SHANELLE
Tawanan at kuwentuhan ang nangyari sa sleepover namin sa mansyon nina Dawn. Si Dawn ay nakikisabay naman, pero si Linda, kanina pa talaga bad mood simula noong mag-usap sila ni Dawn sa labas ng kotse. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema niya, pero ayoko namang dumagdag pa, lalo na noong may ibang tinginan sila kanina sa loob.
"I mean, everything I did, wala siyang naging pakialam sa akin, so hindi na lang din ako nagpumilit pa. You also rejected him, right?" kuwento ni Kylie sa past crush niya raw.
"Well, that was a right choice, Kylie. I liked Zach, pero kaibigan kita, at ayokong maging unfair sa 'yo."
Ngumiti si Aura, pero hindi nakatakas sa akin ang dumaang sakit sa mga mata niya.
How can she let go of him just for Kylie? Friendship does matter, but feelings cannot be also ignored.
Pinaglaruan ko ang mga kuko ko habang nakikinig sa kanila.
"I'm sorry if I made your decision worse. Alam kong nasaktan kita."
Hinawakan ni Kylie ang kamay ni Aura.
"He's in Germany, right? May nakapagsabi nga sa akin na may girlfriend na raw siya, but I bet na mas maganda pa tayo roon!"
Tumawa si Kylie at nakipag-high five pa kay Aura na parang naiilang sa topic. Tumikhim si Aura at tumingin sa may madilim na parte ng garden, para mag may malalim na iniisip.
Nandito kami ngayon sa likod ng mansyon nina Dawn, sa may patio. Nakapasok ako sa sala at saglit akong namangha sa kalooban kanina. They have seven rooms, and their mansion is a three-storey. Malaki ang sala nila, at purong krema ang temang kulay ng kabuoan. Hindi ko na rin babanggitin ang mga mahal na gamit at antigo nila sa loob.
We were currently wearing pink pajamas. Pinahiram ni Dawn sa akin ang isang pastel pink, tapos pinaresan ko lang ng white spaghetti strap. In the middle of our conversation while lounging on the patio, Dawn's phone rang. Ngumiti siya na parang may magandang balita siyang natanggap saka kami tiningnan.
"It's Steven," she said and excused herself.
Ngumuso ako habang tinitingnan ang phone niya na umiilaw. Umalis din siya kalaunan at sinagot ito.
Yup, hindi lang ako, okay? Probably sina Linda, Kylie at Aura, tine-text din ni Steven. Maybe he's that texter na nagca-care sa mga friends niya. Walang big deal kung nagte-text kami ni Steven sa isa't isa. He wants to be friends with me, so I agreed... anxiously.
He'd always talk to me when we hang out in bars and greet me when we encounter each other in the hallways. Nagpapaturo din siya paano maglaro ng ML. Ewan ko kung wala lang ba talaga siyang ideya, o gusto niya lang din na maging kumportable ako sa kanya kagaya ng pagkakumportable ko kina Dawn.
Pero totoo nga ang mga sinasabi nila, ano? Kapag lagi mong nakikita at nakakasama, kusang umaapaw ang nararamdaman mo para sa isang tao. Kahit hindi pwede, hindi mo naman mapigilan. Kung magkataong mapuno na, sasabihin ko na lang kay Steven para walang gulo ang mangyari. Dahil iyon ang tama.
Umalis ako sa mansyon nina Dawn sa madaling araw dahil may klase pa at magbibihis pa ako ng damit. Tinawag ko na lamang ang driver namin mula sa bahay para sunduin ako. Pagkarating ng SUV ni Mommy na sinakyan ko papasok ng gate nang makauwi kami ay may nakita akong mukhang bagong guard sa labas at hindi na ang dati.
Nang makapasok ang sasakyan, nanlaki ang mga mata ko noong mas marami pa akong nakitang guards sa bahay. No, not only guards. They look like some austere and skilled bodyguards. They were wearing the same black uniforms with shades. Hindi ko rin nakaligtaan makita ang mga earpieces nila.
BINABASA MO ANG
The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)
General FictionKapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan n...