Confrontation

154 10 4
                                    

FRANCES

Malapit na ang deadline ng activity namin. Kailangan na naming ishoot yun. Napagdesisyonan ng lahat na sa beach house namin kami gagawa. We will stay there for 2 nights. Bonding na rin daw sabi nila Sam.

Yes, Kobe was with us. At tulad ng dati wala pa ring paguusap na nangyayari. Mas naging maingat na rin sila Bella pagdating sa sitwasyon ko. They keep checking on me, kung nakakain na ako, nakainom na ng gamot o kung ayos lang ba ang pakiramdam ko. Parati na rin kaming magkasama ni Darius. He makes sure na okay ako. Palagi siyang nandyan.

Nakarating na kami sa distinasyon namin. My parents keeps on checking on me too. Nakaupo ako sa may veranda habang nagseset up para kumain sila Bella. Malamig ang simoy ng hangin. Naramdaman ko na lang na may naglagay ng jacket sa balikat ko.

"Isuot mo yan. Lamigin ka pa naman ngayon. Kamusta ang pakiramdam mo?" - Darius

"Okay naman. Medyo napagod lang ako sa byahe."

"Pahinga ka nalang muna. Tutulungan ko lang sila mag.ayos para makakain ka na."

Tumango lang ako sa kanya. Hindi madali ang pinagdadaanan ko, minsan bigla nalang akong naghihina. Minsan din bigla nalang nagdurugo ang ilong ko. Madalas na rin akong nagkakalagnat. Minsan hindi na ako nakakapasok dahil sa sakit ng katawan ko. Alam ko nahahalata na rin ng iba na nangangayayat ako. But I still try to be okay, kahit mahirap.

"Hey cous, lalim ng iniisip mo ah."

Napatingin ako kay Bella. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"

"I'm okay cous, may naalala lang ako."

"Kanina pa nakatingin sayo si Kobe. Bakit hindi mo ulit subukan kausapin siya?"

I looked kung nasaan si Kobe, nakita ko na nakatingin nga siya sa akin. Agad naman niyang binawi ang tingin niya. Napangiti ako ng mapait.

"Panahon na siguro para makausap mo siya."

"Paano kung hindi maayos?"

"Kung hindi man maging maayos, atleast you will have your peace of mind. Alam ko na binabagabag ka pa rin ng mga nalaman mo. And you need to close whatever conflict you both have. Para narin maging magaan ang pakiramdam mo. Kasi sa totoo lang, dumadagdag pa yan sa kalagayan mo ngayon. Just try again, kung hindi pa rin siya makinig, then just let it be."

"Sige, mamaya kung magkakaroon ng pagkakataon, kakausapin ko siya."

"Halika na, kain na tayo para makapagpahinga ka."

Agad naman akong sumunod sa kanya. Lahat ng paborito kong pagkain ang nakahanda. Napangiti ako. Nakita ko na sa tabi nalang ni Kobe ang walang nakaupo. Napatingin ako sa kanilang tatlo. They smiled at me. Hay nako, pinagplanohan na naman nila to. I am not sure kung okay lang sa kanya kaya nagdalawang isip akong umupo. He looked at me.

"Umupo ka na, para makakain na tayo."

Agad naman akong umupo sa tabi niya. Tahimik lang kaming kumakain.

"After nito pahinga lang muna tayo, mamayang hapon na tayo magshoot." - Darius.

"Okay, saka nga pala 'yung conflict muna ang ishoshoot natin ngayon ha." - Sam

Napatingin naman agad ako kay Sam, pero patay malisya naman siya pati na rin sila Darius. Mababatukan ko talaga ang tatlong to eh. I kicked Darius under the table.

"Aray!"

"Oh? Okay ka lang?" - Bella

"Oo, may langgam lang. Nangagat eh."

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon