Flashbacks

140 11 0
                                    

BELLA

Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang ipakilala namin ulit si Frances kay Kobe. Pagkatapos namin gawin ang plano namin ni Sam ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi maipinta ang mukha ni Kobe, habang si Frances naman ay tahimik lang.

Nakaupo ako sa garden ngayon, nag-iisip kung ano pa ang pwedi naming gawin para kay Frances. We really need to help her. Ayoko nang makitang nalulungkot siya. Ilang buwan niya na ring sinisisi ang sarili niya sa mga nangyari. If she only knew the real reason why Kobe's not the same towards her.

"Lalim nang iniisip natin ah."

I heard someone from behind, and I know him, kahit na hindi ko pa siya nakikita. Pumunta siya sa harap ko at binigay ang dala niyang brownies.

I smiled, kahit puro away kami nitong si Sam, alam na alam niya ang kailangan ko.

"Thank you."

Umupo siya sa harap ko. At sinimulan ko nang lantakan ang dala niya. I am really stressing out dahil sa mga nangyayari.

"Oh, dahan dahan lang. Mabilaukan ka niyan eh. Stress na stress teh?"

Inirapan ko lang siya. Nakikain na rin siya.

"Nagtext na ba sayo si Frey?"

Tanong niya makalipas ang ilang segundo. I sighed. Pagkatapos kasi ng "meeting" nila ni Kobe, hindi pa kami nakarinig ng kahit ano mula sa kanya. I texted her nang makauwi na kami perio hindi siya nagreply.

"Hindi pa rin eh. Tatlong linggo na akong naghihintay ng text niya. Hindi ko nga alam kung galit siya dahil sa ginawa natin. Eh si Kobe ba? Nakausap mo na?"

"Oo, nakausap ko siya kahapon. "

"Anong sabi niya?"

"Ayon, maraming tanong na binato sa akin, bakit daw natin sinasabi na bestfried niya si Frey. Kahit daw isang memorya ni wala siya."

"Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Kahit siya hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon."

"Bakit kasi hindi nalang natin sabihin kay Frey ang totoo?"

Napaisip ako. Bakit nga ba hindi nalang namin aminin? I was brought back to a certain memory a few months ago.

FLASHBACK....

Naglalakad kami papunta sa kuarto ni Kobe. Wala si Frances ngayon. Pinauwi muna namin para makapagpahinga. Ilang araw na rin kasing walang tulog ang babaeng yun dahil sa pagbabantay.

Pagliko namin sa corridor, nakita naming nagkakagulo na sa labas mg kuarto niya. Agad naman kaming napatakbo. Nakita kong umiiyak si tita. Hindi ko kaagad makita si Kobe dahil natatakpan siya ni Kuya Frank.

"Tita ano pong nangyayari?"

"Gising na si Kobe, Bella."

Napatingin agad ako kay Sam na nasa likod ko, lumapit kami sa tabi ng hospital bed niya, akay.akay ko si tita. Tita hugged him tight. Nakita namin na naguguluhan siya.

Ilang sandali pa dumating na ang doctor niya at tiningnan ang vital signs niya.

"Stable naman ang vitals ng anak 'nyo misis. Sa ngayon, 'wag nalang muna siyang istress."

Umalis kami ni Sam sa tabi ni tita at kinausap si Kobe.

"Sa wakas nagising ka na rin. Pinakaba mo naman kami."

Ngumiti lang si Kobe sa amin. Alam namin na nanghihina pa siya.

"Siguradong matutuwa si Frances, pagnalaman niyang gising ka na, ilang gabi na rin yung walang tulog."

"Sinong Frances?"

Agad akong napatingin sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya nga naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Si Frances, bestfriend mo, bestfirend ko at pinsan ni Bella." Sabat naman agad ni Sam.

"Lalaki ba yun?"

Napatingin ako kay tita, ganun din si Sam, nasa tabi ko na pala siya nang hindi ko namalayan, narinig niya pala ang sinabi ni Kobe. Concern flash on her face.

"Anak, hindi mo ba natatandaan si Frances?"

Nag-aalalang tanong ni tita, nasa tabi rin namin ang doktor ni Kobe.

"Wala po akong maalalang Frances ma. Hindi ko pa matandaan."

Bigla niyang hinawakan ang ulo niya at pumikit ng mariin. Napatingin kami sa doktor niya. Agad naman siyang nilapitan nito.

"Okay ka lang ba, Kobe?"

"Okay naman po ang pakiramdam ko, medyo nanghihina lang po, bigla lang sumakit ang ulo ko."

Tumango ang doktor at humarap kay tita.

"Gagawa po kami ng test para matukoy ang nagyayari sa anak 'nyo. Sa ngayon po 'wag nyo lang muna siyang pilitin."

I got a hint of what was happening. Ilang araw naming hinintay ang resulta ng test ni Kobe. Frances was not able to visit him also sa mga panahon na yun dahil bigla din itong nagkasakit. And it's confirmed, may amnesia nga si Kobe.

Tita was devastated after knowing about it. Pero nagtataka din kami kung bakit si Frances lang ang hindi niya nakikilala.

"Pero bakit po kami kilala niya, pero yung bestfriend niya hindi niya makilala?"

"May mga pagkakataon talaga na ganyan ang nangyayari lalo na sa klasi ng amnesia na meron si Kobe. Minsan ang mga taong nakakalimutan nila ay ang mga taong subrang nakasakit sa kanila at pinipili ng utak na kalimutan nalang ito."

Nanlumo kami sa narinig namin, paano namin sasabihin kay Frances to? Nang maaksidente si Kobe, sinisi na niya ang sarili niya. Pano pa kaya kung malaman niyang nakalimutan siya nito?

END OF FLASHBACK...

Napabalik ako sa kasalukuyan ng may pumitik sa noo ko.

"What the!... Bakit mo ginawa yun?!"

Inis na sabi ko sa lalaking unggoy na nasa harapan ko. Ngumisi lang siya at nagpeace sign.

"Kanina pa kasi kita kinakausap, pero lutang ka na naman. Ano ba kasing iniisip mo?"

"Naalala ko lang nung nalaman natin ang sitwasyon ni Kobe. Sa totoo lang nanguiguilty na ako eh, matagal na rin nating tinago to kay Frances. Siguro tama ka, kailangan na niyang malaman ang sitwasyon ni Kobe."

"Anong sitwasyon?"

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses na yun. Then I saw my cousin with confused looked on her face. I guess we really need to spill the beans now.

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon