FRANCES POV:
Back to reality, balik skwela na kaming lima. Well, naging maayos naman ang get away namin. We have a lot of memories. Bagong memories para sa aming lahat, lalong lalo na sa amin ni Kobe. Masasabi ko na naging mas close kaming dalawa, at sana ito na talaga ang simula.
As usual, maaga akong dumating sa classroom. Wala pa silang lima kaya tumambay nalang ako sa upuan ko. I wear my earphone at nakinig ng kanta. Hindi ko alam kun ilang kanta na ang napakinggan ko ng may kumuha ng isang earphone mula sa tenga ko.
"Kaya naman pala hindi sumasagot eh. Nakikinig ng music!"
Natawa ako sa sinab ni Bella. Kanina pa pala siya dumating at nagsasalita sa tabi ko pero hindi ko napansin. Nagkwentuhan nalang kami at hinintay ang tatlong itlog. Ilang minuto lang ang dumaan at dumating na rin si Sam at Darius. Panay naman ang tingin ko sa pinto dahil hindi pa dumadating si Kobe.
"Hoy, nakikinig ka ba?"
Napalingun ako sa kanila, at tumango.
"Bakit ba kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa pinto?" - Sam
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre hinihintay ang bestfriend niya."
Sinagot naman agad ni Darius ang tanong ni Sam. Nakita ko namang kinilig ang pinsan ko. Mga baliw talaga tong tatlong to.
"Darating din yun. Ano ka ba."
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang teacher namin pero wala pa ring Kobe na dumating. Napatingin kami sa isa't - isa. Hindi siya nag.aabsent ng walang pasabi sa isa sa amin. I checked my phone pero walang isang message mula sa kanya. Nagsimula na ring magklasi si ma'am.
Hindi ako makapagconcentrate sa klasi namin. Halos kada minuto, tinitingnan ko ang phone ko. Nagmessage na rin ako sa mama niya, tinanong ko lang kung asan siya pero wala ring sagot. Natapos ang pang-umagang klasi na hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko na rin maiwasan ang kaba ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Darius sa akin.
"Hindi Dar eh. Kanina pa ako nag-aalala kay Kobe."
"Wala pa ring message mula sa kanya. Natext ko na si Kuya at si Tita pero wala ring reply mula sa kanila." Agad namang sabi ni Sam.
"Guys, wala daw tayong afternoon class. May emergency meeting daw ang faculty." Sabi ni Bella.
Agad kong kinuha ang bag ko at akmang aalis.
"Oh? Saan punta mo?" - Bella
"Pupunta ako kina Kobe."
"Sama kami!"
Agad naman silang sumunod sa akin. Kotse ni Darius ang ginamit namin sa byahe. Ilang minuto lang ay dumating na rin kami sa bahay nila. Agad naman akong bumaba ng sasakyan at nagdoorbell. Binuksan ng kasama nila sa bahay ang gate at pinapasok kami. Nakita namin si Tita sa sala.
"Oh, napasugod kayo?" Takang tanong niya sa amin.
"Ah, kasi tita. Nag.aalala po kami kay Kobe. Hindi po kasi siya pumasok. At saka, nagtext po kami sa inyo kanina to have an update pero hindi po kasi kayo nakapagreply kaya napasugod po kami."
Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tita smiled at us.
"Naku, pagpasensyahan niyo na. Hindi ko siguro napansin ang text nyo. Kakagaling lang kasi namin sa hospital."
Nagkatinginan kami. Pinaupo kami ni Tita sa sofa.
"Ano po bang nangyari?"
"Sinugod namin si Kobe kahapon sa hospital. Nakita siya ng Kuya niya na walang malay sa loob ng kuarto."
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...