Chapter 13: The Evil Plan 2.0

299 9 1
                                    

*Kervin's POV

Nagulat ako ng may sumigaw nung hinila ko si Stephen. Teka may isa pang fag? Naku naman tong course nila, umuulan ba ng bading dito? Pero itong baklang to hindi kagaya ni Stephen si Phen cute, disente, at mukhang matalino talaga. Eh eto, mukhang hito, mukhang ewan. Ah basta magkaiba sila ni Phen. I would pick Phen anytime if its between the two of them. Ay teka! Bakit ba ganto ang iniisip ko?

Dahil sa sigaw ng fag na yun napatingin samen ang lahat ng tao sa field. Kita ko sa pamumula ng tenga ni Chen na ayaw nya yung atensyon na nakukuha namen. Pumiglas sya sa kamay ko sabay lingon saken. Sobrang pula ng mukha ni Chen. Gusto ko matawa kasi ang cute nya pero pinigilan ko.

"Ah eh, Kervin pwede wait lang ha? Kausapin ko lang to.." - Phen

Tapos tumakbo na sya dun sa direksyon nung fag na mukhang hito at sa dalawang babaeng kasama nun. Hinila nya sila papunta sa ilalim ng isang puno sa field. Sumunod ako para makinig sa paguusapan nila.

"Herald, ano ka ba? Nakakainis ka naman eh. Wala namang ginagawa saken yung tao, bakit ka sumisigaw? Pinagtinginan tuloy kami." - Phen

"Eh kasi sis, akala ni akiz krokrompalin ka chi nung fafables na yon. Eh ti kahit betcha bay gulay ng luley mo si otoku super friend forever pa din ang peg ko." - baklang hito

Putcha ano daw? Nakakabadtrip makinig sa bading na to. Parang alien magsalita ang putek. Ang sarap bangasan para umayos yung dila eh. Krompalin? Betcha bay gulay? Ano ibig sabihin nun?

"Eh wala nga kasing ginagawa kasi yung tao. Anong pinaglalaban mo? Kung kailangan ko naman ng tulong feeling mo ba hindi ako sisigaw dun? Nasa field naman kami. Tsaka isa pa, kaya ko naman yung sarili ko." - Phen

"Oh sya, sorry na ti. Lerma mo namang chuvachoochoo ka lang ni atashi. Alam mo na. Sisters forevs!" - baklang hito

"Alam ko naman yun Herald. Salamat. Pero sana sa susunod magtanong ka muna ha? Nakakahiya kasi. Pinagtinginan kami ng mga tao sa field kanina." - Phen

Nakatalikod saken si Phen sa buong usapan nila kaya di nya alam na nakikinig ako. Napansin naman ako nung baklang hito. Maya-maya bigla ba namang ngumiti saken. Abay napakalandi nitong hitong to ha? Nakakadiri. Suntukin ko kaya to para wow.

"Eh teka sis. Maiba tayo." - Hito

Napatingin ako sa baklang hito sa sinabi nya kay Phen. Ano na namang paguusapan nila? Baka kabaklaan lang, aalis na nga muna ako.

Tumalikod na ko para lumayo pero napahinto ako sa sinabi nung hito....

"Kung hindi ka bubugbugin ni Blakely. Bakit ka nya kinakaladkad? Anong kailangan nya sayo? Tsaka mag-ano kayo? Close ba kayo?" - Hito

Napalingon ako ulit kela hito at dahan dahang ilinapit ang ulo ko para malinaw kong marinig ang magiging sagot ni Phen. Nakita kong tumingin saken yung hito at yung dalawang babae na buhay pala. Kanina pa kasi di gumagalaw at umiimik. Ngumiti sila saken na sya namang ipinagtaka ko. Bakit ako ngingitian ni hito at ang tropang bato? Jusko napaka creepy. Lalo na si hito, alam mo talagang walang gagawin at sasabihing matino. Baklang may bigote, kala nya cute....

"Di ko alam kung anong kailangan nya saken. Tsaka mag-ano kami.... Ano.. Ay teka, ano nga ba kami? Di naman kami friends. Lalong hindi close friends... Hmmmm." - Phen

Napaisip si Phen kung ano kami. Tsk! Syempre mag-asawa kami. May anak nga kami diba?

Ay teka! Bakit ba ganun iniisip ko? Haha! Pero kinilig ako dun sa naisip ko. WAIT, teka nga! Jusko Kervin, nababading ka na kakadikit mo kay Phen. Kilabutan ka nga sa iniisip mo.

"Nako sis ha, baka naman boyfriend mo yun? Eh kalat kaya sa buong school na break na sila nung gf nya. Ikaw ba ipinalit nya?" - hito

Napatingin ako sa batok ni Phen at hinihintay kung ano ang isasagot nya. Napansin ko na bigla na lang namula yung batok nya. Bakit kaya?

Nang hindi sumagot si Phen sa tanong ni hito, nagdecide na ko na umepal dahil kailangan na naming umuwi. Naghihintay na kasi si unano sa day care. Baka umiiyak na yun dun.

"Ahm, excuse me. Pwede ko na bang makuha si Stephen. Aalis pa kasi kami eh. May pupuntahan pa tayo diba?"

Mukhang kinikilig yung hito sa inasta ko ha. TEKA! Bakit nga pala hindi ko to naisip kanina pa? Naku naman Kervin ang hina mo talaga eh...

"So okay na ba? Pwede ko na bang isama yung asawa ko? Pupuntahan pa namin yung anak namen eh." - ako

Mabilis pa sa alas kwatro na napatingin saken si Stephen. Kitang kita ko sa paglaki ng mga mata nyang singkit at sa pamumula ng mukha nyang maputi na effective yung sinabi ko.

"ANO DAW?" - hito

"Asawa daw nya si Stephen" - estatwa girl #1

"Oo nga... Tsaka may anak daw sila!" - estatwa girl #2

Tumingin ulit si Phen sa mga kaibigan nya para ata pasinungalingan yung nga sinabi ko. Di pwede to... Kaya di na ko nag-isip, ginawa ko na lang ang bagay na tingin ko ay makapagpapatahimik kay Chen....

"OH MY GOSH!" - Hito and Friends

At naramdaman ko din na marami na ring matang nakatingin samen. Pero ang importante, tumahimik na si Chen. Sa pamamagitan ng paglapat ng labi ko,






sa labi nya...


Napadilat ako na nakadikit pa rin ang labi ko sa labi ni Phen. Mukhang nabigla sya dahil nung bumitiw ako eh di pa rin sya makapagsalita. Bago pa mabalik sa ulirat nya si Chen ay hinila ko na sya....

"SILA NGA!" - hito na ipinagkalat na sa buong madlang people na mag-asawa kami ni Chen. Pero okay lang naman, at least makakatulong sya sa plano ko.

Napatingin ako kay Chen pero di pa rin sya nagsasalita. Mamaya, bumitaw sya sa pagkakahawak saken tapos ginawa nya ang isang bagay na mas ikinabigla ko.....



SINAMPAL NYA KO!

-----------------------------------------------------------------

* Pasensya na sa mga nagtiyatiyagang maghintay ng updates ko.

LIKE AND VOTE!
May suggestions ba kayo guys? Or sweet ideas.

Always Be My Baby (boy x boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon