Part 8. Escape & Rape

293 2 0
                                    

Kasunod nga ng pagsalakay sa Pearl Harbor, ay agad ding sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Nag-utos kaagad ang Presidente ng Amerika na umalis si General MacArthur sa Pilipinas upang huwag mahuli ng mga Hapon. Isinama nga ni General MacArthur sila Ronie at si Dr. Fritz. Ngunit bago nga tuluyang umalis ay humabol si Carmen. Pinabaunan niya nga si Ronie ng kaniyang huling halik. Naalala naman ni Dr. Fritz ang kanilang ginawang pagtakas din noon sa mga Tsino, na nakipagkasundo kay Hitler upang siya ay madakip.

Nakatakas nga siya at nanatili sa Hanoi ng ilang araw bago magtungo ng Maynila. Sumulat nga siya sa kaniyang kaibigang si Einstein. Sinabi niya nga na sinabi niya rin kay Hitler ang patungkol sa Lipsy Serum. At ang hinala niya na nasa proseso na rin ang Germany sa pagdevelop ng nuclear weapons, bilang pangontra sa serum. Nangamba nga si Einstein sa impormasyong iyon nang makarating sa kaniya ang sulat ni Dr. Fritz. Nang mga panahong iyon ay lumapit sa kaniya si Leo Szilárd. Kinumpirma nga nito ang hinala ni Dr. Fritz na ang Germany ay mayroon nang nuclear program, at ang maaaring posibilidad na maging mga atomic bomb. Sumulat nga sila kay Presidente Franklin D. Roosevelt, upang balaan ito sa posibilidad na magkaroon ng atomic bomb ang Germany ito nga ang Einstein–Szilárd Letter. Ang sulat ngang iyon ay nagresulta sa pagkatatag ng Manhattan Project, ang nuclear program ng Estados Unidos.

Marso 12, 1942, dumating si General MacArthur sa Del Monte Airfield sa Mindanao. Buhat nga doon ay tutulak siya pa Australia. Doon niya nga sinabi ang mga katagang I shall return.

Mayo 6, 1942, isinuko ang Corregidor sa mga Hapon.

Mula nga noon ay naghari na ang mga Hapon sa Pilipinas. May mga nakisama sa mga bagong namumuno. Mayroon namang namuhi. Mayroon namang mga walang pakialam. Sa ganoon ngang paraan, ay mas ligtas ka. Ikinasal nga sila Renato at Carmen sa opisina ng alkalde. Mag-asawa na nga sila sa mata ng batas. Si Carmen nga ay isang magandang babae. Kaya nga siya nagustuhan ni Ronie. Ngunit ang kaniyang kagandahan, ay napapansin na rin ng mga mananakop.

Isang gabi nga ay sinamahan ni Renato si Carmen dahil gusto nitong puntahan ang lugar kung saan sila nagkikita ni Ronie. Sinabi nga ni Renato na dapat ay sumama na lang siya kay Ronie nang umalis ito kasama ang Heneral. Nangungulila nga si Carmen umiiyak ito sa lugar nila ni Ronie. Niyakap nga siya ni Renato. Sinabi niyang babalik din uli si Ronie.

Binagtas nga nila Renato at Carmen ang daan pabalik sa kanilang bahay. Bigla nga silang hinarang ng ilang mga Hapon at dinukot si Carmen. Tinangka ngang pumalag ni Renato. Ngunit sinaktan siya ng mga Hapon. At inilayo sa kaniya si Carmen. Patuloy ngang sumisigaw si Carmen. Nang makabangon ay sinundan silang patuloy ni Renato. Hanggang sa makarating sila sa isang dako. Doon nga nila inumpisahang gahasain si Carmen. Nang makita nga ito ni Renato ay sumugod siya. Sinalubong nga siya ng bayoneta ng isang Hapon. Natumba siya dahil sa saksak sa tiyan, ngunit hindi siya nawalan ng malay. Patuloy niyang nakita ang pambababoy kay Carmen. Wala siyang nagawa kundi umiyak, habang nasasaksihan niya ang isang pambababoy. Nang magkaroon nga ng pagkakataon ay tinangka ni Carmen na tumakbo kay Renato ngunit binaril siya ng isang Hapon. Nahandusay nga si Carmen malapit kay Renato. Nakita nga niya ang mga mata ni Carmen na lumuluha. Matapos nga matumba ni Carmen ay patuloy siyang ginahasa ng mga Hapon sa harap ni Renato. Umiyak ngang may galit si Renato. Iyon nga lang ang tanging magagawa niya. Mahina din siya dahil sa saksak. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.

Nagising na nga lang si Renato sa hospital. Kaagad ngang hinanap niya si Carmen. Wala ngang makasagot sa tanong ni Renato. Lumapit nga kaagad ang ama ni Renato na si Ka Froilan. At sinabing: Anak, tatagan mo ang loob mo. At naglakad nga sila palabas ng kaniyang kwarto. Kinukutuban nga ng masama si Renato, at ang luha ay nag-uumpisang mag-ipon sa kaniyang mata. Dumating nga sila sa Morgue. At sa harapan ni Renato, isang katawang nababalot ng puting kumot ang nakahiga. Tumutulo na nga ang luha sa mata ni Renato, habang unti-unti siyang lumalapit. Tinanggal nga nila ang ulo sa bandang ulunan. Si Carmen nga ang taong patay na nasa Morgue. Niyakap nga ni Renato ang katawan ni Carmen at pumalahaw ng ubod ng lakas. Nadala nga sa damdamin ang mga kapatid ni Renato sa pag-iyak niya.

Nang mailibing nga si Carmen, nagpasya si Renato na sumama sa grupo ng mga guerrilla laban sa mga Hapon. Naging magaling nga siya sa pagpatay sa mga Hapon. Di naglaon ay itinuring siya na pinuno sa kanilang lugar nang mga kapwa. Hinangaan nga siya dahil inamin niyang bakla siya sa mga kapwa guerrilla. Ngunit walang makakapantay sa kaniya sa galing sa pamumuno at pagpatay sa mga Hapon.

Sa tuwing sasapit nga ang oras kung kailan ginahasa si Carmen ay bumabalik lahat ng alaala kay Renato. Naalala niya nga ang huling sabi ni Carmen sa kaniya, nang matumba ito sa harapan niya at bago siya nawalan ng malay: Huwag mo tong sabihin kay Ronie.

Nang araw nga na pumanaw si Carmen. Si Ronie nga noon ay mag-aabot sana sa mga planners ng isang  bote ng rhum, para nga sa planong pagganti sa mga Hapon na ipipiprisinta kay General MacArthur sa susunod na araw. Hindi niya nga sinasadyang mahulog ang bote. Humingi siya ng tawad, at pinagpaumanhinan naman siya. Alam niya nga na iyo’y masamang pangitain. At nabagabag siyang lubha mula noon. At gusto na niyang bumalik sa Pilipinas.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon