KOBE
Andito na kami ngayon sa mall. Ginutom na naman ang dalawang babae kaya kumain na muna kami sa fastfood. Kami na ni Sam ang umorder para sa kanilang dalawa.
"Kumusta naman Kob?"
Tanong niya sa akin, habang nasa pila kami.
"Okay naman bro?" Hindi ko alam kong tama ba pagkakaintindi ko sa tanong niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo na nagiging malapit ka ulit kay Frey?" Nakangiti siya habang tintanong niya yan.
Napangiti naman ako. Sasagutin ko na sana siya, pero ako na ang magoorder kaya pinagpaliban ko na lang.
Matapos naming mag.order ay pumunta na kami sa table namin. Masaya namang naguusap ang magpinsan. Napatigil naman ako sa paglalakad, para bang nagslow mo ang lahat habang nakatingin ako sa kanya. Tumatak sa akin ang mga ngiti niya. Katulad ng ngiti niya sa hospital. Hindi, mas maganda ang ngiti niya ngayon.
"Bro, baka matunaw."
Napatingin naman ako kay Sam na kasunod ko lang. Nakangiti na naman siya.
"Ha? Anong pinagsasasabi mo dyan?" Maang.maangan ko.
"Yung ice cream baka matunaw, kanina ka pa kasi nakatitig kay Frey eh."
Tumawa siya at nauna na. Langya talaga nahuli pa ako. Napatingin naman sa gawi ko sila Frances kaya nagpatuloy na ako sa paglapit.
"Finally, andito na ang food."
Masayang sabi ng dalawa. Hay nako nagduet pa. Umupo na ako sa tabi niya at binigay sa kanya ang pagkain. Nagsimula na rin kaming kumain.
"Ba't namumula ang tenga mo?"
Tanong niya sa akin. Hindi ko na naisubo ang burger na hawak ko, muntik namang maibuga ni Sam ang iniinom niya.
"Okay ka lang?" Tanong ni Bella sa kanya. Napaubo siya bago sumagot.
"Oo naman. Okay lang ako." Pagkatapos ay tumingin siya sakin at nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Ah, wala lang to. Kain na tayo."
Nagkibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Pagkatapos naming kumain ay nag.aya na sila papuntang arcade.
"Kob, pataasan nga score?" Yaya sa akin ni Sam. Agad ko namang tinanggap. Alam ko naman ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. Nakita ko ang pag.aalala sa mata ni Frances. Ngumiti ako, nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.
"Okay lang ako, kaya to." Sabay kindat. Ngumiti nalang siya at tumango. Nagsimula na rin kaming dalawa sa paglalaro. Nasa kalagitnaan na kami ng laro ng narinig naming sumigaw si Bella at Frances na nakapagpalingun sa amin ni Sam. Hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko. Bakit andito si Darius?
FRANCES POV:
Nakaabang lang kami sa boys habang naglalaro, wala pa kasi kaming naisip nalaruin ni Bella. Natutuwa akong tinitingnan siya na nageenjoy.
"Masaya ka?" Tanong ni Bella sakin. Napatingin naman ako sa kanya. I smiled.
"Oo cous, masaya ako. Masayang masaya. Ang gaan sa pakiramdam na nakakalapit na ako sa kanya kahit kailan ko pa gusto. Katulad nang dati."
"Ngayon na rin namin ulit nakitang ganyan kasaya si Kobe eh. Minsan nga bugnutin yan pagniyayaya naming mag.arcade ni Sam. Ayaw nga niyang maglaro. Masaya din ako cous, parang dati lang."
Tumingin ako pabalik sa kanila. Masaya nga siya.
"Hi girls!"
Napatigil ako, kilala ko ang boses na 'yun. Kahit nakapikit ako alam ko yun. Napalingun kami ni Bella sa pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mata ko, andito na siya!
"DARIUUUUUUUSSSSSSS!!!"
Para kaming mga bata na binilhan ng candy ng magulang namin. It's been a while noong huli namin siyang nakita. Isang taon na rin ata. Lumapit kami sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong agad ni Bella pagkatapos naming kumawala sa yakap.
"Kakarating ko lang 2 days ago. Kayo lang ba?"
"Hindi, kasama namin si Sam at..."
Hindi na natapos ni Bella ang sasabihin ng may biglang tumikhim sa likod namin. Napalingun naman agad kaming tatlo. Ngumiti si Darius at tumingin sakin nang mapanukso. I just rolled my eyes.
"Uie Dar, musta ka na?" Tanong ni Sam sa kanya.
"Okay naman. Kararating lang din mula sa states. "
Napatingin naman ako kay Kobe na tahimik lang sa tabi ni Sam. Hindi ko maintindihan pero hindi maipinta ang mukha niya. Nagkibit balikat nalang ako.
"Kobe, kumusta ka na? Nabalitaan ko 'yung nangyari. Hindi na ako nakadalaw kasi I need to go, the same day you had the accident."
Tumingin lang si Kobe sa kanya at sa akin. I raised an eyebrow. Binalik niya ng tingin kay Darius.
"Okay naman, medyo nakakarecover na." He then smiled. Pero may mali talaga sa kanya.
"That's good to hear." Biglang tumunog ang cellphone ni Darius, sinagot niya ito at pagkatapos ay nagpaalam na sa amin.
"Grabe nakabalik na pala siya. Mabuti naman at pinayagan na siyang bumalik dito matapos yung nangyari."
Napatango ako sa sinabi ni Sam. Maraming pinagdaanan si Darius bago siya nakaalis. At isa ako sa naging saksi sa lahat ng iyon. Kailangan niyang umalis para tigilan na siya ng mga taong maghahabol sa pamilya nila dahil sa kasalanan ng kapatid niya.
Napatingin naman ulit ako kay Kobe, nakatutok pa rin siya kung saan pumunta si Darius.
"Hoy, okay ka lang?" Tapik ko sa balikat niya. Para naman siyang bumalik sa katinuan niya matapos ko siyang tapikin.
"Ah, oo okay lang ako." Pag.aalangang sagot niya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Tara laro ulit tayo." Yaya ni Sam sa kanya pero tumanggi na siya. Napagod na siguro to.
"KTV nalang kaya tayo?" Suggest naman ni Bella. Agad namang tumango ang dalawa. "Ano pa bang magagawa ko?" Sabi ko sa kanila.
"Wala." Sabay na sagot ng tatlo. Natawa nalang ako sa kanila.
Nakaharap na kami ng available na karaoke room, nag.agawan naman agad si Bella at Sam sa mic. Nakakatuwa talaga tong dalawang to. Minsan ang gulo, minsan naman nagkakasundo. Hindi na ako magtataka kung mainlove sila sa isa't isa.
Ilang kanta na ang biniritan ng dalawa kaya tawang tawa ako. Napalingun ako sa katabi ko. Kanina pa siya tahimik eh. Nakita ko siyang tulala.
"Kobe..." Pinitik ko ang daliri ko sa harap niya. Para naman siyang natauhan sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows
Teen FictionA story of love, hardship, friendship and partnership. Paano kaya ibabalik ng mga alaalang nakalimutan ng isip? Paano kaya maging parte ulit ng buhay ng isang taong nakalimutan ka na? Paano kaya maaalala ng puso ang mga alaalang pilit binura ng isip...