Modernong Maria Clara - Life Poem

92 2 0
                                    

Mahinhing Maria Clara, nasaan ka na?
Sumabay ka ba sa pag-usad ng teknolohiya?
Nagliliwaliw ka sa madilim na umaga,
Di man lang nag-abalang magdala ng lampara.

Paano ka pa mapagtatanto ni Ibarra?
Kung ang mukha mo ay nakabalot sa maskara?
Mas mayumi ka kapag simple't walang kolorete.
Kagiliw-giliw ang binibining walang arte.

Si Ibarra'y handang mag-igib sa poso,
Ngunit ibig mo'y mapusok na ginoo.
Ginoong naghahanap lang ng libangan,
Relasyon niyo ay walang patutunguhan.

Dati sa harana'y di agad nadadala,
Ngayo'y isang kindat ay marupok ka na.
Mahal mo na agad sa isang kisap-mata,
Sa maling pagtingin ay tila uhaw ka.

"Wala na po tayo sa panahon ni Victoria,
Inyo nang kalimutan ang mahaba kong saya,
Hindi na ako ang dating mahinhing dalaga,
Ako na ngayon si modernong Maria Clara. "

***

Isinulat ko para sa babaeng nilamon na ng nakaraan at ibinaon ng modernong panahon.

Ren PoetryWhere stories live. Discover now