Sa Tagpuan - Love Poem

44 1 0
                                    

May mga lugar na masarap balikan,
Ang iba'y parang multo kang sinusundan,
Di nakakalakad, pawang gumagalaw,
Kaya ang emosyon ay naguumapaw.

Lugar na puro luha't sakit ang hatid,
Pero ang damdamin mo'y 'di napapatid,
Mahal mo pa rin kahit di mo na batid,
Ang pag-ibig ng sinta mong sobrang manhid.

Mga salita mo'y walang kasing lupit,
Kaya't ang puso'y tila pinipilipit,
Sa lugar kung saan ito'y ginuhit,
Sa lugar kung saan ito'y pinunit.

Dati sa paningin ako'y bagong gamit,
Ngayon ako ay gusto mo nang iligpit,
Para akong damit na gula-gulanit,
Ngayon damdamin ko'y puno ng pait.

Dapit hapon, dito sa ating tagpuan,
Ang aking isip ay tangay ng kawalan,
Madilim na't kasama ko ang luntian,
Habang ang mga mata ko ay luhaan.

Apat na taon na pala ang nagdaan,
Kung saan ang ating kwento'y sinimulan,
Ngayon ay tanaw ka sa di kalayuan,
Kasama ang siyang dahilan ng pag-iwan.

***

Naku, di ko alam kung saan ko hinugot 'to. Kaloka ang hirap mag-feeling na nabroken-hearted ka na. Hahaha

Ren PoetryWhere stories live. Discover now