KOBE
Two days... Oo dalawang araw na ang nakalipas mula noong kausapin ako ni Mommy, at sabihin niya ang sitwasyon ko. Ang rason kung bakit si Frances lang ang bukod tanging hindi ko makilala. Pilit ko pa ring inaalala kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing naaksidente ako. Sabi ni Mommy sinundan ko siya. Pero bakit? Ano ba talagang nangyari nang gabing 'yun. Napapikit ako. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing inaalala ko ang lahat.
"Wag mong pilitin, makakasama 'yan sayo."
Napamulat ako. Nakita ko si Sam sa tabi ko.
"Kanina ka pa?"
"Kararating ko lng din naman. Parang ang lalim naman ng iniisip mo Kob."
Napabuntong hininga ako.
"Sinabi na sa akin ni Mommy ang sitwasyon ko."
Tahimik lang siya, at naghihitay sa susunod kong sasbihin.
"Halos isang taon nang hindi ko makilala si Frances, halos isang taon ko siyang nakikita pero hindi pinapansin. Alam mo tol, nakakaguilty eh. Hindi ko lubos maisip ang pinagdaanan niya ng mga panahong hindi ko man lang siya napapansin."
Napasandal ako sa sofa.
"Sa totoo lang tol, sa loob ng halos isang taon, araw araw naming nakikita si Frey na frustrated. Hindi rin kasi namin sinabi sa kanya na hindi mo siya naaalala."
Naptingin ako sa kanya. "Dahil ba kay mommy?"
Tumango naman siya."Noong nalaman namin ang sitwasyon mo, maliban sa pag.aalala namin sayo, nag.alala din kami kay Frey. Noong maaksidente ka, paulit ulit niyang sinisi ang sarili niya. Halos hindi na nga matulog yun eh para bantayan ka lang. All this time akala niya galit ka lang talaga sa kanya."
Napabuntong hininga ako. Alam ko rin naman na nasabi na nila sa kanya ang totoo.
"Anong reaksyon niya noong nalaman niya?"
I was concerned about what she felt, all this time pareho lang naman kaming walang alam, pero alam ko na mas naapektuhan siya.
"Ayun, umiyak sa harap namin ni Bella, noong una alam namin na nagalit siya sa amin, we explained to her everything. Naging okay naman siya, pero alam namin na nagtatampo pa rin siya sa amin. Alam rin kasi namin na naging unfair kami eh, napagmukha namin siyang tanga sa pag.aakalang pinoprotektahan namin siya."
Napayuko ako, gusto kong bumawi sa kanya, gusto ko siyang maalala, gusto ko siyang makilala ulit.
"Bro, pwedi mo ba akong tulungan?"
"Para saan naman?"
"Gusto ko sanang makausap siya ulit."
Napangiti si Sam sa sinabi ko at tinapik niya ang balikat ko.
FRANCES POV
Nakatanggap ako ng text mula kay Sam, gusto daw nilang gumala, hay nako. Gagawin na naman akong thirdwheel. Ayoko sanang pumunta dahil tinatamad ako, at saka hindi pa halos madigest ng sistema ko ang mga nalaman ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanila, pero pilit ko nalang iniintindi.
"Tagal mo namang magbihis cous!"
Napailing nalang ako at inirapan siya.
"Sino ba kasing may sabi na isama nyo pa ako, eh kung kayo nalang kayang dalawa ang gumala. Istorbong to."
Napatawa naman siya sa sinabi ko. Kaya hindi ako makatanggi dahil inistorbo na ako nitong pinsan kong ubod ng kulit. Nang nagsabog siguro nga kakulitan isang drum ang nakuha nito.
"Kasi naman po, alam kong magmomokmok ka lang dito. At saka libre ni Sam, minsan lang kaya manglibre yun."
"Eh bakit nga isasama nyo pa ako dyan sa date nyo!!"
Nakita ko namang namula siya, hahaha alam ko na talagang may tinatago tong pinsan ko eh.
"Oi, oi hindi ah! At saka hindi ko type ang patpat na yun no!"
I smiled at her sarcasticly. "Sinabi mo eh." Tumawa ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Naglagay nalang ako ng pulbo at liptint.
"Ayan tapos na ako."
"Hay salamat naman."
"Aba parang ako pa 'yung ang tagal tagal mag.ayos ah, ikaw kaya inaabot ako ng isang oras kakahintay sayo pag may lakad tayo."
"Hehe, joke lang cous. Halika na."
Tumango ako at lumabas na kami sa kuarto ko.
Nagpaalam ako kay Mama at sumakay na sa kotse. Magmamall daw kaming tatlo eh, hay ako buhay thirdwheel. Naalala ko pa noon, apat kami palagi pag.umaalis, kahit ang gulo namin okay lang.Ilang minuto na kaming nagbabyahe ng napansin ko na iba ang rota na pinupuntahan namin.
"Oh? Hindi naman to papuntang mall ah."
Bella just smile. "Sa tambayan na daw tayo magkita ni Sam."
I nodded, matagal na rin akong hindi nakapunta doon. Simula noong hindi na ako pinapansin ni Kobe, hindi na rin ako nakatungtong doon. Nalulungkot lang ako masyado. Andami kasing memories ng lugar na 'yun.
"Okay ka lang cous?"
Napatingin ako sa kanya. "Oo naman." I just give her a smile. I looked out yhe window and waited until we arrive at our destination.
"Andito na tayo!!"
Hyper na sabi nitong kasama ko. "Excited na excite makita si Sammy?"
Inirapan niya lang ako na nakapatawa sa akin. Bumaba na kami sa kotse. Napatigil ako ng makita ko ang tambayan namin. Simpleng tree house lang naman to, pero noong mga bata pa kami dito namin binuhos lahat ng oras namin. Minsan dito na rin kami natutulog. Naalala ko na naman ang noon. Napabuntong hininga na lang ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa hagdab ng may nakita akong pamilyar na bulto na nakatalikod sa akin.
Tumalikod ako para tingnan si Bella, pero wala pala siya sa likod ko. Asan na kaya 'yung babaeng yun?
"Hi, Frances."
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos. Bumilis ang tibok ng puso ko, hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko.
"Si Kobe lang yan. Kaya mo yan." Sabi ko sa sarili ko.
"Hindi mo ba ako haharapin?"
Nahina niyang tanong. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Ngumiti ako, nakatingin lang siya sa akin at nakapamulsa. Ngumiti rin siya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya, tiningnan niya ang treehouse, at tumingin sa akin. Unti unti siyang humakbang papalapit sa akin. Noong nasa harao ko na siya ay napatitig lang ako sa kanya. Sa loob ng halos isang taon, ngayon lang ulit na nakaharap ko siya ng ganito ka lapit.
"Nagpatulong ako kay Sam para makausap ka ulit." Tipid niyang ngiti. "Alam ko na sinabi na nila ang sitwasyon ko sayo. 2 days ago ko lang rin nalaman."
Napatango ako, pareho lang pala kaming walang kaalam alam.
"Alam ko na, this may sound wierd for you. But can we start again?"
Napatunganga ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko na, matagal na tayong magkakilala, matagal ka nang partr ng buhay ko, pero kasi, sa sitwasyon ko nakalimutan ka na ng isip ko. Gusto ko sanang makilala ka ulit, at kung maaari maalala lahat ng tungkol sayo."
Napangiti ako. "Oo naman, tutulungan kitang maalala ako. Kahit matagal. Kung hindi man bumalik ang alaala mo noon tungkol sa akin, pwedi naman siguro tayong gumawa ng bagond memories diba?"
Napatango siya. "Friends?"
Inilahad niya ang kamay niya. Inabot ko naman ito. "Friends."
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...