KOBE
Nakauwi na ako sa bahay, sabi nila mama almost a week daw akong nacoma. May tumawag na lang daw sa kanila noong araw na sinugod ako sa hospital.
Pinipilit ko pa ring alalahanin kung ano ang nangyari nang araw na yun. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, hindi pa rin maalis sa isip ko ang babaeng nakita ko sa kwarto ko noong araw na nagising ako. Pamilyar ang damdamin na binibigay niya. Para bang ang tagal na naming magkakilala pero bakit hindi ko matandaan ang pangala niya?
"Kobe?" napatingin ako sa pintuan. Nakita ko na nakadungaw si mama. Ngumiti ako sa kanya.
"Kumusta ka na anak?"
"Okay na po ako ma."
Pumasok si mama sa loob ng kwarto ko at umupo sa tabi ko.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"
Kumunot ang noo ko. Paano niya kaya nalaman na may iniisip ako? Napangiti si mama at hinaplos ang mukha ko.
"Baka nakakalimutan mo na anak kita at nararamdaman ko na may bumabagabag sayo."
Napangiti ako. At napabuntong hininga.
"Ma, naaalala nyo po ba noong araw na nagising ako? Sino po yung babaeng nakaputi?"
My mom smiled. She caressed my face.
"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin siya maalala? Anak, kilalang kilala mo ang babaeng yun, you know her more than anyone else."
Naguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mommy.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
She touched my chest.
"Try to remember her using your heart anak. Nakalimutan man siya ng isip mo, alam namin na hindi siya malilimutan ng puso mo."
Mas lalo akong naguluhan sa mga naririnig ko. Paano ko naman maaalala ang isang taong noon ko lang nakita. Oo, pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko talaga matandaan kung sino siya.
"Huwag mong madaliin anak, maaalala mo rin siya."
She kissed me on the cheek and left. I was left confused. I take a deep breath and closed my eyes.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit. Napamulat ako ng may marinig akong naguusap.
"Ano ka ba naman bub, ang kulit mo talaga, alam mo namang bawal diba?"
"Oo nga naman, ayan tuloy nanghihina ka na naman tol."
Nakita ko ang sarili ko na kausap si Sam at ang isang babaeng hindi ko makita ang mukha, nakatingin silang dalawa sa akin, pero ang boses niya natatandan ko. Ito ang boses na sinundan ko. Lumapit ang babae sa akin at hinagod ang likod ko. Para akong nanonood ng sine. Pero sarili ko ang bida. Alam ko na nangyari ang mga nakikita ko.
"Kaya mo bang maglakad? Malapit na naman tayo sa bahay eh, may gamot ka doon."
"5 minutes bub."
Sabi ko at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Naalala ko to, alam ko na may iba pa kaming kasama ni Sam. Pero bakit hindi ko makita at bakit yun ang tawag ko sa kanya?
Nagpatuloy lang ako sa panonood sa sarili ko.
I can see her smile at me. She caressed my hair, at naramdaman ko ang pagkalma ng paghinga ko. I looked at her."Ano? Okay ka na?
"Syempre naman okay na 'yan. Ikaw lang naman ang gamot niyan eh."
Napatingin ako kay Sam na nakangiti ng nakakaloko sa aming dalawa.
"Oh tama nan 'yan Sammy, mag.aasaran na naman kayong dalawa eh. Hindi pa nga nakakarecover ang mokong na to baka atakihin ulit." Concerned na sabi niya.
"Mahal mo talaga ako noh?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Oo naman." She smile back.
"Tama na nga yan, and dami na pong langgam."
Nakita kong papalapit sa amin si Bella na may hawak na bottled water. Iniabot niya ito sa amin at ininom ko naman agad ito.
"Sa susunod kasi, Kobe, makinig ka naman please. Ang hirap kaya kung aatakihin ka."
"Oo na po mga bantay."
Sagot ko sa kanilang tatlo. I held the hand of the girl beside me. And she gave me the sweetest smile.
Napamulat ako bigla sa panaginip ko. I need to see that girl sa hospital. I need to know who she is. At kailangan ko ring makilala ang babae sa panaginip ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kailangan ko ng tulog mula kay Sam at Bella. Malakas ang kutob ko na kilala din nila ang babaeng nasa panaginip ko.
Dalawang linggo ang nakalipas mula ng makalabas ako ng hospital. Pinapayagan na rin akong lumabas nila mommy pero marami pa ring bawal. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon sila. I almost died, sabi ng mga doktor. Kung nahuli lang daw ng ilang minuto ang pagdala sa akin sa hospital baka daw hindi na nila ako naisalba. I was lucky, so lucky indeed.
Nandito ako ngayon sa cafe na tambayan namin, hinihintay ang pagdating nila Bella. Sabi nila may ipapakilala daw sila sa akin. Ilang minuto pa ang dumaan at nakita ko nang dumating ang sasakyan ni Sam. Bumaba mula rito si Bella at isang babaeng hindi ko masyadong maaninag ang mukha.
Pumasok na sila sa loob at agad kong tinaas ang kamay ko. Bella smiled and walked towards me.
"Kanina ka pa ba? Sorry ha? Ang tagal kasing gumalaw nitong si Sam eh." Sabi naman agad ni Bella.
"Oh, bakit narinig ko na naman ang pangalan ko?" Hirit naman agad nitong best friend ko. Hay nako, magbabangayan na naman tong dalawang to. Napailing ako. Bago pa man magsimula ay pinigilan ko na sila.
"Oh tama na yan! Sino nga pala 'yung kasama niyong dumating.
I saw them smiled brigthly.
"Pinsan ko. NagCR lang siya. Mayamaya andito na rin yun."
Nagkibit balikat na lang ako. Umorder na silang dalawa at sinabay narin nila ang order ng kasama nila. Ilang minuto pa ang dumaan ay may babaeng lumapit sa amin. Busy ako sa phone ko kaya hindi ko nakita kung sino.
"Sorry andami kasing tao sa CR."
"Okay lang yun, upo ka na."
Narinig kong sabi ni Bella. Naupo naman ang babae sa tabi ko.
"Ah nga pala Kobe, si Frances nga pala, pinsan ko."
Pakilala ni Bella sa akin. I put down my phone ang looked at the girl beside me. My eyes widen when I saw here face clearly.
"IKAW?"
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...