Part 10. Dresden

191 2 0
                                    

Hulyo 20, 1944. Nagkaroon ng pagsabog sa headquarters ni Hitler na tinatawag na Wolfs Lair sa East Prussia(ngayon nga ay Kętrzyn Poland). Ito nga ay dahil sa pagtatangka ni Colonel Claus Schenk von Stauffenberg at ilang mga kasabwat na tanggalin si Hitler sa pwesto. Magkagayon ay ipatitigil ang Holocaust, makikipagkasundo sa mga Allies, partikular sa Amerika at sa Britanya. Ngunit ang laban sa Soviet Union ay magpapatuloy.

Pero hindi nga ito nagtagumpay. Nakaligtas nga si Hitler, at lahat ng kasangkot sa pagtatangka sa kaniyang buhay ay hinatulan ng kamatayan. Lalo ngang tumindi ang kaniyang pagnanasa na makita ang Lipsy Serum.

Si Hermann Goering nga ang susunod na pinakamataas na opisyal kay Hitler, ay lubhang nag-aalala sa kalagayan ng Germany sa digmaan. Sunod-sunod ang kanilang pagkatalo sa Soviet Union. At ang Britanya at Amerika ay inuumpisahan na silang bombahin. At hindi nga lang iyon ang kanilang problema.

Agosto 25, 1944 ay napalaya na ang Paris sa mga Nazi, at noong Agosto 30, 1944, ay umatras ang mga sundalong German sa Seine. Ang balita ngang iyon ay nagpapakaba kay Goering maging kay Hitler. Dahil baka magkalakas ng loob ang mahigit limang libong Hudyo na nasa loob ng Dresden, na nakainom ng Lipsy Serum, na mag-aklas laban sa mga Nazi. Hindi nga kakayanin ng Nazi na sila ay pigilan. Ngunit hindi nga ito mangyayari.

Nalipol na nga nila ang mga nakainom ng Lipsy Serum na sa mga camps. Maliban sa mga pinag-eeksperimentohang ilan. Pinoproblema nga nilang maigi ang mga nasa Dresden. Hanggang sa nakaisip ng paraan si Goering. Ipinanukala niya ito kay Hitler, at siya’y sinang-ayunan.

Nagpadala nga si Goering ng telegram sa isang backdoor channel, kay Winston Churchill. Sinasabi nga dito na kailangan silang magkita, dahil sa isang mahalagang bagay. Ang pagkakawika nga sa Ingles ay of immediate wartime concern. Nagtataka nga ang Punong Ministro sa telegramang iyon. Ngunit binigyan niyang pansin. Pinasyahan nga nilang magkita sa Den Burg, isang isla sa hilaga ng The Netherlands. Top Secret nga ang naging pag-uusap at hindi itinala sa mga opisyal na libro ng kasaysayan,at mga talaan.

Natatakot nga si Churchill sa usapang iyon, ang huling taong nakipag-usap sa mga German ay ang kaniyang pinalitan na si Neville Chamberlain, at ang pag-uusap ngang iyon ay hindi naging maganda para sa kaniyang imahe. Kaya nga pinili niya na itago ang pag-uusap na iyon sa mga tao.

Dumating nga kapwa sila Goering at si Churchill sa Den Burg. At nag-umpisa nga ang usapan. Agad dumako si Goering sa kaniyang pakay. Hinihiling niya na bombahin ang Dresden ng mga Briton. At ipinakita niya ang epekto ng Lipsy Serum sa tao. Nagulat nga si Churchill sa kaniyang nalaman. Ang agad niyang naitanong ay:

Do the Soviets know about this?

Alam nga ito ng mga Soviets, dahil kay Dr. Hans. Alam ito ng mga Nazis, dahil kay Dr. Fritz. Alam din ito ng mga Amerikano dahil kay Dr. Fritz. Alam din ito ng mga Hapon. Tanging ang Britanya lang nga ang hindi nakakaalam sa lahat ng major player sa World War 2.

Ineksplika nga ni Goering na walang katiyakan ang magiging katapatan ng mga ito. Papaano kung ang Russia ang kanilang kampihan. Lalong kakalat ang Komunismo, ang banggit ni Goering kay Churchill. Hindi nga gusto ni Churchill ang mga Nazis, pero hindi niya rin gusto ang mga Soviets, at ang Komunismo. Sumang-ayon nga si Churchill. Tinangka ngang makipagkamay si Goering. Ngunit sinabi ni Churchill:

After this, we still hate each other, we are still enemies, and the war will continue.

Nagbalik nga sila sa kani-kanilang bansa. Inimpluwensiyahan nga ni Churchill ng maigi ang desisyon tungkol sa pagbomba sa Dresden. Kahit nga ito’y walang importansyang stratehikal, sa mata ng mga militar, sa mababaw na tingin. At nakuha nga ni Churchill ang kaniyang gusto.

Pebrero 13, 1945, ay nag-umpisang bombahin ang Dresden ng mga high explosives at incendiary bombs. Nagtagal nga nga pamomomba sa lugar hanggang Pebrero 15. Nagresulta nga ito sa isang firestorm. Sinadya ngang tinanggal ang anti-aircraft guns, at walang responde mula sa airforce ng Germany. Maging ang fire brigade ay sadyang inutusan na wag supilin ang apoy. Nasundan pa nga ng tatlong pamomomba ang Dresden noong Marso 2, at 17.

Noong nagkaka-firestorm nga, si Hitler at si Goering ay nasa malayo kung saan tanaw niya na nasusunog ang Dresden. Tuwang-tuwa siya na nawala na ang isa sa kaniyang alalahanin. Nalipol nga ang pinangangambahan niyang limanglibong Hudyo. O ayon sa kaniyang sariling lenggwahe, Fünftausend Lipsy Juden.

Nawala man ang mga problemang iyon ni Hitler. Nagpatuloy ang lahat ng iba. Patuloy pa rin ang kanilang mga pagkatalo, mula sa silangan, at maging sa Kanluran. April 30, 1945, ayon sa kasaysayan, nagpakamatay daw si Hitler sa kaniyang Bunker sa Berlin, kasama ng kaniyang asawa na si Eva Braun. Sinunog daw ang bangkay nila.

May 7, 1945 ganap ng sumuko ang Nazi Germany sa mga Allies sa pamamagitan ng kapalit ni Hitler na si Karl Dönitz. Ngunit si Stalin ay hindi naniniwala na patay na si Hitler. Pinanghawakan niya nga ang paniniwalang iyon hanggang sa kanilang kamatayan.

STORY NO. 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon