*Phen's POV
Alam mo yung feeling na parang jinajack hammer yung puso mo? Ganun yung nafeefeel ko eh. Grabe ang lakas ng tibok nya. Napayakap na lang ako kay Kervin ng hindi ko namamalayan.
Uwi na tayo baby please. Di ko na uulitin yun. - sya
Di ko alam kung bakit pero parang tinutunaw ako sa mga sinasabi nya. Nanlalambot ako at parang di ako makawala sa mga yakap nya. Napabalikwas lang ako ng marinig ko ang isang boses sa likod ko.
Ahem!
Nabitawan ko agad si Kervin at napatingin sa mama ko. Tama kayo, si mama yung nasa likod ko. Nakakahiya naman. Alam kong pulang pula na ko. Maya-maya, lumabas sa kusina si Ashton at sumigaw ng makita si Kervin na nakatayo sa likuran ko.
DADDY!!!!
Mas lalo akong binigyan ng nagtatakang tingin ni mama. Yung with matching taas kilay pa. Naku naman. Lupa, please lamunin mo na ko. Langit, kidlatan mo ko para maabo na ko.
Ikaw pala ang asawa ng anak ko? - mama
Sabi na eh, magsisimula ng mangintriga yang nanay ko. Naku naman talaga. May lubid ba kami dito, magbibigti na ko. Napatingin ako sa taong pababa ng hagdan at nakita ko si Albert. Mukhang badtrip at wala na namang gana ang loko. Ano to change mood agad? Kanina okay na okay pa sya ha. Bati na nga kami tapos nakabusangot na naman sya.
Yes tita, im the husband, and that kid right there, is our son. - Kervs
Booooooooooommmmmmmmm!!!!!!!
At yun mga kaibigan ay ang pagputok ng aorta ko. Lels! Di joke lang. Sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko. Pwede ba Kervin tumigil ka na.
Ay naku anak, wag ng tita. Since mag-asawa naman na pala kayo, mama na lang ang itawag mo saken. - mama
Aba ang nanay ko, ambitious frog? Di man lang ako tinanong kung totoo ba yung sinasabi ng lalaking yan at nag-alok agad na maging nanay nyang si tukmol.
Sure mama.... =)
- KervinPinakita na naman ni Kervin yung ngiti nyang malaanghel. Yung ngiting unang nagpatibok ng puso ko. Ngayo'y pinapatibok ulit ito, pero mas mabilis, mas malakas ang daungdong.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos nga ang eksena kanina na laking pasalamat ko na natapos na, bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso ko at nakapagsimula na rin kaming kumain. Si Kervin parang tingin ng tingin sa akin. Nakakailang lang at di ako makakain ng maayos. Si Albert para namang matatalim na tingin ang ibinibigay nya kay Kervin. Parang gusto nyang saksakin o baka guni-guni ko lang to. Bugnutin naman kasi talaga yang si Al-al. At ang dakila kong nanay? Eto titig na titig sa aming tatlo, tapos ngingiti. Naku, nababaliw na ata ang mga tao dito. Kinakabahan na ko para sa kaligtasan ko.
Maya-maya tumayo ako para ligpitin ang pinagkainan namen. Bigla rin namang tumayo si Al-al at sinimulang ayusin yung ibang pinagkainan.
Naku, namiss ko to ha. Yung pagkatapos kong makikain sa inyo ay tutulong ako sa paglilinis ng lamesa. - Albert
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (boy x boy)
RandomA family in any form is still a family. You get attached to it. You will love everyone who belongs to that family. What if it is just temporary? Are you even ready to let things go, especially when you already treat that family as your life.... This...