Part 12. The Hunt

181 2 0
                                    

Agosto 29, 1945. Itinalaga nga si General MacArthur, na mamuno sa Japan matapos ng kanilang pagsuko sa digmaan. Kasama niya pa rin si Ronie sa Japan. Napapansin nga ng Heneral ang malaking pagbabago sa kaniyang matapat na bantay. Wala na nga itong pinakikitang emosyon. Hindi gaya ng bago niya matuklasan na pumanaw si Carmen. Nagpaalam nga ito sa Heneral na siya ay aalis. Kumausap siya ng isang sundalo, upang makahanap ng magaling na interpreter. At nakatagpo siya.

Humanap rin siya ng isang sundalong makakasama. Naglakbay nga sila mula Tokyo hanggang sa Hiroshima. Tinanaw nga ni Ronie ang pagkawasak na nangyari sa lugar. Tutol nga ang Amerikano sa kanilang ginawa sa Hiroshima. Ngunit sinabi ni Ronie:

This nation deserved to be bombed.

Narinig nga ito ng kanilang interpreter. Tinignan niya ng masama si Ronie. Ngunit mas masama ang tingin ni Ronie sa kaniya. Nanlilisik nga ang mata nito. Napaigtad siya at binali ang tingin. Umalis nga si Ronie at iniwan ang Amerikano at ang Hapon.

Nag-usap nga ang Hapon at ang Amerikano. Ang pangalan nga ng Amerikanong sundalo ay Mark, at ang pangalan ng Hapong interpreter ay Hajime.

Why did he say that our country deserved to be bombed? sabi ni Hajime

I’m personally against it, but you can’t blame him. His fiancée died, she was raped by your soldiers. He resented your people for that. sabi ni Mark

Naunawaan nga ni Hajime ang posisyon ni Ronie. Naging katulong nga ni Ronie si Hajime sa kaniyang pananatili sa Japan. Isang araw nga ay lumapit si Ronie sa Heneral. Nag abot ito ng listahan. Listahan ng mga tao. Nagpapatulong nga siya na matukoy ang mga address ng mga taong ito.

What are you going to do with these people? tanong ng Heneral

Im going to kill them. sabi ni Ronie

Tumanggi nga ang Heneral. Ngunit nagmakaawa siya dito at sinabing:

Please sir, I beg you to help me find them. You are partly responsible why she died. Please I have to do this. So I may have inner peace, and also for me to forgive you, Sir!

Tumingin nga si MacArthur sa kaniya. Lumuluha si Ronie at ang mga kamao’y nakatikom at handing manuntok. Alam nga ni MacArthur ang puwersang nasa likod ng kamaong yun kung pakakawalan. Sumang-ayon nga si MacArthur sa kaniyang kahilingan. Sinaludohan siya ni Ronie. Narinig nga itong lahat ni Hajime. Tinangka niyang harangin si Ronie. Binalaan siya ni Ronie na umalis sa kaniyang harapan. Ngunit nandoon pa rin si Hajime. Sinipa siya ni Ronie at tumalsik nga siya ng malayo. Buti na lang nandoon si Mark at kaagad tinulungan si Hajime. Nagtamo nga ng bali si Hajime dahil sa lakas ng sipa ni Ronie.

Dinala siya ng mga kawal sa hospital. Ipinaliwanag nga ni Mark kay Hajime kung bakit malakas si Ronie. Naintindihan ito ni Hajime at binalaan siya ni Mark na huwag nang tangkain na pigilan si Ronie sa ganoong paraan. Nagtungo nga si Hajime kay Ronie. Humingi ng tawad si Ronie sa kaniya. Tinanggap ito ni Hajime. Ngunit wala pa ring pinakitang emosyon. Nagpatuloy siya sa pagiging katulong kay Ronie at pagiging interpreter para dito.

Kinabukasan nga ay inutusan siya ni Ronie na samahan siya upang maghanap ng gumagawa ng katana. Tinanong nga ni Hajime kung saan gagamitin ito. Papatayin nga ni Ronie ang mga lumapastangan kay Carmen. Ikinuwento nga ni Ronie sa Hapon ang nangyari sa kaniyang minamahal. Naunawaan ng lubos ni Hajime kung bakit ganoon na lang ang galit ni Ronie sa kaniyang lahi. At nakakita nga sila ng panday ng katana. Inutos nga ni Hajime sa panday ng katana na bigyan sila ng katana na hindi basta pumupurol sa dugo. At binigyan nga sila.

Isang lingo ang nakalipas ay dumating naman ang kahilingan ni Ronie sa Heneral. Ang impormasyon sa kinaroroonan ng mga lumapastangan kay Carmen. Ang isa nga ay napatay na ni Ronie sa Pilipinas. Ang anim nga ay namatay na sa pakikidigma. Tatlo na nga lang ang natitira. Lahat nga sila ay nasa Tokyo.

Tinunton nga ni Ronie ang isa at pinatay niya ito sa lihim. Agad namang dumating ang mga pulis upang linisin ang pinaggawan ni Ronie. Utos nga ito ni MacArthur na nakabantay sa kaniya mula sa malayo, kasama si Hajime. Tinanong nga ni Hajime kung bakit hindi pinigilan ng Heneral ang kaniyang tauhan.

Im partly responsible why his fiancée die. I take him away from her, because of the fear that he may be taken by the Japanese Empire, experimented with, or use him against us, and lost the war. He and her fiancée were separated from each other, and she died.

Pinatay nga ni Ronie ang pangalawa. Inihuli niya ang lalakeng sumaksak sa kaniyang kasintahan. Malaki na nga ang ipinagbago ng lalaking iyon. Hindi na siya ang sundalong sumaksak kay Carmen. At handa na nga siyang pagbayaran ang kaniyang naging kasalanan.

Nagbalik nga sa alaala ni Ronie ang pagkakabanggit ng Hapong nasa Pilipinas.

Ang lalakeng sumaksak, ang pangalan niya ay Hajime Yamamoto.

Tila pamilyar nga kay Ronie ang pangalang Hajime Yamamoto. Iniisip niya nga kung saan niya iyon narinig. At naalala niya na iyon ang kaniyang interpreter, na si Hajime. Natawa nga si Ronie dahil tila naisahan siya. Ngunit nagtataka siya kung bakit tila tinulungan niya ito

Si Hajime naman, habang naghihintay ng kaniyang kamatayan ay naalala ang usapan nila ng Heneral:

Hajime, you’re on the list. Ronie, will kill you. sabi ni General MacArthur

Let him, if that’s the way that I can atone for what I’ve done, and for him to seek justice, I’ll gladly die to his hand. sabi ni Hajime.

At dumating si Ronie sa bahay ni Hajime. Nagngitngit nga si Ronie sa galit. Ngunit matapang siya na hinarap ni Hajime. Umakma nga si Ronie na hahatawin na si Hajime ng katana, ngunit bigla siyang tumigil. Hindi niya kayang patayin si Hajime, dahil sa kanilang maikling pagkakaibigan. Ibinaba nga ni Ronie ang katana at tumalikod kay Hajime. Kinuha ito ni Hajime at sinaksak ang kaniyang sarili. Nakita nga ito ni Ronie at bumalik. Nagsalita nga si Hajime kay Ronie.

I killed your love, even if I do this a thousand times, it would not be enough. Your justice has been served and may this give you inner peace.

Namatay si Hajime. Dumating nga si MacArthur at kaniyang mga tauhan. Nilinis ang pangyayari. At tinanong siya ni MacArthur ng patuya.

Have you found your inner peace?

Hindi nga natahimik si Ronie. Lalo lang siyang nabagabag. Bumalik nga sa alaala niya lahat ng taong pinatay niya sa digmaan. Nagpaalam siya upang umuwi ng Pilipinas sandali sa Heneral. Pinayagan siya at siya ay umuwi.

Agad siyang pumunta sa bahay ni Renato. Binigay niya nga ang katana kay Renato. Sinabi niyang iyon ang kumitil sa buhay sa mga lumapastangan kay Carmen. Dumalaw nga si Renato at si Ronie sa musoleo ni Carmen. Isinabit nga nila sa bandang may ulunan ang katana. Napaluhod nga si Ronie, at bumigay ang kaniyang emosyon sa musuleo. Muli niyang naalala na wala siyang nagawa sa kabila ng kaniyang lakas.

April 21 1949. Tumawid ang mga komunistang Tsino sa Yangtze upang gapiin ang mga nasyonalistang grupo ni Chiang Kai Shek sa Nanjing. Mula noon ay tuloy-tuloy na ang naging pag-atras ng grupo ni Chiang Kai Shek hanggang sa makarating sila ng Formosa(ngayoy Taiwan). Pinarangalan nga ni Mao Zedong si Ran Kuai nuan dahil sa malaking naitulong niya sa pakikidigma ng mga Komunista

Oktubre 1, 1949. Idineklara ni Mao Zedong ang People’s Republic of China. Dahil nga sa tagumpay ni Mao sa China. Mayroon din ngang isang magtatangka ring pag-isahin ang kanilang bansa sa hanay ng Komunistang paniniwala. Ito nga ay si Kim Il-Sung ng North Korea.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon