Dumantal na ang dapit hapon,
Ang dunggot ng aking panahon,
Ang mga tao'y nagtitipon,
Ang Ina ko'y di makaahon.Ang tahana'y lubog sa lunos,
Puso ng lahat ay naupos,
Sa binibining nahihimlay,
Na ninais magpahingalay.Sa tingkala iring lumisan,
Ngunit pagal na ang katawan,
Kumakapit sa Agamahan,
Na sa alapaap gabayan.Dito ay pundi na ang ilaw,
Kaya't tutungo sa liwanag,
Walang karimlang matatanaw,
Kaya't di na mababagabag.***
Isa 'to sa pinakapaborito kong isinulat ko. Parang pwede na 'ko sa panahon nila Rizal.