*Phen's POV
At yun nga, inuwi ko si Ashton sa bahay. Nung una nagtaka si Mama kung sino yung batang dala-dala ko. Sinabi ko sa kanya na matagal ko ng inampon si Ashton. Naikwento ko na rin ang nangyari kung paano ako nauwi sa pagaampon kay Ashton. Sabi ko kay mama dun ko lang pinatuloy sa bahay ng kaibigan si Ashton. Nagalit pa si Mama dahil dapat daw nung umpisa pa lang ay sa bahay ko na pinatira si Ashton. Malaki naman daw ang bahay at hindi na kailangan makitira sa iba. Matagal na daw nyang gusto kasi ulit magkaroon ng alagain.
Di ko na sinabi kay Mama yung naging set-up namin ni Kervin at Ashton dahil baka maissue pa ko. Alam nyo naman ang nanay ko may pagkafan girl ko yan. May maging malapit lang sakeng lalaki, nililink nya agad sa akin. Ever supportive talaga sa gender ko si Mama, pero ever O.A. din sya.
Mabilis naman silang nagkapalagayan ng loob ni Ashton. Grannie na nga ang tawag nya kay Mama.
*Tok tok tok....
May kumakatok sa pinto. Pinagbuksan ko agad para makitang si Albert pala yun. Nabigla ako kasi matagal na mula nung huling pumunta si Al-al dito sa bahay. Buti naalala pa nya yung papunta dito.
Anong ginagawa mo dito? - masungit kong tanong
Ah, wala lang. Gusto ko lang sana kamustahin si Ashton tsaka si tita. - sya
Haluh? =.=
Akala ko ba galit to saken? Tsaka ilang taon na simula ng huli syang pumunta dito. Bakit kaya naisipan nyang kamustahin si Mama?Anak, sino ba yan? Ba't di mo..... Oh! Albert anak ikaw ba yan? Aba napakagwapo mo na ha? Ang tagal nateng di nagkita ha? Halika tuloy ka. - sabi ni Mama.
Binigyan ko ng matatalim na tingin si Albert na ang ibig sabihin ay wag kang papasok kundi sasakalin kita. Napatingin saken si Albert at mukang naintindihan nya ang gusto kong sabihin. Pero ang loko, imbis na matakot ay mukang naisipan pang mang-inis. Tuloy-tuloy na pumasok sa bahay at nagmano kay mama
Lumabas si Ashton sa kwarto at napangiti ng makita si Albert.
TITO ALBERT!!!! - Ashton
Nakita kong may tingin ng pagtataka si Mama ng marinig na tinawag ni Ashton na tito si Albert. Syempre halata rin na nagtataka si Mama kung bakit magkakilala yung dalawa. Feeling ko kakausapin ako nitong nanay kong chismosa mamaya. Tumahimik lang sya sabay ngiti kay Albert.
Kumain ka na ba iho? - mama
Di pa nga po tita eh. Namimiss ko na nga po yung luto nyo. Lalo na yung adobo. - Albert mongoloid
Abay sakto pala ang dating mo iho dahil yun ang ulam namen para sa hapunan. Stephen tawagin mo na yung apo ko dun sa kwarto nyo at kakain na. Mukhang kanina pa gutom ang batang yun. Albert maupo ka dito anak. - mama
Tapos umupo si Albert mongoloid sa isang upuan at umayos na para makakain. Mukhang excited ang loko ha. Naghihirap na ba to kasi mukhang di pinapakain sa kanila. Sa bagay, mukhang laging processed foods at pagkain from fast food chains ang kinakain nila dun sa condo nila.
Umakyat na ko sa kwarto at nakita kong may pinaglalaruan si Ashton. Pagtingin ko, cellphone ko pala ang ginagalaw nya. Okay lang naman saken na paglaruan ni Ashton ang phone ko pero alam nyo ba ang batang to may katext pala. Oo tama kayo, marunong magtext ang batang to. Wala nga lang syang sariling phone. Gifted diba?
Pagtingin ko kung sino ang katext ng cute kong anak..... ANAK NG TETENG!!! Si Kervin pala.
Anak? What are you doing? - ako
Nothing mom. Just texting dad, is he not coming over to see grannie? It's almost dinner time. - Ashton
Daddy is not coming over baby. He's busy with some things. We will be staying here with grannie for a while. - ako
But according to his text, he's already on his way here. Sabi nya pa he will be picking us up na. - Ashton
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ashton. Katext pala nya ang loko. Siguro sinabi nya na andito kami sa bahay namen. Argh! Hindi pa ko handang makita ulit si Kervin. Kinuha ko kay Ashton yung cellphone ko at nabasa ko yung huling text ni Kervin kay Ashton.
....Im on my way baby. I'll pick up mommy and you later to bring you home okay. I love both of you.....
Dug Dug!!! Dug Dug!!!
Bumilis na naman yung tibok ng puso ko dahil sa nabasa kong text ni Kervin kay Ashton. He loves both of us??? Hay naku! Ano bang iniisip ko. Baka acting lang nya yan.
Tinawag ko na si Ashton para makababa na kami at makakain. Pero paglabas namen ng pintuan, andun si Albert. Nagtaka naman ako kung anong ginagawa nya sa harap ng pintuan ko.
Ashton, could you leave your mom and tito alone for a while. We'll just talk. - Albert
Okay tito. I'll join grannie now. - Ashton
Ulit binigyan ko ng nagtatakang tingin si Albert? Ano bang meron?
Pen-pen... - Albert
Nagulat ako ng tawagin ako ulit ni Albert sa paraan kung paano nya ko tawagin dati. Sya lang ang tumatawag saking Pen-pen. Napatingin ako sa mukha nya at may napansin ako sa mga mata. Parang may tingin ng pangungulila. Tingin ng isang taong sabik.
Ano yun Albert? - ako
Gusto ko lang sanang humingi ng sorry sayo. - Albert
Di ako nakapagsalita agad dahil nabigla ako sa paghingi nya ng sorry. Ilang segundo ng katahimikan hanggang sya na mismo ulit ang nagsalita.
Sorry kung marami akong nasabi sayo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nilayuan kita. Sorry kung biglang nawala yung pagiging magbestfriend naten. Ang totoo nyan may dahilan kung bakit ko ginawa lahat ng yun. Di ko kasi maiwasan eh. Di ko mapigilan. Nung una ayoko pang aminin sa sarili ko kasi ang alam ko hindi naman ako ganun. Lumayo ako para malaman kung kaya ko pero talo ee. Mas mahirap palang malayo sayo. Ilang beses akong gumawa ng bagay na alam kong ikakagalit mo kasi baka kapag nagalit ka saken magsawa rin ako dito sa pakiramdam na to. Pero iba ka talaga eh. Masyado na kong maraming sinasabi. Ang gusto ko lang naman sabihin ay gusto kita. Gusto kitang maging kaibigan ulit. Gusto kitang makasama ulit. Higit sa lahat gusto kita kasi ma......
TOK!!! TOK!!! TOK!!!
Naputol yung sasabihin ni Al-al kasi may kumatok ng malakas sa pintuan.
Anak! Buksan mo nga yung pinto! - sigaw ni mama
Naku Al-al, wait lang ha. Buksan ko lang yung pinto. Mukhang nagmamadali yung nasa kabilang parte ee. Wait. - ako
Pero bago ako bumaba, nilingon ko muna ulit si Al-al na parang naistatwa at namumula na parang hiyang-hiya sa ginawa nya. Alam ko na ang ibig nyang sabihin. Gusto nya kong maging bestfriend ulit. Kaya....
Halika na, baba na tayo. Kalimutan mo na lahat ng nangyari Al-al. Magkaibigan na ulit tayo. - ako
Sabay takbo papunta sa pinto. Kumakatok parin ng malakas yung nasa labas. Kaya pinagbuksan ko na agad sya ng pinto. Laking gulat ko ng makita ko si Kervin. Pawis na pawis sya at hinihingal pa. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung ginawa nya nung nakita nya ko.
Niyakap nya ko ng mahigpit. Sobrang higpit sabay sabing....
SORRY BABY, HINDI NA MAUULIT.... I PROMISE!!! PLEASE COME HOME, LET'S GO HOME.....
At nagwala na naman po ang mga construction worker sa puso ko.....
----------------------------------------------------------------------------------
Sorry kung late yung update. Sensya na. 2k reads na. Ang saya lang kahit di masyadong nauupdate. Thank you sa mga nagbabasa ng ABMB!!!!
JAJAisREINE
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (boy x boy)
De TodoA family in any form is still a family. You get attached to it. You will love everyone who belongs to that family. What if it is just temporary? Are you even ready to let things go, especially when you already treat that family as your life.... This...