Chapter Two

3.5K 150 0
                                    

SHANELLE

Pinanliitan ko ang aking mga mata sa sunset na nakikita ko mula sa malayo. Tinatago na ang araw ng mga gusali sa syudad at nagpapakita na rin ang mga bituin sa kalangitan na para bang hinahabol ang paglubog nito. Kinagat ko ang labi ko habang tinatapos ang pagkukulay sa painting.

"Hmmm, ano pa bang kulang?" sabi ko at tiningnan ang canvas. I tilted my head. "Silver dusts lang kaya sa mga bituin?"

Umayos ako ng upo sa stool habang hinaharap ang malaking canvas sa harap ko. Medyo nadudumihan na ang t-shirt ko sa mga acrylics na nasa isang lagayan. Pati ang mga kamay ko ay natutuluan mula sa paintbrush na hawak ko.

Tumingin ulit ako sa scenario mula sa malayo at tinukoy kung nasaan pa ang kulang. In the middle of my busy distinguishment of the resemblance between the actual scenario and the painting itself, I was disturbed by the ringing of my cellphone from my side table beside my bed.

Sino namang tatawag sa akin ngayon? Si Dan kaya na nagpagawa sa akin ng assignment?

Binitawan ko muna ang paintbrush sa lagayan ng acrylic at dinaluhan ang tumutunog na cellphone ko. I picked it up and expected a smug voice from Dan.

"Hello?" I answered.

"Anak..."

Daddy's voice emerged from the other line. I almost rolled my eyes. Mas lalo lang akong sumimangot at humalukipkip, ang mga mata ko ay sinasamaan ng tingin ang lumulubog na araw mula sa malayo.

"Hey, Dad," I answered bluntly.

What does he want from me again?

Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "You're going to first-year college next year, right?" he asked, did not even think of asking me how I am.

Even hearing his voice disgusts me. Tuluyan na talaga akong umirap at tiningnan ang pinto, humihiling na hindi pumasok dito si Mommy sa kwarto ko. She was cooking dinner with Manang Eli in the kitchen, while I am having a quality time here in my room after a day of class.

"Yes," sagot ko, medyo may tabang sa boses, at alam kong narinig niya iyon dahil pinapahalata kong ayaw ko siyang makausap. "What about it?"

"I want you to study here in New Zealand," he said. "You can take any courses you want. Nag-usap na kami ng mommy mo tungkol dito, at pumayag siya na dito ka titira kapag college ka na next year."

Bahagya akong napatigil at napaisip sa sinabi niya. "Ano?" Napasinghap ako at agad nag-init ang ulo. "At bakit ko naman gagawin iyon?"

Huminga siya nang malalim na para bang napapagod magpaliwanag. "Your Tita Lucy wants you here," he revealed.

"Tita Lucy who?" I said bluntly again.

"Shanelle!"

Hindi niya na natiis at natawag na ang pangalan ko nang pagalit. I know that's his new wife. I just couldn't bear accepting that, though. Hindi ko masikmurang may bagong babae si Daddy na ipinamalit niya kay Mommy noon.

"Hindi, Dad. Ayoko," sagot ko nang mariin. "Para saan pa? Springfield has a college campus. Doon ko na rin napagplanuhan na magtapos ng pag-aaral. Lalarga pa ako sa kabilang bansa para lang diyan mag-aral kung pwede naman dito?"

"I want you to meet my wife so that you will have a closure like your mom did. Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" may bahid na pag-aalala niyang tawag. "Anak naman..."

I sardonically scoffed, couldn't contain my annoyance. "Kung napipilitan ka lang dahil sa asawa mo, huwag na lang. And pa'no si Mommy? Hindi ako kagaya mo na nang-iiwan na lang. I will never do what you did, Dad. Never."

The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon