FRANCES
Hindi ko alam kung anong nangyari. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko. Doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako. Naramdaman ko na may nakahawak sa aking kamay, unti-unti ko itong tiningnan at nakita ko si Kobe na nakayuko sa tabi ng kama. Dahan-dahan ko itong ginalaw, at napaangat siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya akong gising.
"Bab?! Thank God you're awake! Tita gising na po si Fran!"
Agad na lumapit sila Mommy sa amin at niyakap niya ako. I saw tears in their eyes and gladness. I looked at Kobe and I saw how red his eyes was, alam ko na umiyak siya. Napabuntong hininga ako. I smiled at my parents, after a while pumasok na ang doctor to check on me. All this time nakatingin lang si Kobe sa akin. I know I have so much to explain.
Natapos na ang pagcheck sa akin nang mga nurses at normal naman lahat. Umuwi na rin sina Mommy kasi kailangan nilang magpahinga. Naiwan naman silang apat sa kuarto. Nagpaalam pa sila na dito sila matutulog, na mabuti nalang pinayagan ng doctor dahil nakaprivate room naman kami at malaki naman ang room.
Ilang minuto na rin ang nakalipas mula ng nakaalis sila mommy, nakaupo lang si Kobe sa tabi ng kama ko habang pinaglalaruan ang kamay namin, habang ang tatlo ay nagmomovie marathon. Kanina pa rin siya tahimik, I held his hand, and he looked at me.
"I'm sorry bab."
Yan lang ang nasabi ko sa kanya, ngumiti siya at nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mata niya. I reached out to him and wipe his tears.
"Hindi bagay sayo ang umiyak. Alam mo yan diba?" Ngumiti ako sa kanya. He held my hand tighter, kasabay ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
"Hindi ko mapigilan Bab. Ang sakit malaman na all this time may pinagdadaanan ka pala na hindi ko man lang nahalata. I was so full with my emotions that I am unable to see your struggle. Kanina nang makita kitang nakahiga sa sahig, hindi ko alam ang gagwin ko, habang papunta dito, maraming tumatakbo sa utak ko, pero mas nanaig ang takot. Takot kasi, hindi ko alam kung anong nangyayari." He paused for a while and tried to smile.
"I asked Darius kung ano ang nangyayari sayo, and he told me that you have leukemia. Parang tumigil ang mundo ko Bab, nanghina ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit na wala akong ibang nagawa kundi ang iiyak nalang, praying that you will wake up. Ilang beses kong hiniling na sana panaginip lang ang lahat o kaya joke time lang ang sinabi ni Dar, pero habang nakatingin ako sayo at sa mga pasa sa katawan mo unti-unting nawawala ang pag-asa ko na panaginip lang ang lahat."
"Nasabi na rin ni Darius na ayaw mong ipaalam sa akin ang tungkol sa sakit mo."
Hindi ko napigilan ang mga luha ko habang nakatingin ako sa kanya. I saw pain in his eyes. I gather all my strength to talk. I took a deep breath.
"Maiintindihan ko kung magagalit ka ulit sa pagtatago ko sa sakit ko. Balak ko na talagang sabihin sayo, pero hindi ako makahanap ng tamang tyempo. Ang saya na kasi natin eh, ayokong sirain yun bab. Nitong mga nag-daang araw, lalo na noong nagkaayos tayo doon ko nakita ang Kobe na matagal ko nang hinahanap, at ayokong mapalitan na naman ng lungkot ang mga ngiti mo."
"Gusto kong magalit sayo Bab, gusto kong sumigaw ngayon pero alam ko na hindi makakatulong yun. Pero mas galit ako sa sarili ko. Dapat napansin ko yun eh, dapat nakita ko ang senyales na hindi ka okay. Ang malala pa inuna ko ang galit ko, inuna ko ang nararamdaman ko, ang galit ko. Ako ang dapat magsorry bab."
"Shhh, Bab wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan na may sakit ako. Hindi mo naman ginusto to eh, at walang may gusto nito."
Niyakap niya ako at patuloy na umiyak. Hinayaan ko lang muna siya. Makalipas ang ilang sandali ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti siya at pinahid ang luha ko, pinahid ko rin ang luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...