Chapter Eleven

2.8K 129 15
                                    

SHANELLE

Nakatulog ako sa biyahe sa eroplano. Dumaan ang sampung oras ng biyahe. Natagpuan ko ang sarili kong sakay ng isang taxi.

Gusto kong mamangha dahil sa mga nagtataasang gusali sa siyudad ng New Zealand at kalinisan ng bansa, pero wala talaga akong gana. Mas gusto ko na lamang ang magpahinga na. Sikat na sikat ang araw dito at walang bakas ng ulan ang namataan, hindi kagaya sa Pilipinas.

Sinabi ko ang address sa taxi driver at tumango naman ito.

I made a decision to go to New Zealand. Nag-impake agad ako kagabi at dumiretso sa airport, nag-book ng flight, at hindi na nag-atubiling tumawag pa ng kahit kanino. My last resort is Daddy Ricardo Corpuz, my dad who I hated since he left me and Mom.

But right now... I don't really have a choice but to reach out to him. Kailangan ko munang magpababa ng pride dahil wala nang pupulot sa akin kung hindi siya na lang.

Laglag ang panga ko nang makarating sa harap ng gate ng mansyong alam kong kay Dad sa isang village. Kumatok ako sa malaking gate. Lumabas naman ang isang foreigner na guwardiya dahil sa uniporme nito at tinging sinisipat ako.

"Hi. I'm Shanelle-"

Napatigil ako. Gagamitin ko ba ang apelyido ni Mommy?

"I'm Shanelle Corpuz," ngiting sambit ko rito.

Kay Daddy na nga lang.

Pinapasok niya ako nang walang kahirap-hirap na para bang inasahan niya na akong darating. O baka naman dahil sa apelyido ko? Inilingan ko na lang iyon.

Dala-dala ang isang luggage ko ay naglakad ako papasok habang tinatanaw ang mga malilinis na tanim sa mga paso na nakahilera sa gilid ng isang mahabang pavement sa loob ng mansiyon kung saan ako tumatapak ngayon. Makikita sa pagpasok ko ang isang anghel na may dalang pana sa fountain sa gitna. May mga halamang iba-iba ang hugis sa tabi, kaya namamangha ako.

The exterior was similar to a small paradise. Two side porches are segregated from the huge modern mansion. Balconies can also be found around the second floor's rooms when I looked up. A maid who was watering the vast pristine bermuda glass using a hose observed me walking and I smiled kindly, wanting to greet her but did not.

Agad akong dumiretso sa double doors ng mansyon. Huminga muna ako nang malalim bago nag-doorbell. Sa ikalawang pagdo-doorbell ko ay may isang babaeng lumabas, hindi kalayuan ang edad kay Mommy.

Maganda siya at maputi; mapupungay ang mga chinitang mata na kulay krystal; matangos ang ilong; at maninipis ang mapupulang labi. Nakalugay ang buhok at naka-dress din siya na sobrang eleganteng tingnan. Nakita kong napatakip siya sa bibig at nanlalaki ang mga matang tinitingnan ako.

"S-Shanelle?" sambit niya.

"Good morning po," magalang na bati ko at medyo yumuko.

So kilala niya ngang talaga ako. If I could be right, she must be Tita Lucy.

"Pasok ka! Pasok ka!" aniya agad nang may demonstrasyon pa sa mga kamay at tumabi sa pintuan para paraanin ako.

Ewan ko kung bakit natataranta siya sa pagdating ko. Ang inasahan ko pa naman kanina ay tatanungin niya ako kung bakit nandito ako. Weird...

"Iris!"

May tinawag siya mula sa malaking kusina nila. May lumabas naman na isang naka-unipormeng maid mula roon. It was a Filipina.

"Kunin mo ang luggage ni Shanelle at ilagay mo sa isang guestroom, katabi ng kay Belle!"

Agad tumango si Iris. Kinuha niya mula sa kamay ko ang luggage. Iginiya ako ni Tita Lucy, kung saan hindi na nakapagtataka sa isang mamahaling puting couch sa malaking sala ng mansyon.

The Mask Behind the Past (Reigns of Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon