*Phen's POV
Woah! Andaming nangyari kahapon. Dalawang lalaki ang umamin ng pagkagusto nila saken. Pakiramdam ko tuloy ako si Rapunzel. Hahahaha. Pero pwera biro, sobrang flattered talaga ako. Papasok na naman ako ng school at makikita ko na naman yung dalawa. Ano na naman kaya ang mangyayari dun? Malamang sa eksena namen ni Kervin sa school kahapon at sa involvement ni Herald dun ay isa na naman kaming malaking hot topic ng buong campus.
Pagbaba ko sa kwarto ko, nakangisi lang naman ang nanay kong bruha.
"Anak! Kamusta naman ang maganda kong anak na pinagaagawan ng mga lalaki."
Ayan na nga po ang sinasabi ko. Sinimulan na naman ako ng nanay kong to. Wala na namang katapusang pangaasar to.... "Ma, pwede ba? Ano bang sinasabi mong pinagaagawan ng mga lalaki? Si Kervin lang naman ang nagpaalam sayo. Di pa nga naten sure kung seryoso yun o pinagtitripan lang ako. Maka mga lalaki ka naman dyan!"
"Anak kong maganda, don't me! Alam kong nagtapat sayo si Albert kagabi. Narinig ko kaya."
Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Chismosa talaga tong bruhildang to. Totoo nga ang kasabihan, "May tenga ang bruhita at may pakpak ang balita". Hay naku....
"Anong pinagsasabi mo dyan ma? Di naman nagtapat saken si Albert. Tulog na rin ako kagabi kaya pano mangyayari yun?"
Buti na lang may alibi na ko. Siguro naman di na magtatanong tong si mama....
"Hoy anak kong maganda! Nanay mo ko. Alam ko kung kelan ka tunay na tulog at nagtutulugtulugan. Ano bang akala mo? Ako kaya ang nagpalaki sayo. Tsaka diba naghalikan pa nga kayo. Bata ka pa anak kaya dapat talaga magagalit ako sa nakita ko, pero....."
"MAAAAAAA! Pwede ba? Oo na! Gising ako nung umamin sya. Di naman kami naghalikan. Aksidente lang na napaharap ako nung maggoogoodnight kiss sya saken sa pisngi. Napakamalisyosa mo."
"Anak kong maganda wala naman saken kung sino ang piliin mo dun sa dalawa. Gwapo naman sila pareho kaya wala tayong talo. Ang akin lang, sana kung di mo pipiliin yung isa, wag mo ng paasahin. Nakita ko kung paano ka magalala at makitungo kay Albert. Ganun ka sa mga kaibigan mo. Pero yung nagiging reaksyon mo sa mga ginagawa ni Kervin. Ngayon ko lang nakita yan. Alam ko di ka pa naiinlove. Tama ba ang hinala kong nagugustuhan mo na sya?"
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (boy x boy)
AcakA family in any form is still a family. You get attached to it. You will love everyone who belongs to that family. What if it is just temporary? Are you even ready to let things go, especially when you already treat that family as your life.... This...