"Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.""Eh kaya nga ayoko magmahal eh. Puro kayo ganyan, sakit dito sakit doon! Hindi ba pwedeng HAPPY lang?! Walang ending?"
Andito kami ngayon ng bestfriend ko sa coffee shop. Wala tambay tambay lang. Kwentuhan tungkol sa walang katapusang pagibig na yan! Hay. Ewan ko ba. Mga tao talaga oo. Alam nang masasaktan lang pero gora lang ng gora. Kaya ako ayoko ng mga ganyan ganyan eh. Nakakastress lang.
"Alam mo ang boring ng buhay mo." sabi niya sabay irap.
Hay nako. Napaka talaga neto. Kung 'di ko lang talaga to bestfriend baka nasampiga ko na to.
"Hoy! Excuse me. Hindi boring life ko no. Kesa naman sa buhay ng iba iba dyan. Puro pagsyosyota lang alam! Tapos iiyak iyak." sabi ko sakanya habang nakapamewang sabay simangot.
"Duhh. Ewan ko sayo! Ayaw lang kitang maging matandang dalaga no! May papakilala nalang ako sayo. Malay mo?" sabi niya with ngiti plus kindat!
Nakakaloka lang 'pag may ganito kang bestfriend.
"Para naman magka thrill yang takbo ng buhay mo. I'm just concerned you know! YOLO!" dagdag pa niya.
Ayun. Tinawanan ko nalang. Alam kong 'di nanaman matatapos yang kakaganyan niya hangga't sinasagot ko pa siya. Hahaha! Mas mabuti pang manahimik kesa paulit ulit kong marinig yung mga dada niya. Pero napaisip din naman ako,
Kelan nga kaya dadating sa buhay ko yung taong mamahlin ko? Syempre kahit naman palagi kong kinokontra yung bestfriend ko, ayoko namang tumandang dalaga no.
Kelan?
Sino?
Kung dumating man siya,
sana
sana may dala siyang pasalubong.
Ayy! Hahaha! Ano ba yan. Kung ano ano na naiisip ko. Ah basta! Ayoko muna isipin yun. Basta masaya ako sa buhay ko ngayon. Kahit walang lovelife.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionEverthing was completely unexpected. Subaybayan ang mga hindi inaakalang pangyayari sa hindi inaakalang pagkakataon. Enjoy reading guys!