Opisina - Life Poem

48 3 0
                                    

Abala't nagtitipa ng walang pakiaalam,
Wari bang mga ginagawa ko ay di alam.
Mata'y napipikit tulog ay di naman kulang.
Maraming papel sa tabi ay nakatiwangwang.

Pagpatak ng alas-singko ng hapon,
Ang papel ay ilalagay sa kahon,
Ang mga kompyuter ay papatayin,
Pagod na katawa'y patatayuin.

Lalabas na parang ako'y nakawala sa koral,
Parang batang sabik bumalik sa pag-aaral.
Dinadama ang hangin papunta sa sakayan,
Pakikinggan tunog ng dahong tinatapakan.

Inaalala na ulit ang kinabukasan,
Mga gawaing tila walang katapusan,
Iniisip, ito pa ba ay matatakasan?
Totoong pangarap ba, ay akin pang susundan?

***

Just so you know, this has nothing to do with my current, or former jobs. I love working and staying at office, because for me it is my identity. Though sometimes so much time in work makes me dreary.

I just got inspired to write this after reading many rants and comments about work on facebook.

Ren PoetryWhere stories live. Discover now