*Albert's POV
Habang tumatagal lalo kaming nagiging close ni Pen-pen. Araw-araw kaming magkasama at araw-araw din nya kong pinapangiti. Si Pen-pen yung isang kaibigan na masasabi mong solid. Dahil nga sa iba ang takbo ng utak ko minsan hindi ako naiintindihan ng iba kong kaklase. Inaaway nila ako pero si Pen-pen yung laging nandyan para ipagtanggol ako. Hindi naman nya sila inaaway, kinakausap lang nya silang lahat tapos magsosorry na sila saken. Sobrang bait kasi ni Pen-pen kaya lahat ng bata dito gusto sya.
Dahil nga iba ang takbo ng utak ko, kasi mas matalino ako di hamak sa ibang bata dito, alam kong minsan di ako naiinitindihan ni Pen-pen. Pero alam nyo ba ang loko, umaarteng naintindihan nya lahat ng sinabi ko. Alam nya kasing maiinis ako kapag nalaman kong hindi nya naiintindihan yung mga pinagsasabi ko. Minsan pag may sinabi ako tatango tango lang sya. Magkukunot noo pa minsan na parang naiintindihan nya yung sinasabi ko. Imbes na mainis ako eh natatawa na lang ako sa kanya. Lagi akong pinapatawa ni Pen-pen at masasabi kong isa na syang importanteng tao sa akin.
Natapos ang school year at nalaman kong magkaiba kami ng elementary school na papasukan ni Pen-pen. Nung una nagalit ako, pero dahil sa wala naman akong magagawa pinabayaan ko na lang. Ang ginawa ko na lang ay lagi kong binibisita si Pen-pen sa bahay nila. Naglalaro kami lagi.
Grade 5, sobrang close na kami ni Pen-pen. Lagi kaming nagkikita. Lumalabas na ngang ako ang service ni Pen-pen dahil araw-araw ko syang hatid sundo. Nung grade 5 din naconfirm ng family ni Pen-pen na gay sya. Hehehe... Ako parang dati ko pa naconfirm, pero tanggap ko naman si Pen-pen. Syempre, best friend ko yun noh? Sino pa bang iintindi sa kanya kundi ako lang, ako ang mas dapat higit na naiintindihan sya.
Nung grade 6 kami, may naramdaman akong sadyang nagpabago ng tingin ko, hindi lang kay Pen-pen kundi sa sarili ko din....
*Flashback*
Pinapanood ko yung mga videos namin ni Pen, ang pinakapaborito ko ay yung performance namin ng Itsy Bitsy Spider. Bakit? Kasi yun yung araw na nakilala ko ang best friend ko. Hahaha, natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung wala sa tonong pagkanta nya tsaka yung mali-mali nyang lyrics.
"Hoy, paepal ka Al-al ha! Bat mo pinapanood yan? Akin na nga yan!"
Naku patay nakita ni Pen-pen. Aagawin nya na naman tong cellphone ko para burahin yung video namen. Eh meron naman ako netu sa laptop sa bahay... =)
"Akin na sabi eh, epal ka! Ilang beses ko ng binura to ha!" - sya
"Eh marami pa kong kopya netu eh" - ako
At yun nga, sinubukan nyang abutin yung cellphone ko. Nagpagulong gulong kami. Ahahahaha! Kinikiliti nya na ko pero dahil mas matangkad at mas mahaba ang braso ko sa kanya, di pa rin nya maabot yung cp ko. Pero bigla na lang humiwalay saken si Pen-pen. Tumalikod sya tas nakayukong naglakad palayo.
"Ahahahaha! Weak ka talaga. Di mo makuha saken tong cp noh?" - ako
Pero nagulat akong makita na mabilis na nagtaas baba yung balikat nya. Umiiyak sya! UMIIYAK SI PEN-PEN!
Di ako mapakaling lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat nya. "Phen, sorry na! Joke lang naman yun eh". Sinabi ko yan sa pinakasincere na paraan. Pero nagulat ako ng bigla syang humarap at....
"I GOT IT!" - sya
Tumingkayad ang loko at naagaw nya saken ang cellphone. Di ko na kasi nagawang maitaas ng todo dahil sa pagkabigla. Pero dahil nga sa bigla nyang pagtingkayad. Naout of balance sya at nadaganan nya ko.
Napapikit ako at naramdaman na bumagsak yung likod ko sa sahig. Pero mas nabigla ako ng maramdaman na may nakadikit sa labi ko...
DUG DUG!!! DUG DUG!!!
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (boy x boy)
SonstigesA family in any form is still a family. You get attached to it. You will love everyone who belongs to that family. What if it is just temporary? Are you even ready to let things go, especially when you already treat that family as your life.... This...