"Hoy Monique! Ano nanaman bang iniisip mo?" tanong sakin ni Alexa.
"Hindi ano kundi sino." sabat naman ni Kathleen Alto Bestfriend ko na madaldal. "I'm pretty sure Si Ryan nanaman ang laman ng utak ng bestfriend natin." dagdag pa nya.
Yeah she's right. Di ko nalang sila pinansin. Nandito kami ngayon sa Library. Kainis kasi eh. Di ko nakita si Ryan. Hindi nanaman kumpleto ang araw ko. Kaya nga ako nagtransfer dito sa school nila para araw-araw ko sya nakikita eh. Pero syempre para narin sa bestfriend ko na si Alexa at Kathleen. Ako lang kasi ang napahiwalay sa kanila after namin grumaduate ng high school eh. Gusto kasi ni Dad sa PUP ako mag-aral para daw maiba ang ambiance at para na rin maibigay na nya sakin ung matagal ko ng hiling na kotse at condo pero dahil sa pasaway ako mas ginusto ko pang makita si Ryan araw-araw, ipagpapalit ko ang condo at kotse ko para kay Ryan. Anyway, habang di pa masyadong nag i-start ang story ko i would like to introduce myself first. I'm Janina Monique Reyes, 18 years old and 1st year college student in Xavier University. My Mom and Dad is the owner of Janina's clothing company and me... ehem! Ako lang naman ang Unica Hija. Pero dahil sa humble ako, di ko yon ipinagmamayabang.
So lets go back to the library.
Ito ako nakasalumbaba. Paano ba naman kasi 2 subjects nalang at matatapos nanaman ang araw ko dito sa school na to. Kung bakit kasi ang gwapo na at ang talino pa ni babe Ryan ko. Ayan tuloy lagi syang kasama sa mga school academics na yan. Hindi naman sa bobo ako. Matalino rin naman ako lalo na pag nariyan si Babe Ryan. Of Course kelangan kong magpa impress sa kanya. Malay mo mamaya sagutin na nya ko.
Natapos ang dalawang subject na sobrang nakakaboring. Ang lumbay ng buhay pag wala si Babe Ryan. Solo akong naglalakad ngayon dito sa hallway palabas ng campus. Nauna ng nagpaalam sakin yong dalala kong bestfriend kasi may kanya kanya na silang lakad. kaya ako ito ngayon mag isa.
Papalabas na sana ako ng exit ng may matanaw ako na lalaki sa di kalayuan. Ang gwapo talaga nya. School uniform lang ang suot nya pero ang lakas ng dating.
"Babeee! Babe Ryan!" sigaw ko sa kanya. Sabi ko na nga ba sya yon eh. Yes kompleto nanaman ang araw ko.
Bigla naman syang lumingon. Nung nakita nya na ako ung sumigaw bigla syang nagmadaling lumakad palayo.
"Babe wait lang." sinundan ko sya, kaso ang bilis nyang lumakad.
"Babe wait lang. Hintayin mo ko!!!" sigaw ko pa sa kanya.
Napatingin naman sakin ung ibang istudyante. Okay ako nanaman ang attention seeker sa school hallway na to. Wala ng hiya hiya to. Pero talagang di ako nilingon ni Babe Ryan. May bara ba ang tenga nya? Halos lahat sakin na nakatingin pero sya di man lang lumingon. Hanggang sa tuluyan na syang nawala sa paningin ko.
"kainis! bakit kasi naghills pa ko!" naiinis na bulong ko sa sarili ko with matching padyak-padyak pa ng paa.
Di ko man lang nakausap si Babe Ryan. Di bale, ang mahalaga nakita ko sya. Buo nanaman ang araw ko.
---
Hi! Paki corrert nalang po ung mga typographical error and grammar ko. thank you. Please do read and vote po.
Di po ako magaling gumawa ng kwento, gawa gawa lang po yan ng magaling kong utak kaya please pakisubaybayan :)
11/15/14
YOU ARE READING
My Unrequited Love For Him
Teen FictionLove is so ironic... sabi ng iba. Mahal mo pero di ka mahal. Mahal ka pero di mo naman mahal. Nagpapakatanga ka sa kahahabol don sa taong mahal mo, di mo alam may tao rin palang nagmamahal at naghahabol sayo. Paano kung mapagod ka sa kakahabol don...