SHANELLE
"She has chronic leukemia."
Bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa nang balitaan ako ng doktor sa sakit ni Beatrice sa pasilyo ng hospital. Awtomatikong pumalibot sa puso ko ang sakit at sensitibong pakiramdam para kay Beatrice.
Nang makita ko siya kanina sa banyo ay nagpatulong na ako kina Iris at sa driver namin para madala siya sa hospital. Hindi ko matawagan sina Anabelle at Tita Lucy dahil naiwan ko ang cellphone ko sa kuwarto ni Beatrice dahil nabitawan ko na sa kaba.
"She's now in the fourth stage of cancer," dagdag ng doctor.
I gulped intensely. "Will she... still live for a long time?" I asked with a dash of hope.
Ngumiti ang doktor nang malungkot. "Her illness has killed her body since then. She didn't want to have dialysis, so we can't do anything to make her life long enough," he said.
"S-So, you're saying..." I trailed off, "...that she's gonna die soon?"
Mahinang tumango ang doktor. "I'm sorry," he said.
Nagpaalam ang foreigner na doctor sa akin bago ako napaupo sa waiting chair sa labas ng kwarto ni Beatrice. I kept shaking my head, refusing to believe that Beatrice is not gonna live any longer.
Not again... please... God.
"Miss Shanelle," tawag sa 'kin ni Iris na lumabas mula sa hospital room, kaya napalingon ako sa kanya. "Gising na po si Miss Beatrice."
Pinahid ko ang mga luha ko at tumayo nang dali-dali. Sumunod naman si Iris sa 'kin para pumunta sa kwarto ni Beatrice. Nadatnan ko siyang nakaupo na sa kama at galit ang mukha na nakikipag-away sa foreigner na nurse.
"Gosh! Just leave the fucking dextrose there, but remove the small tubes from my nose! It's irritating!" sigaw ni Beatrice at pilit na tinatanggal ang manipis na tubo na kulay berde mula sa ilong niya.
"Beatrice!" sigaw ko nang lumapit ako at piniglas siya.
Nagulat siya nang makita ako. "S-Shanelle?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Sinenyasan ko naman ang nurse na umalis na lang na sinunod din ako.
"Iris," tawag ko mula sa likod. "Ihanda niyo na ang sasakyan ng driver. Puntahan niyo sina Anabelle at Tita Lucy sa mansyon kapag nakarating na sila, at balitaan niyo sila sa nangyari kay Beat-"
"No, Shanelle! You can't do that!" sigaw ni Beatrice na natataranta na.
"I can do that!"
Nilakihan ko ang mga mata ko para makita niyang naiinis ako sa kanya. Wala nang mga luha ang bumubuhos sa mga mata ko. Lumabas na rin kalaunan si Iris matapos ko siyang pagsabihan. Kami na lamang ni Beatrice ang natira sa kuwarto mayamaya pa.
"Wala kang karapatan, Shanelle!" sigaw niya.
"May karapatan ako dahil kapatid kita! Alam mo bang may cancer ka?"
"Oo! Alam ko na iyon, last year pa bago ka dumating!" sigaw niya sa mukha ko, ang mga mata ay nagsisimula nang magbadya ng mga luha na ikinagulat ko.
"Pero bakit hindi mo sinabi kina Tita at Daddy na may sakit ka?" tanong ko sa magkahalong inis at pag-aalala.
"Para saan pa kung mamamatay naman ako, 'di ba?" pabalang niyang ani nang may nang-iinis na ngisi.
Dumapo ang palad ko sa pisngi niya. I wasn't supposed to do that because of her condition, but I am just so pissed of her saying that so easily. Dahil sa totoo lang, hindi nakakatuwa na mawawala siya nang wala man lang siyang pakialam.
BINABASA MO ANG
The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)
Ficción GeneralKapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan n...