Chapter 20: Mine

38 3 0
                                    

*Phen's POV

"Albert, ano kasi eh. Pwede bang........

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

give me time?"

Yun lang ang nasabi ko kay Albert. Eh pano naman, nagulat kasi ako sa tanong nya. Nung napatingin ako sa mga mata ni Albert, nakita kong parang may lungkot sa mga ito. Pero biglang nagbago ang expression nya ng mapansin nyang nakatingin ako sa mga mata nya. Bigla syang ngumiti at nagsalita, "Ok lang saken, matagal na kitang hinihintay, ano ba yung paghihintay pa ng konti". Nagturbo mode yung heart beat ko dahil sa sinabi ni Albert. Sobrang bilis na para akong nawala sa isip ko. Muntik pa kong matumba kasi napaatras ako. Pero bigla akong nasalo ni Albert.

"Ok ka lang? Stephen, buti nasalo kita. Nahulog ka na ba saken? Di bale, kagaya ngayon, lagi akong handang saluin ka"

Stephen Chen
Died at age 18
Cause of death is heart attack

Ano bang nangyayari kay Albert? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Tumayo ako at medyo lumayo ng konti kay Albert. Jusko naman, kailangan ko icompose yung sarili ko. Di ko alam kung papano ko ihahandle yung sitwasyon ko. In fairness ganda ko ha... Pero kasi, parang ang bilis. Si Albert, maiintindihan ko pa kasi matagal na kaming magkakilala, pero si Kervin, saglit pa lang pero umamin na sya saken ng feelings. We didn't even start on the right foot. Tinignan ko yung lalaking nasa harapan ko ngayon at hindi ko alam kung ano yung gusto kong sabihin sa kanya. Nung una, akala ko sigurado na ako sa kung sino talaga ang gusto ng puso ko. Pero ngayon, mukhang kahit sya nalilito na. Sa mga ginagawa ni Albert ngayon, napapabilis nya na rin ang tibok ng puso ko.

Nung kumalma na yung nagwawala kong puso, hinila ko si Albert palabas ng classroom namin. Bahala na ngang magcutting sa subject ko. Makausap ko lang ng masinsinan tong taong to. Hinila ko si Albert papunta sa garden fountain sa school. Kailangan namin ng privacy. On our way there, di mo talaga maiiwasan marinig ang mga sinasabi ng mga chismosang inggitera.

Diba kanina hinarana din yan ni Blakely?

Iba-iba lalaki? Dami siguro pera nyan!

Pre, iba din to ha, baka magaling yan!

Pagkatapos ni Kervin si Albert naman, baka masarap umano yan!

Aaminin ko nasasaktan ako sa mga sinasabi nila. Gusto kong maiyak ngayon. Ang sakit ng mapagbintangan at mahusgahan ka ng mga bagay-bagay na wala ka naming ginawa. Na hindi mo naman intensyon na ganun yung maging dating sa kanila. Nasa gitna ako ng pag-iisip ng malalim ng bigla na lang akong mapahinto kasi huminto yung hinihila ko.

Napatingin ako kay Albert, at natakot ako kasi nakita ko yung Albert na may galit na aura. Alam ko na galit si Albert kasi namumula sya hanggang tenga kapag sobrang galit nya. Naaalala ko pa dati nung Grade 4 kami, may isang batang lalaki ang tumulak saken. Tapos sa sobrang galit ni Albert ay sinugod nya yung bata at kinagat nya to sa tenga. Dumugo yung tenga ng batang yun. Sabi ng mommy ni Albert, minsan lang daw sya magalit. Pero kapag nagalit naman sya ay sobrang nakakatakot.

Sinubukan ni Albert magpumiglas sa hawak ko. Alam ko na ang gagawin nito, susugurin nya yung mga nagsabi ng kung ano-ano sakin. Malamang narinig din nya yung mga sinabi nila. Sa takot ko sa kung anong pwedeng magawa sa kanila ni Albert, hinawakan ko sya ng mahigpit. Napahinto si Albert at tumingin saken ng masama. Nakakatakot yung aura nya. Ramdam na ramdam ko talaga na galit na galit sya. Nararamdaman ko na pinupwersa nyang matanggal yung kamay ko sa braso nya. Tapos hinawakan nya na yung kamay ko gamit yung isa pa nyang kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Be My Baby (boy x boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon