Chapter Nine

2.6K 132 11
                                    

SHANELLE

Gabi ng Linggo ay titig na titig ako sa isang blangkong puting canvas sa balkonahe ng condo. Nakalatag sa marble table na nasa harapan ko ang mga coloring at painting materials. Naisipan kong magpinta para mawala ang mga iniisip ko.

Whenever I paint, I would always think of colorful things --- like happiness and a beautiful world. But for the first time in my life, holding a paintbrush right now, dark pain and drab loneliness are my inspirations to do art.

Nasaktan ako sa pakikipagkaibigan. Nasaktan ako sa eskwelahan. Nasaktan ako sa mismong sarili ko. Nasaktan ako sa pag-ibig. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan ng mga tao sa paligid ko.

Nasasaktan ako sa lahat, pero hindi ko magawang magreklamo. Para akong nakakulong sa kulungan ng kalungkutan. Para akong nakakadena sa sakit na walang hanggan.

Isang ngiti ang dumating sa labi ko. Sa pagkakataong ito, isang malungkot na ngiti at walang buhay.

Sinimulan kong kuhanin ang painting brush at nilunod ito sa black acrylic color. Binuhos ko ang makakaya ko sa pagpipinta dahil hindi naman ako makakatulog sa ngayon. Babahain lang ako ng mga iniisip at lungkot. Sa sumunod nang umaga natapos ang painting ko, mga alas-sais.

I painted myself and highlighted the color hazel of my eyes. Despite the darkness and the chains that are choking my neck and tightening my hands and feet, my natural eye color became radiant in the painting. Pinapalibutan ako ng madilim na selda at nakasuot ng puti at gusot na dress na para bang isang hayop na inalipusta. It was beautiful yet sad.

Inimpake ko na ang mga gamit ko sa isang malaking bag. Konti lang ang mga dala kong damit dahil isang araw lang naman ang trip namin sa isang resthouse sa Batangas. Tomorrow, all of the students are going home to celebrate Christmas together with families and friends. Break na rin pagkatapos.

Naiinggit nga ako, kasi 'yung mga classmates ko, may uuwian silang mga pamilya. Ako naman, dito lang sa condo --- tutunganga, walang daddy, busy ang mommy, walang kaibigan, at break pa sa boyfriend.

Ganda ng buhay ko.

Tinitigan ko ang kabuoan ng sarili ko sa salamin. Nagsuot ako ng puting sleeveless dress na lampas tuhod, tapos pinaresan ko na lang ng sneakers. Hindi ako marunong manamit, kaya hinayaan ko na lang. Pinasadahan ko ng hawak nang mahina ang mahaba kong buhok na nasa hanggang bewang ko na gamit ang mga daliri.

Sinubukan kong ngumiti, pero ang mga mata ko ay nagtatraydor. Nag-iwas ako ng tingin sa mismong sarili ko at sinarado na ang condo.

Pagkarating ko sa eskuwelahan ay nagpababa ako sa taxi malayo sa gate kung saan naroroon ang mga classmates ko. Sa isang walang taong waiting shed ako lumapit dahil ayokong kumuha ng atensyon mula sa kanila.

Nagtagumpay naman akong hindi mapansin dahil abala ang lahat sa gate sa pagtatawanan at pagkukuwentuhan. May mga tingin akong naramdaman, kaya nilingon ko ito, pero ang nadatnan ko lang ay ang pag-iiwas na tingin ni Jeffrey. Napabuntong-hininga ako.

Nahagip ng mga paningin ko sina Aura at Kylie na nag-uusap kasama ang mga classmates kong babae. Si Linda ay nakakunot ang noo habang tinitingnan ako. Pero iniwasan niya lang ako ng tingin at bumaling sa mga kaibigan niya ilang sandali pa.

It's okay, though, if I look pitiful. They might think that I am just victimizing myself because I am the one who betrayed my friends and had a relationship with the most famous socialite's boyfriend. It was displayed as bad so I am a bad person to them. Playing the victim also means being the villain in their own perceptions of me.

May pumaradang van sa harap ko ilang sandali lang kaya napayakap ako sa bag ko. Tinitigan ko ito hanggang sa may lumabas na naka-high-waisted shorts at peach sleeveless-top na si Dawn.

The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon