naglalakad si Ran. Napansin niya nga ang mga pulis. Naghahanap nga ang mga ito. Nalaman niyang hinahanap nila si Dr. Fritz, at sinasabing wanted siya sa batas. Hindi nga ganoon ang pagkakakilala niya sa siyentipiko. Agad niyang binalaan si Dr. Fritz. Nagtataka naman si Dr. Fritz kung bakit siya hahanapin ng mga Tsino. Isa lang ang naisip niya. Si Hitler gusto siyang pabalikin sa Germany, dahil sa Lipsy Serum.

Itinakas nga siya ni Ran patungong French Indochina, dinala siya nito sa Hanoi. Doon nga napagpasyahan ni Dr. Fritz na magtungo sa Pilipinas, sa Maynila. Doon nga ay hindi na siya masusundan ng mga Tsino maging ng mga tao ni Hitler. Dahil nga sa laking pasasalamat ni Dr. Fritz kay Ran, pinagkalooban niya ito ng serum. Ininom nga ito ni Ran. Bumalik nga siya ng China, at sumapi sa mga komunista.

Habang naglalakbay nga siya ay nagsisisi siya na ipinaalam nga niya kay Hitler ang tungkol sa Lipsy Serum. Hindi rin pala siya naiiiba sa kaniyang guro sa hangarin.

Hulyo 7, 1937 ang Japanese Empire ay nagsagawa ng malawakang pananakop sa China. Ang utos nga ni Chiang Kai Shek patungkol kay Dr. Fritz ay hindi naingatan, at napasakamay ng mga Hapon. Binabanggit nga dito ang tungkol sa Lipsy Serum. May paunang kaalaman na nga sila sa Lipsy Serum dahil sa pag-eespiya nila sa Germany. Mukhang mauunahan pa nga ng Japan ang kanyang kaalyadong si Hitler na mapasakamay ang Lipsy Serum.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon