Chapter 19: Lucky

84 4 1
                                    

*Phen's POV

Natapos ang kanta ni Kervin ng magkalapit ang mukha namin. Napahiwalay lang ako ng marinig ko yung mga kaklase ko na nangantyaw...

"Ano bang ginagawa mo? Bakit nandito ka sa building namin?"

Tanong ko kay Kervin... Pero nagulat na lang ako sa ginawa ng loko. Hinalikan nya lang ako sa pisngi. Sabay takbo sa labas ng classroom namen. Dumbfounded ako sa ginawa nya. Di na naman ako makagalaw at syempre, sobrang pula ng buong mukha ko. Para akong naligaw sa kawalan pero nabalik ako sa ulirat ng sumigaw si Kervin sa labas ng classroom namen. Di pa pala nakaalis ang loko, tinitignan pala ako mula sa labas.

"GINAWA KO YUN KASI MAHAL KITA!!!! YOU ARE MADE FOR ME!"

At ayun, huminto ang planet Earth. Nakita ko na lang na biglang bumuka ang lupa at kinain ako. Wala na, as in wala. Totoo pala talaga, na once na mainlove ka, hihinto ang mundo mo. Inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko na si Kervin. Mahal ko na ang lalaking yun...

================================================================================

Anonymous Person's POV

Kervin, ano tong nakikita ko? Alam ko sa puso ko, mahal mo pa rin ako. Diba sabi ko naman babalik ako? Naghanap ka lang ba ng pampalipas oras habang wala ako, o talagang mahal mo na ang taong yan?

================================================================================

Phen's POV

Matapos ang eksena namin ni Kervin sa college building namen. Syempre pinagalitan ako ng English prof ko. Late lang pala sya, akala ko pa naman kasabwat sya dun. Pinaexplain nya saken yung isang poetry, pero sa sobrang lutang ko kanina sa ginawa ni Kervin, ayun nganga! Ni hindi ko nga alam ang title nung poetry na diniscuss namen. Ang sabi ko lang sa prof ko kanina, "HUH?". Syempre ang lola nyo napagalitan ng bonggang bongga. Kasalanan to ni Kervin ee. Ayoko na nga mainlove dun, di pala maganda sa academic life ko.

Natapos ang dalawa pang subjects ko at breaktime na namen. Palabas na ko ng room nang magring ang cp ko... Si Baby Ashton =)

"Hi baby, i miss you..."

"Miss you too mommy. When are you going to pick me up?"

"I'll pick you up later baby. Magpunta tayo sa mall after?"

"Sure po, pero can we have daddy join us?"

Napatigil ako sa tanong ni Ashton. Kaya ko bang makasama si Kervin matapos ng nangyari kanina? Baka bigla na lang akong mahimatay at magkumbulsyon dun? Haha 😂😂😂... Natatawa ako sa mga naiisip ko. Siguro nga walang masama na itext ko sya. Request naman ni Ashton ee. Ibinaba ko na ang tawag ni Ashton at tinext si Kervin.

*Sent*

Nakakakaba... Ano kayang magiging sagot nya?

*Sure, see you later baby*

Ang sarap pala maging sanggol noh? Hahahaha. Ewan, kinikilig talaga ako. Pero eenjoyin ko na lang tong feeling na to. Tutal, mukang di ko na rin naman mapipigilan. Sana lang talaga totoo lahat ng sinasabi ni Kervin, dahil di ko alam ang mararamdaman ko kung sakaling umasa ako sa wala.

==========================================================

Pagbalik ko ng classroom, tahimik na naman. Wala na namang tao. Jusko! Gantong ganto din kanina ng biglang lumabas si Kervin kanina. May part 2 kaya yung harana nya kanina? Jusko!!! Sobrang feelingera ko na.... As if naman uulit na naman yun.

Maya-maya, biglang may tumugtog na isang pamilyar na beat.... Parang LUCKY ni Jason Mraz at Colbie Calliat.

Bigla na lang namatay yung ilaw at bumukas yung projector na nakainstall sa kisame ng room namen.

I barely remember when it started...
And I know you have no idea that such feelings are growing....

Sabi na ee... May part 2 yung paandar ni Kervin. Mapapagalitan na naman ako netu ee....

It's been long time hiding...
But finally, I am ready to make you know what's inside my heart 💜

Nice.... Mukhang nag Google pa ang loko dahil nakaEnglish mode. It's been a long time hiding? Hahaha. Long time ba ang few months na magkasama kami? Sabagay matagal tagal na rin..

Bigla na lang namatay yung ilaw. Tapos may picture ng dalawang bata. Teka!!!! Kilala ko yang mga batang yan ha?

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para banggitin ang pangalan nung mga bata sa video ng biglang pumasok si Albert sa classroom namen. Alam ko kung ano ang balak nyang gawin. Pero hindi ko pa rin talaga lubos maisip kung pano at bakit ako ang nagustuhan nya.

Pumasok sa classroom si Al-al ng nakangiti. Yung ngiti nya na gustong gusto ko. Yung ngiti nya na kahit anong gawin ko di ko kayang matiis. Lumapit sya, natulala lang ako. Di ko maitatanggi, mahalaga talaga saken si Albert. Masaya ako kapag nasa tabi ko sya at alam kong ligtas ako kapag andyan sya. Kahit nagkaroon kami ng problema nuon, naiintindihan ko na ngayon kung bakit yun nangyari.

"Hi Pen-pen.."

Nawala lang ako sa pagkatulala ng marinig ko yung boses ni Albert.

"Ikaw ba ang may gawa nito?"

Maangmaangan ko pang tanong kay Albert. As if naman di ko alam talaga na sya ang gumawa nito.

"Oo, nagustuhan mo ba?"

Nakayuko si Albert. Mukhang nahihiya ang loko. Akalain mo, na ang taong malakas ang kumpyansa sa sarili ay nahihiya sa akin. Inabot nya yung dala nyang bouquet ng assorted flowers. May isang maliit na note na nakaipit sa sanga nung mga bulaklak. 

'I love you before, now, in the future, forever'

Aaminin ko, kinikilig ako ngayon pero bakit parang iba. Biglang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Bigla na lang pumasok si Kervin sa isip ko. Magkikita pa nga pala kami mamaya. Napatingin naman ako sa taong nasa harap ko. Kaya siguro may kirot, kasi alam ng puso kong masasaktan ko yung taong to kapag nagdesisyon na ko. Nginitian ako ni Albert at ikinagulat ko ang sumunod na tanong nya....

"Pen-pen, pwede ba kitang, ligawan?"

Bumilis ng tibok ng puso ko... Bakit bigla ring bumilis to. Akala ko sigurado ako kay Kervin. Jusko! Haliparot ata tong puso ko... Pwede ba magdesisyon ka??!!! Napapikit ako, di ko pa rin alam kung anong isasagot ko kay Albert...

"Albert, pwede..."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry for the long wait for this update. Hirap po talaga isabay sa work. Sabaw talaga ako madalas after duty.... May naiisip akong gawin for ABMB... I want to ask you guys the output of the next 1 or 2 chapters! everytime I will do a poll, the highest or most number of comments will happen on the upcoming chapters... So for this my poll question is....

"What do you want for the upcoming chappies"
a. A new character
b. Phen to allow Albert to court him
c. Kerphen to be an official couple

Hope to read your comments soon....
-jajaisreine

Always Be My Baby (boy x boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon