SHANELLE
Agad kaming napatayo matapos sabihing nanalo si Aura bilang Miss Intramurals sa taong ito. Mas nabingi ako sa sigawan ng lahat. Parang prinsesa na kumaway si Aura habang naglalakad sa stage na may silver crown sa ulo at isang palumpon ng mga makukulay na bulaklak kasama ang sports attire niya bilang isang billiard player.
Ang ganda niya talaga. Walang kakupas-kupas. Hindi naman talaga nakapagtatakang manalo ulit siya dahil isa siyang prodigy sa beauty pageantry. Pero kapag nanalo siya, parang buong mundo ang nasisiyahan sa pagkapanalo niya.
"Aura! Aura! Aura!" sigawan ng lahat.
Pumalakpak ako para sa kaibigan kasama sina Dawn sa baba ng stage na laging nakasuporta sa kanya.
Matapos ang paligsahan, napunta kami sa isang bar para mag-party sa pagkapanalo ni Aura noong gabing iyon. As usual, ang se-sexy at branded ang mga damit nila, habang ako ay white t-shirt lang at faded jeans na pinaresan ko ng rubber shoes.
Nagsasayaw na silang apat sa dance floor. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa na may hawak na juice, pinapanood sila. Uminom muna ako ng juice bago tumayo. Naiihi kasi ako, kaya magbabanyo na lang muna ako. Dahil sa rami ng tao, may nakakaapak pa sa 'kin. Natutulak ako, pero ako pa rin ang nasisisi sa huli.
What do you expect from other people? They have no choice but to blame others just to protect themselves.
Ilang minuto akong natapos sa pag-ihi bago naisipang bumalik sa sofa. Parang may namuong bukol sa lalamunan ko nang madatnan si Dawn na nakaupo sa hita ni Steven. Hinihimas-himas ni Dawn ang braso ni Steven, habang si Steven naman ay nakangising pinapasadahan ng hawak ang buhok si Dawn.
Shanelle, keep your head straight and mind your own business. I was anxious while looking at them. Hindi naman sila mukhang awkward sa posisyon nila, pero ako naman ang hindi komportable.
Kahit nanghihina at naiilang ay dumiretso lang ako roon sa may dulo ng sofa nang hindi sila pinapansin at malayo sa agwat nila. Kinuha ko ang isang baso at ininom ito. Nangasim agad ang mukha ko nang mapagtantong Mojitos ang nainom ko.
Napapa-headbang ako nang konti sa music ng buong bar. Biglang sumulpot si Linda sa harapan ko. Umupo pa sa aking tabi. Nakangisi siya habang inaayos ang dress niya.
"Don't you want to dance?" tanong niya sa 'kin.
Ngumiti ako at sumagot, "Ah, ayos lang ako rito."
Tumaas ang kilay niya. Nagkagat naman ako ng labi.
"Kanina nga pala," panimula niya habang nagsasalin siya ng vodka, "kinausap ako ng teacher natin. He told me na babagsak na ako sa General Mathematics."
Agad akong nagtanong. "Gusto mo, pakopyahin kita ng mga answers tuwing te-?"
"Of course not! I need you to teach me."
Nagpakurap-kurap ako sa harapan niya. "Puwede mo naman akong tanungin tuwing tests at quizzes, e."
Nakita kong umirap siya. Sinamaan niya pa ako ng tingin. "I'm not like my friends, Shanelle," aniya.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Para naman siyang nataranta nang mapagtanto iyon.
"I-I mean, gusto ko talagang matuto, at ayokong magkautang ng loob sa 'yo."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin, habang ako naman ay naiwang nagtataka.
Hindi siya kagaya ng mga kaibigan niya? Nina Dawn? Ayaw kong lalimin pa ang biglaang pagsabi niya no'n, pero hindi ko maiwasan. But for the past days, they don't look suspicious.
Umiling ako. Si Linda naman ay umiinom sa martini glass mula sa table, nasa tabi ko pa rin.
I must be paranoid. I am already accustomed to them. They didn't even physically hurt me, instead, they were all so kind and sweet. So how did Linda tell me that unconsciously?
BINABASA MO ANG
The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)
Художественная прозаKapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan n...