ALVIN
"Dawn!" sigaw ko habang sinusundan siya papasok sa mansyon nila.
"Leave me alone, Alvin!" sigaw niya rin habang hinahawakan ang ilong niyang dumudugo.
Napamura na lang ako nang malakas dahil sa katigasan ng ulo ni Dawn. Sinalubong siya ng isang katulong sa mansyon na galing sa pagpupunas ng isang lamesa.
"Ms. Dawn, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng isang katulong sa kanya.
"Tabi!" singhal niya at malakas pang tinulak si manang.
Napapikit na lang ako sa kawalang respeto niya. Dumiretso agad siya sa kusina. Nilapitan ko naman si manang na inaayos ang kanyang uniporme.
"Pasensya na po sa inasta ni Dawn," pagpapaumanhin ko.
Ngumiti si manang saka tumango. "Sanay na ako kay miss, sir. Bata pa po kasi siya kaya naiintindihan ko."
Tumango na ako sa kanya saka ko sinundan sa kusina si Dawn. Hinuhugasan niya na ang ilong niya mula sa lababo.
"Dawn!" sigaw ko. "Marunong ka naman sanang rumespeto! Pasalamat ka nga't tinatrato ka nang mabuti ng mga katulong dito!"
Kumuha siya ng tissue at binalingan ako. Pasiring niyang pinunasan ang dugo na nasa ilong niya.
"Nagiging mabait lang sila sa akin dahil amo nila ako. At isa pa, bakit ka ba nag-aalala sa akin? Don't act like some superhero here!"
Tinapon niya sa isang trashcan ang tissue at pumunta sa refrigerator. Umikot ako sa counter para pumunta sa may gilid ng ref.
"Nag-aalala ako sa 'yo dahil pinsan mo ako, at obligasyon kong ipaglaban kita," sabi ko naman.
Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa may rack ng mga baso. Padabog siyang nagsalin ng isang pitsel sa baso at uminom nang may tunog sa paglagok.
"Dawn Marie, nakikinig ka ba sa 'kin?!" sigaw ko, nawawalan na ng pasensya. "Ang dami mo nang ginawang gulo! Hindi ka pa ba nakukuntento sa pambu-bully mo? Marami kang tagahanga, may singing career, at nirerespeto pa ng mga tao! When will you stop being petty?"
Padabog niyang ibinagsak ang baso niya sa lababo. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Magiging maayos at kuntento lang ako kapag nawala na sa paningin ko ang Beatrice Reign Corpuz na iyan!" singhal niya sa akin.
Naitikom ko ang aking bibig sa pagsambit niya ng pangalan ni Beatrice.
That brat. Mas lalo lang akong nanliit sa kanya dahil sa pagiging brutal niya kanina. She's heartless!
"Hindi mo ba nakikita, Alvin?" mariin niyang tanong. "Kinukuha niya sa akin ang lahat. The praise, the fame, even Steven! She's acting like she's some goddess!"
"What? You're so immature, Dawn! Dahil lang sa mga iyan?"
"Gosh! Hindi mo talaga maiintindihan dahil wala ka sa mga sapatos ko!" she rumbled and sobbed. "Sino bang matutuwa kung ningudngud niya ako sa baso ng toyo? Pinagpalit ang mga locker numbers namin para ako ang masabuyan ng putik? Hinalikan si Steven sa harapan ko, at mas lalong batuhin ako ng bag sa harap ng maraming tao?" Nangilid ang luha niya dahil sa frustration. "She's making me the victim here, and I hate it!"
Napabuntong-hininga ako at inayos ang buhok niya nang lapitan ko siya. Humikbi siya habang pinupunasan pa ang mga luha. Niyakap ko siya at inalo.
"I hate her. Pinapahiya niya ako!" dagdag niya pa.
Even though she's a brat ay mahal ko pa rin naman siya. Dawn's my cousin at kababata ko pa, kaya natural lang na alagaan at protektahan ko siya. She's kind, pero masiyado lang na-spoiled.
BINABASA MO ANG
The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)
Aktuelle LiteraturKapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan n...