Bangungot ng Depresyon - Life Poem

42 1 0
                                    

Umaga na ngunit tulala pa rin ako,
Sa sulok ng isang madilim na kwarto.
Tenga'y pinakikinggan ang katahimikan,
Dinadama ang namanhid kong katawan.

Puso'y pinipiga sa nagdaang buwan,
Para bang aapaw na dito ang ulan,
Ngunit bagyo'y hindi naman lumilitaw,
Kaya't inaantay na kusang dumaan.

Di alam kung kailan kusang bubuhos,
Ang saya ko'y unti-unting nauubos,
Katawang manhid ko'y para bang lulubog,
Mata'y tulala, para na akong tuod.

Nasa hawla ako ng madilim na isipan,
Sarili ko mismo ang ugat ng kalungkutan,
Di ko alam kung paano makakatakas,
Sa multong napakahirap na magpumiglas

---

To You who really knows me.

Ren PoetryWhere stories live. Discover now