SHANELLE
Napatalon ako nang hawiin ni Diane ang notebook niya mula sa pagbibigay ko sa kanya hanggang sa natapon ito sa sahig ng pasilyo kung nasaan kami. Noong napatingin ako sa notebook niyang binagsak niya ay doon niya kinuha ang buhok ko nang malakas kaya napaungol ako sa sakit.
"Are you playing with me?" aniya sa isang mariin at mataray na boses habang sinasabunot ako. "Ang sabi ko, sagutan mo lahat. Bakit iniwan mo ang reflection part ng assignment?!"
"Ah! M-Masakit, Diane!" sabi ko na lang habang sinusubukang hawiin ang kamay niya mula sa pagsabunot sa akin.
"E ang stupid mo kasi! Bakit hindi mo sinagutan ang reflection?!"
Dahil masakit na ang sabunot niya at nahihilo na ako sa paghihila niya ay nanginginig ko siyang sinagot.
"Opinionated n-naman kasi, Diane! Madali lang naman ang mga tanong, k-kaya hindi ko na sinagutan," rason ko. "Marami rin kasi akong g-ginawang assignments kagabi- Ah!"
Parang may namuong bukol sa lalamunan ko, kaya hindi agad ako nakapagsalita sa sakit ng ginawa niya at sumigaw nang walang boses. Marahas niya akong tinulak sa pader ng tahimik na hallway at mas malakas pa ito kesa sa tawanan ng mga kaibigan niyang sina Yani at Jessica mula sa malayo at pinapanood kami.
They raised their middle fingers when they saw me watching them while giggling, making fun of my situation. I caressed my arm which hit the wall. It pained me, so I clenched my teeth.
"Shanelle," tawag ni Diane, kaya lumingon ulit ako sa kanya.
Pinulot niya ang notebook mula sa sahig at hinarap ulit ako. She was wearing heels, so she looked taller than me. Pandak naman talaga ako at mas matataas ang mga schoolmates ko kesa sa akin. Dagdagan pa na doll shoes lang lagi ang suot ko kapag pumupunta sa campus.
Diane eyed me deadpan. I was horrified by her arching eyebrows and threatening wide eyes. Lumapit siya sa akin, yinuyukuan ako habang nakadikit ang likod ko sa pader.
"Kung magpapagawa ako ng assignment, sagutan mo lahat," aniya at sinampal ako ng notebook niya sa pisngi, dinudulas na rin ngayon ito sa mukha ko nang mahina, "hindi 'yung yayabangan mo ako. Gusto mo lang bang ipasagot sa akin ang reflection para tingnan kung matalino akong 'gaya mo?"
Agad akong napailing dahil hindi naman totoo. "H-Hindi, Diane," agad kong sagot.
"Kung gano'n, ayusin mo," sabi niya pa at inasikan ako, ngayon ay lumayo na mula sa akin. "Ang dali mo na nga lang utusan, hindi mo pa magawa nang maayos, tss."
Pinanood ko siyang naglalakad patungo sa mga kaibigan niya. Nagtawanan sila papalayo habang iniiwan ako sa madilim na hallway na kasunod lang ng classroom namin. Napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang mag-aalas-singko na ng hapon.
I should probably get home.
Kinuha ko ang bag ko mula sa sahig na sinipa kanina ni Diane nang hingin niya sa akin ang assignment na pinasagot niya sa akin kagabi. It was our subject in Contemporary Arts. Enumeration and reflection ang contents. I started walking away while thinking about what happened.
Sinagutan ko naman ang enumeration, at akala ko ay ayos lang sa kanya kung siya na lang sa reflection. Kapag kasi sasagutan ko pa iyon, baka mapansin pa ng subject teacher namin na pareho ang thoughts na nilagay ko sa kanya at sa akin.
Napasapo ako sa aking noo habang papalabas ng gate ng campus namin. Doon ko naisip na baka ako 'yung mali. Sana sinagutan ko na lang ang reflection niya, pero sa ibang point of view na lang. Tsk!
Hinimas ko ang braso ko at namumula ito dahil sa pagkatatama kanina. Lumabas na ako sa malaking gate namin sa high school building ng Springfield University na pinapasukan ko. Nakita ko agad ang SUV ng driver ni Mommy na nakaparada katabi ang iilang kotse ng mga schoolmates ko, kaya naglakad na ako papunta roon.
BINABASA MO ANG
The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)
General FictionKapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan n...