Part 15. The End?

293 5 2
                                    

Now this is not the end. It is not even the beginning of the end. But it is, perhaps, the end of the beginning. –Sir Winston Churchill

All things must come to an end, or is it?

Pinigil nga ni Dr. Fritz ang laban sa pagitan ni Ronie at Ran. Kasama nga niya si Dr. Hans. Una na silang nagkita isang lingo bago nila matagpuan sila Ran at Ronie sa Japan. Nagtipon sila sa isang hotel room, upang mag-usap. Nagsalita nga si Dr. Hans.

We should come together, all intakers of the Lipsy Serum. For there is a threat, a very big threat.

Flashback Year 1963

Katatapos nga lang ng isang krisis na muntik nang dalhin ang mundo sa thermo-nuclear war. Ito nga ang Cuban Missile Crisis. Isa na namang krisis ang tila papausbong.

Nakatanggap nga ng ulat ang Soviet Union na may bantang assassination sa Pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy. Ito nga ay para ituloy ang napigilang pangyayari noong Cuban Missile Crisis noong 1962. Dumating nga ang ulat noong kalagitnaan ng Oktubre 1963.

Nakarating din nga ang ulat sa Federal Bureau of Investigation, ang banta. Ngunit hindi ito pinarating ng lider ng ahensya na si John Edgar Hoover sa White House. Ito nga ay dahil may iringan ang Pangulo at si Hoover, dahil ibig ng Pangulo na palitan si Hoover ng kaniyang kapatid na si Robert F. Kennedy. Ibig din niyang mawala si Kennedy sa kaniyang landas.

Magkagayon pa man ay alam din ito ng Secret Service. Hindi lang nila ipinaalam sa Pangulo upang hindi ito mag-alala. Inatasan nga si Ronie na pangunahan ang seguridad, upang labanan ang banta nito.

Ang Tsina ay nababahala din sa banta kay Kennedy. Dahil tiyak madadamay sila kung humantong ito sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ipinadala nga si Ran Kuai nuan upang pigilan ang nasabing banta sa Amerika.

Si Dr. Fritz ay dumalaw naman kay General MacArthur na noo’y maysakit na. Nagpasalamat ito sa mga nagawa ng Heneral para sa kaniya.

Nobyembre 22, 1963. Dumating nga ang Pangulo sa Dallas Texas. Nandoon nga pare-pareho sila Dr. Hans, Ronie, at Ran upang pigilan ang nasabing banta. Hindi nga nila akalain kung sino ang babaril sa Pangulo. Isa ring Lipsy Serum Intaker. Malapitan nga ang ginawang pagbaril na nagresulta sa kamatayan ng Pangulo ng 1:00 ng hapon Central Standard Time.

Hinabol nga pare-pareho ni Dr. Hans, Ronie, at Ran ang pumatay matapos itong tumakas. Wala ngang nakakita sa kaniyang ordinaryong tao, dahil sa kaniyang bilis, na dulot ng serum. Tanging ang intakers lamang ang nakakita sa kaniya.

Nailigaw nga ng assassin sila Ronie at Ran. Ngunit hindi si Dr. Hans. Naabutan niya ito at nahawakan. Bigla nga itong nagsalita kay Dr. Hans:

Jude.

Nabitawan niya nga ito at nakawala. Nakita nga at narinig ni Ronie, ang pangyayari. At umalis din si Dr. Hans.

Agad nga nagpulong ang Secret Service at ang militar. Ipinarating ni Hoover ang intelligence report patungkol sa assassination. Ang pasya nga ng militar ay kaagad maglunsad ng opensa laban sa mga Ruso. Ngunit pinigil ito ni Ronie. Sinabi niyang hindi mga Ruso ang may kagagawan. Sinabi niyang ang pumatay ay isang German.

Nagtataka nga sila kung bakit papatayin ng isang German si Kennedy. Unless isa itong Nazi. Inilihim nga sa madla ang kaalamang iyon. Gumawa nga sila ng paraan upang maisara kaagad ang kaso. Humanap nga sila ng fall guy sa katauhan ni Lee Harvey Oswald. Ngunit hindi ito naging cooperative sa kanila, at pabago-bago ng isip. Kaya nga pinapatay nila ito sa pamamagitan ni Jack Ruby. Ito’y upang mailihim sa madla ang katotohanan.

Nakahinga nga ng maluwag ang Tsina at Soviet Union dahil hindi natuloy ang kanilang pinangangambahan. Ngunit si Dr. Hans ay nabagabag ng maigi.

Flashback Year 1945

Natalo na nga ang Nazi Germany. Ang Berlin ay bumagsak sa kamay ng mga Soviets. Agad nga pinuntahan ng mga Heneral ang Reichstag, at ang Chancellery at ang Bunker.

Si Dr. Hans kasama ang mga taong ipinagkaloob sa kaniya ni Stalin. Tinunton nga nila ang kinalalagyan ng huling drum ng Lipsy Serum. Nang makarating nga sila sa lokasyon ay hukay na ito at wala na ang huling drum.

Inakala niya ngang kinuha ito ni Stalin at gaya ng ginawa niya sa Russia ay sinira niya rin ito. Ngunit dahil sa nangyari kay Kennedy. Tila nagkakaroon siya ng mga duda.

Nakuha kaya ito ng mga Nazi? Ito kaya ang kaniyang sinasabing malaking banta?

Finis Fabula

STORY NO. 2 Title: The Lipsy Poison

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon