Part 6. The Offensives

300 2 1
                                    

Bagaman hindi nga tumitigil si Hitler sa kaniyang paghahanap ng Lipsy Serum at sa Nuclear Program. Hindi na nga siya makapaghihintay para matupad ang kaniyang mga pangarap na nakasulat sa Mein Kampf. Katatapos niya nga lang sakupin ang natitirang bahagi ng Czechoslovakia. Ito nga ay sa kabila ng nangako siya sa Munich, sa Punong Ministro ng Britanya na si Neville Chamberlain na hindi na siya mananakop ng iba pang teritoryo.

Ngayon nga ay naghahanda si Hitler sa pananakop ng Poland. Ngunit sa pagkakataong ito ay binantaan siya ng Britanya at France, na kapag sinalakay niya ito ay magdedeklara sila ng digmaan laban sa Germany. Upang masiguro na hindi siya malalagay sa alanganin sa pagsalakay sa Poland.  Agosto 23, 1939 ay napirmahan ang German-Soviet non aggression pact, mas kilala nga ito sa tawag na Molotov-Ribbentrop Pact. Ito nga ay sisiguro sa Germany, na hindi siya kakalabanin ng Russia sa pagsalakay nito sa Poland. Kasama nga dito ang ilang usapan patungkol sa paghahati ng teritoryo sa Silangang Europa.

Septyembre 1, 1939, sinalakay ng Germany ang Poland. Nang pagkakataon ding yaon ay nalaman na ni Dr. Hans ang kapangyarihan sa likod ng Lipsy Serum. Nandoon nga ito sa mga gamit na iniwan ni Dr. Richard. Nagpasya nga siya na lalong itago ang nalalabing dalawang drum ng serum. Hindi nga ito dapat mapasakamay ng mga Nazi.

Septyembre 3, 1939, ang Britanya at ang France ay nagdeklara ng gera laban sa Germany. Ngunit ang pagdedeklarang iyon ay hindi kaagad nasundan ng aksyon. Ang Poland ay humaharap pa rin sa Germany ng mag-isa. At sa likuran nga niya narito, ang Russia at handa siyang sunggaban

Septyembre 17, 1939. Sumalakay ang Russia sa Poland, at ang Poland ay sumuko kapwa sa Germany at sa Russia. Pinaghatian nga ng Russia at Germany ang Poland, gaya ng nasasaad sa Molotov-Ribbentrop Pact. Matapos nga noon ang Germany ay tumingin na sa Kanluran.

Abril 1940 ay sinalakay ng Germany ang Denmark at Norway. Ito nga ay para mapangalagaan ang ruta na dinadaanan ng dalawa sa pinakaimportanteng materyales na malaking tulong sa pakikidigma ng Germany, ang Swedish iron ore, at ang heavy water na kailangan sa programang nukleyar ng Germany.

May 10, 1940 sumalakay nga ang Germany sa Belgium, Netherlands, Luxembourg at France. Ito’y sa kabila nga na neutral ang mga bansang Belgium, Netherlands at Luxembourg

May 21, 1940, napalibutan ng German army ang buong hukbong alyado ng Britain, France at Belgium sa Dunkirk. Inilikas sila ng Britain patungong London sa pamamagitan ng mga army at civilian ships.

June 14 1940, bumagsak nga ang Paris sa kamay ng mga Germans, June 22, sumuko ang France sa laban.

Dahil nga sa tagumpay na ito ng Germany, ang Japan ay sumalakay sa mga teritoryo ng France. July 1941 nagpadala nga ng hukbo ang Japan sa Indochina. Nalaman nga nila na nasa Pilipinas na si Dr. Fritz. Si Dr. Fritz nga ay nasa pangangalaga na ni General Douglas MacArthur. Alam niya nga na maaaring sumalakay ang Japan sa Pilipinas anomang oras. Hindi nga maaaring si Dr. Fritz ay mapasakamay ng Japan.

Samantalang si Dr. Hans naman, walang nakikitang pag-asa sa laban ng Britanya sa Germany, ay napilitang magsagawa ng pakikipagkampi sa isang hindi inaasahang kakampihan ng mga Hudyo. Ito nga ang mga Ruso. Sikat nga ang mga Ruso sa kasaysayan sa pogrom(pag-usig o pagpatay sa mga Hudyo dahil sa walang dahilang galit.) Gumawa nga siya ng paraan para makausap ng personal si Joseph Stalin. Gaya ng ginawa ni Dr. Fritz, sinabi niyang lahat ng kapangyarihan ng Lipsy Serum at nagpakita nga siya ng demonstrasyon. Namangha nga ang mga matataas na opisyal ng Soviet Union, isa nga sa natuwa ay si Nikita Khrushchev sa kanilang nakita. Dala nga ni Dr. Hans ang isa sa dalawang drum na natitira sa Europa.

Ngunit ang naging tugon ni Stalin: Sunugin niyo yung drum. Napatanong nga ang ibang opisyal ng bakit. At ang naging tugon ni Stalin: Gagawan lang ako nyan ng kaaway, at saka, gusto ko ang tao eh namamatay. At sinunog nga ang drum ng Lipsy Serum sa harap din ng mga opisyal. Si Dr. Hans nga ay magiging bodyguard ni Stalin, at ng mga magiging susunod pang lider ng Russia.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon