*Phen's POV
Lumipas ang mga araw at okay naman ang naging set-up namin kay Ashton. Pumupunta ako kela Kervin minsan natutulog ako sa kwarto nya. Ops! Wag kayong feeling, si Ashton ang katabi kong matulog. Si Kervin, dun sa sala nila natutulog. Bata pa ko noh! Di pa ko pwede sa ganun. Ahahahahaha!
Pero alam nyo ba. May isheshare ako sa inyong secret. O.C. ang loko. Malinis ang kwarto, at mabango ang mga gamit. Mabantot nga lang ang ugali. Haist! Sayang talaga.
Medyo okay na rin kami ni Kervin. Di na sya masyadong masungit saken. Actually nakakaduda nga eh. Pero di ko na lang masyadong pinapansin. Si Albert naman ayun, nasungit pa din. Pero di na sya nangiinsulto kagaya dati. Nagsawa na siguro. Tsaka napapansin ko dun kay Albert, parang bumabait ha. Maaasahan sya pagdating kay Ashton. Eh wala namang pwedeng pagkatiwalaan dito.
Yung kambal? Ayun kung anu-anong ginagawa ni Brittani sa kakambal nya. Kawawa naman yun si Natalie. Minsan nga....
*Flashback*
"Kuya Puti, maganda ba?"
Paglingon ko, nakita ko na may tatlong star na nakahilera sa gilid ng mata ni Natalie. Paliit ng paliit. Maganda naman sya actually, pero kasi pang 90's pa yung style na ganun.
"Okay naman sya, kaso laos na yang ganyang style Natie eh. Hmmm, tsaka mas maganda ka sa plain and natural make-up masyadong makapal yung make-up mo." - ako
"Talaga kuya puti? Sabi kasi ni Brittani uso daw to eh. Tsaka maganda daw tignan. So tanggalin ko na lang nga. Sya pa naman naglagay nito" - Natalie
Iniwan ko muna si Natie sa sala para silipin si Ashton na natutulog sa kwarto ni Kervin. Pagsilip ko, nakita kong nakadantay pa si Ashton kay Kervin. Ang cute nilang tignan. Hehehe. Si Ashton, ang inosente ng itsura nya. Yung mukha nya yung tipong ayaw mong saktan tas gusto mo lang alagaan. Si Kervin naman, pogi talaga sya. Pero mas pogi sya sa mga panahong hindi nakakunot yung noo nya. Nakakainlo.... Este, nakakatuwa naman sya.
Bumalik na ulit ako sa sala para ituloy yung pinapanood ko. Pero laking gulat ko ng may marinig ako.
"Hu hu hu hu! Hu hu hu hu!"
Ano yun? O.O
"Hu hu hu! Huwaaaaah! Hu hu hu!"
May umiiyak, may nagmumulto ata dito. Naku mama, ayoko sa multo. Bagong tayo tong condo nila ha? Bakit may nagmumulto? Siguro may pinatay yung developer netong building na to tas hinalo yung dugo sa semento. Diba uso daw yun, para tumibay yung gusaling itatayo. Naku, baka eto na sya.
Lumapit ako sa CR na malapit sa kusina. Mukhang dun galing yung ingay. Nakita kong nakabukas yung pinto. Laking gulat ko ng may makita akong babae na nakahiga sa sahig. Mahaba ang buhok nya at basa ang ilang parte ng damit nya. Tas gumapang sya papalapit sa akin...
"UWAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"
Nagulat ako ng iangat ng multo ang mukha nya. Kamukha nya si Natalie! Gosh! Yung multo, doppleganger, kamukha nya si Natie. Hinawakan nya ko sa paa kaya napasigaw na naman ako.
"WAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"
Walang anu-ano'y tumakbo ako palabas ng CR pabalik sa sala. Pero nahinto ako ng sumeplak ang mukha ko sa isang matigas na bagay.
"Ouch!"
Napapikit ako sa pagkakatama ng mukha ko. Ang sakit ha? Pag dilat ko, may nakita akong ikinabigla ko. WOW! May abs sa harapan ko! Binilang ko sya, tinatapik tapik ko pa.
"1
2
hihi...
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (boy x boy)
De TodoA family in any form is still a family. You get attached to it. You will love everyone who belongs to that family. What if it is just temporary? Are you even ready to let things go, especially when you already treat that family as your life.... This...