Part 14. Marcos Must Not Fall

298 2 0
                                    

I signed Proclamation No. 1081 placing the entire Philippines under martial law -Pangulong Ferdinand Marcos, Septyembre 21, 1972

Naalarama nga ang White House, dahil sa mga balitang dumadating sa kanila. Hindi nga maganda ang kalagayan ng Vietnam at ang tao sa Amerika ay ayaw sa gera. Bago nga tuluyang bumaba si Lyndon Johnson sa puwesto ay binalaan niya ang si Pangulong Ferdinand Marcos tungkol sa isang banta. Inulit nga uli ang babala ng sumunod na Pangulo sa Richard Nixon. Sinabi nitong agad kumilos, dahil hindi makakatulong ang Amerika dahil sa Vietnam, at sa popular na pagkilos laban sa digma sa Amerika.

Ang banta nga ay ang pagkilos ng mga Komunista para masama ang Pilipinas sa kanilang mga bansang sasakupin. Popondohan nga ng Tsina at Soviet Union ang pagkilos na iyon. Nangangamba nga ang Amerika na bumagsak ang Pilipinas kapag nangyari iyon. Dahil nga doon ay nagdeklara si Marcos ng martial law.

Ngunit hindi naging maganda ang naging pamamalakad nito. Pinili nga ng mga militar ang mga galamay na tapusin kesa sa mga ugat. Pati ng pawang pinaghihinalaan. Nagpalaki nga lang ito sa bilang ng sumasapi sa Komunista.

Idinamay nga rin ng pamahalaan ang mga kalaban sa politika na walang kinalaman sa kilusang Komunista. Isa nga dito ay si Ninoy. Hinatulan pa nga siya ng kamatayan ng military court na mamatay by firing squad. Ngunit pinigil ito ng Pangulong Marcos.

Marso 1980. Nagkasakit si Ninoy sa puso. Nangangailangan nga siya ng coronary bypass. Wala siyang tiwala sa mga doktor sa Philippine Heart Center, na ipinatayo ni Imelda Marcos. Pinayagan nga siyang pumunta ng Amerika upang doon magpagamot.

Naiiinis nga ang Tsina dahil walang nangyari sa kanilang plano. Dahil napigilan ito ng martial law ni Marcos. Ngunit may nakikita pa silang isang pagkakataon, na maisagawa iyon. Iyon nga ay ang kung mapapatay nila si Ninoy.

Nang nasa Boston nga si Ninoy ay dinalaw siya ng isang kaibigan. Si Ronie. Natuwa nga si Ninoy sa pagdalaw na iyon. Nandoon nga siya sa dalawang rason. Magbalita sa kaniya at magbabala.

Siya nga ang gusto ng Amerika na humalili kay Marcos. Dahil nga sa may sakit na ang diktador. Tutulong nga ang Amerika sa magiging paglilipat ng kapangyarihan. Iyon nga ang ipinahatid ni Ronie. Ngunit nagbabala din ito. Ito nga ay ang banta mula sa Tsina ng assassination. Ang kaniya ngang pagkamatay ay magiging umpisa ng pagbagsak ni Marcos dahil sa kaniyang popularidad sa mga Pinoy. Iyon nga ang babala niya. At sinabi niya kay Ninoy na huwag umuwi. Sinabi niya kay Ninoy na siya ang magbabantay.

Alam nga ng Amerika na ang banta ay manggagaling sa katulad ni Ronie na intaker ng Lipsy Serum, kaya nga siya ang pinadala sa misyon. Hindi lang nila alam kung ang pipiliin ay ang lumaban sa pagdedepensa ng Moscow, na si Dr. Hans, o ang lumaban sa gera sibil na si Ran Kuai nuan.

Mga kalagitnaan nga ng Hulyo ay pumasok ng lihim sa Pilipinas si Ran Kuai nuan. Hindi nga ito alam ng kilusang Komunista sa bansa. Ngunit sinabihan na sila na ang kamatayan ni Ninoy ay magiging hudyat ng malawakang pag-aalsa.

Pero sinabihan din si Marcos patungkol sa banta patungkol kay Ninoy. Kaya nga ipinadala si Imelda sa Amerika upang kausapin si Ninoy na huwag umuwi. Hindi nga uuwi si Ninoy, dahil pinili siya ng Amerika. Ito’y dahil gusto niyang maayos ang bansa.

Muli ay dumalaw si Ronie kay Ninoy. Ngunit hindi para kausapin siya, kundi para kausapin ang asawa nitong si Cory. Sinabihan niya si Cory na kumbinsihin ang kaniyang asawa na huwag umuwi. Ngunit hindi nga ginawa iyon ni Cory dahil pag nagpasya si Ninoy, ay nagpasya. Sinabi nga ni Ronie.

Ayaw ko ngang makakita pa uli, ng kaibigang malapit sa akin na mamatay. I have seen a lot of them. And Ninoy is my friend.

Wala ngang nakapigil na makauwi si Ninoy. Umuna nga si Ronie na umuwi upang planuhin ang seguridad ni Ninoy. Nakipagtulungan nga ang pamahalaan ni Marcos kay Ronie. Sinabi din nga kay Ninoy ang banta sa kaniyang buhay. At alam niya ang kakayahan ng gaya ni Ronie, dahil nadinig niya ito sa Korea, kung saan sila nagkakilala. Kaya nga sa kaniyang huling interview sa Taipei Grand Hotel, noong Agosto 20, 1983. Kaniyang sinabi:

You have to be very ready with your hand camera, because this action can become very fast. In a matter of 3,4 minutes it could all be over you know. And I will not be able to talk to you anymore after this. So this is the danger, a big danger.

Agosto 21, 1983. Dumating nga ang eroplanong sinasakyan ni Ninoy. Pumuwesto nga lahat ng security detail. Si Ronie nga ay pumusweto nga sa bandang kaliwa ng hagdanan ng eroplano kung ikaw ay paakyat nito. Kinakabahan nga si Ronie, ngunit umaasa siya na hindi matutuloy ang banta. At lumabas nga si Ninoy sa eroplano. Sa kanang banda ay biglang lumitaw si Ran. Nakita nga ito ni Ronie. Ngunit hindi niya napigilan ang mga kasunod na pangyayari. Binaril ni Ran Kuai nuan si Ninoy mula sa likod. At nagkagulo ang lahat. Hindi nga nakagalaw si Ronie dahil sa pangyayari. At namatay nga si Ninoy.

Ngunit inunahan ng pamahalaan ni Marcos ang kilusang Komunista, naglunsad siya ng sikretong malawakang opensa. Dahilan para mapigilan na naman muli ang kanilang nais na magawa hindi na nga uli sila mabibigyan ng pagkakataon upang gawing Komunista ang sistema sa Pilipinas.

Umuwi nga sa Pilipinas si Cory upang ipagluksa ang kamatayan ng kaniyang asawa. Dumalaw nga sa lihim si Ronie. Galit nga si Cory sa kaniya at sinabi:

You have done your job very poor, I thought he was your friend.

Iniwan nga siya ni Cory. Nasaktan si Ronie sa sinabi sa kaniya ng asawa ng kaniyang kaibigan. Sumama nga si Ronie sa parada nang ililibing si Ninoy. Sa kaniyang utak ay iniisip niya na kung papaano makakapaghiganti at matatalo ang Tsinong pumatay kay Ninoy. Nang matapos nga ang lahat at umalis na maging pamilya ni Ninoy, ay lumapit si Ronie sa libingan. Humingi nga siya ng tawad, at nangako na ipaghihiganti ang kaniyang kamatayan.

Bumalik nga siya sa libingan ni Carmen. Kinuha nga niya ang katana na ginamit niya sa paghihiganti sa mga lumapastangan kay Carmen. Hahanapin niya nga si Ran, upang ipaghiganti ang kaniyang kaibigan.

Kahit nga napigilan ang pag-aaklas ng mga Komunista, ay hindi na nito napigilan ang pagbagsak ni Marcos. Na siya sanang isalba ng Amerika, dahil sa banta ng Komunismo. Ngunit dahil sa pagkamatay ni Ninoy ay nagbago ang mga pangyayari. Nagkudeta sila Enrile at Ramos noong 1986 na siyang naging simula ng People Power. Nagpatawag rin nga ng eleksyon si Marcos at nilabanan siya ng balo ni Ninoy na si Cory. Nagkadayaan nga at idineklara ng parehong partido na sila ay panalo.

Pebrero 25, 1986. Napilitang tumakas si Marcos patungong Hawaii. Tinake over ng bagong pamahalaan ang Malacanang.

Ang mga komunistang sistema ay gusting palitan ng mga nasasakupan nito. Nagkaroon nga ng mga rebolusyon, mapayapa at tahimik sa East Germany, Poland, Czechoslovakia, maging sa China. Ngunit ang sa China ay naging magulo at madugo, at hindi nila nakamit ang demokrasyang kanilang nais.

Disyembre 25, 1991. Nagbitiw si Mikhail Gorbachev bilang Presidente ng Russia. Kinabukasan nga nito ay dinisolve ang Soviet Union.

Year 2011 nga ng matagpuan ni Ronie si Ran sa Japan. Naglaban nga sila. Gumamit nga sila ng bilis sa paglalaban. Biglang hinatak ni Ronie ang kaniyang katana. Hiniwa niya nga katawan ni Ran. Nang tumalikod nga siya ay nakita niya na mabilis naghilom ang hiwa at nabuo ulit si Ran. Muli na lang sila naglaban. Magiging walang katapusan nga ito dahil sa pantay nilang lakas at pareho sila halos walang kamatayan. Nang bigla ngang nagsalita ang isang tinig na pamilyar kay Ronie at Ran.

Ito nga si Dr. Fritz. Pinatigil nga niya ang dalawa. Nagtaka nga si Ronie na kilala ni Dr. Fritz si Ran. Nagpakita nga ng galang si Ran kay Dr. Fritz. Ngunit may isa pang tao na nandoon na hindi kilala ni Ronie at ni Ran. Ngunit kilala ni Dr. Fritz. Ito nga si Dr. Hans.

Kinausap niya nga ang tatlo sa isang room ng isang hotel. Sinabi nga ni Dr. Hans na kailangan nilang magsama-sama at magkaisa na mga intakers ng Lipsy Serum. Dahil may isang banta, isang malaking banta.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon