KOBE's POV:
Dreams do come true, but I forgot that Nightmares are DREAMS too, at nandito ako nakatingin sa isa sa mga bangungot ko. Pano nga ba kami dumating sa puntong to?
1 WEEK AGO
"Ano Samuel? Ready ka na ba?" - Frances
Tanong nitong girlfriend ko kay Sam na parang mahihimatay na anytime.
"Pwedi bang magback out?" Sabay namin siyang binatukan ni Darius. "Aray naman mga tol!" Reklamo niya sa amin, sabay hawak sa ulo niya.
"Walangya ka pre. Pinagod mo kami sa paghahanda nitong tambayan tapos magbaback out ka lang?!" Sabi sa kanya ni Darius na handa na naman siyang batukan.
"Kaya hindi ka sineseryoso ni Bella eh, puro ka kasi kalukohan." Sabi ko naman sa kanya. Agad namang nagsalita si Frey.
"Samuel, isipin mo to ha? Pinagod mo sila Kobe at Dar, tapos ako pinagod mo para paalisin si Bella at si Bella pinagod ko para lang matapos natin to. Tapos sasabihin mo sa amin na aatras ka? Aba, parang ngayon ka lang umatras sa mga plano mo ah."
"Iba na kasi to Frey eh, si Bella na kasi ang pinag-uusapan natin. Okay lang na ireject ako ng iba, pero hindi ko alam kung kaya kong ireject niya ako."
"Diba sabi ko sayo last time, paano mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan? Sam kailangan mong gawin to para matanggal na lahat ng tanong mo."
Napabuntonghininga siya. "Paano kung ireject niya ako?"
"Bro, kung ireject ka man niya ngayon, hindi naman ibig sabihin na tapos na ang lahat diba? Pwedi naman na ipagpatuloy mo ang panliligaw mo sa kanya." - Kobe
"Tama si Kobe bro. Bakit kung aawayan ka ba niya ngayon, susukuan mo na siya?" - Darius
"Yun naman pala Sammy eh. Kaya mo yan. At saka andito lang naman kami para back up mo." - Frances
Isang ngiti ang sinukli niya sa aming tatlo, halata parin ang kaba niya. Ilang minuto pa ang dumaan...
"WHAAAA NAKAKAPAGOD!"
Napalingon kami sa may entrance ng tambayan at kay Sam. Ngumiti kami sa kanya, hudyat na oras na. Inayos na namin ang lahat at pinatugtog ang kantang paborito ni Bella. The moment she reached the door, she was frozen in her tracks.
Sam was in front of her, holding a bouquet of her favorite flowers, singing along her favorite song. She was just starring at him na para bang anytime ay iiyak na siya. Then she flashed a smile. Ilang sandali lang ay humakbang na papalapit sa kanya si Sam at ibinigay nito sa kanya ang bulaklak. She stared at the flowers and then at Sam. It was obvious na kinakabahan siya. Napahawak ng mahigpit sa kamay ko si Frey. I looked over my shoulder and I see her nervous. I held her hand and I smiled when she looked back at me. I then look at my best friends in front of me.
Bella was holding the flowers now, tears in her eyes while smiling. Sam standing in fron t of her holding her hand. He let out a nervous sigh before he started speaking.
"Bella, alam ko na ilang buwan pa lang ako nanliligaw sayo, at alam ko rin na noong araw na nagpaalam ako ay pakiramdam mo nagjojoke lang ako. Pero, lahat ng sinabi ko sayo totoo. Alam ko naman na mula pa noong mga bata pa tayo aso't pusa na tayong dalawa, hindi nabubuo ang araw paghindi tayo nag-aaway, himala na nga siguro kung isang beses lang tayo magbangayan. Pero, hindi ko kayang magbiro pagdating sa nararamdaman ko para sayo." He choked, holding back his tears.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula na nahulog na ako sayo, pero isa lang ang alam ko. Mahal kita at handa akong patunayan na hindi lang ako puro kalokuhan. Kung bibigyan mo ako nangpakakataon na patunayan ang sarili ko, gagawin ko ang lahat na kaya kong gawin mapasaya ka lang. Ayokong mangako dahil sabi nga nila dyan nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan minsan. Ayoko ring mangako ng mga bagay na hindi ko naman kayang gawin." Tumigil ulit siya sa pagsasalita. He looked at Bella's eyes, at ramdam namin kung gaano siya kaseryoso.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...